Chapter 9

4.4K 119 6
                                    

Chapter 9

Matapos ang isang araw na binigay sa akin ni Boss Sungit na day off ay balik ulit ako sa trabaho.

At sa ngayon ay kasalukuyang nasa dance studio kami, kasama ang kabanda ni Boss Sungit.

Nagtataka nga ako, e.

Kasi nga 'di ba rocker siya tapos magpapractice ng sayaw, anong connect noon? Trip lang?

Lakas din ng tama nitong sila Boss Sungit, e.

Nasa may gilid lang ako na nanonood sa kanila.

Pero in fairness ang galing sumayaw ni Boss Sungit, may talent din siya sa pagsasayaw, e 'di siya na ang talented.

Ako rin naman a, talented mamaya sasamplan ko sila ng tunay na talent makikita nila.

Mayamaya ay nagbreak na sila Boss Sungit lumapit naman siya sa akin at inabot ko naman ang hawak kong mineral water.

Tumayo naman ako nang umupo si Boss Sungit sa tabi ko kunot noo naman na nakatingin sa akin si Boss Sungit.

Bigla akong nakarinig ng kanta na trumpet, kaya naman nagsasayaw-sayaw na ako sa harap ni Boss Sungit, sa 'di naman pagmamayabang may talent din ako sa pagsayaw 'no, katunayan nga dati noong may pacontest sa barangray namin sumali ako sa dance contest at ako ang nag-champion, o 'di ba ang galing ko, sabi ko sa inyo talented din ako.

Mayamaya ay may humila sa akin sa gitna pagtingin ko ay si Stephen na nakikisayaw na rin, mamaya-maya ay sumali na si James at si Aeron kaya kaming apat na ang sumasayaw, nakaharap kami sa malaking salamin at ako ang nasa gitna nila.

Bigla naman dumating na sa chorus, kaya na todo sayaw na ako.

Aba nandito na ako ipakita ko na rin ang sayaw ko, narinig ko naman na nagpapalakpakan ang mga tao, ngumiti lang naman ako napatingin naman ako kay Boss Sungit na tulalang nakatingin sa akin habang nakaupo at hawak-hawak ang tubig sa kamay niya na nasa tuhod niya.

Todo bigay ako sa pagsayaw ko, mabuti na lang at medyo maluwag ang damit na sinuot ko kaya malaya akong nakakagalaw.

Nang matapos na 'yong togtog ay nagpalakpakan ang mga tao ako naman ay nag-bow.

"Salamat! Salamat!" sabi ko habang nakataas pa ang isang kamay at magba-bow.

Lumapit sa akin si Manager Love na pumapalakpak.

"Wow, ang galing mo!" sabi ni Manager Love.

"Ay 'di naman, tama lang," sabi ko.

"Sus, pa-humble ka pang bakla ka," sabi ni Manager Love

"Syempre manager, ika nga ang mga tao, humble lang daw ang nakakaakyat sa langit, so makakaakyat na ako sa langit, makakasakay na ako sa escalator papuntang langit!" Nakangiti kong sabi.

"Ay ganoon pala 'yon," sabi ni Manager Love.

"Oo 'di mo alam? Naalala ko lang 'yon sabi kasi 'yon ng math teacher ko noong high school ako kaya dinala ko hanggang ngayon humble ako," sabi ko habang nakangiti pa.

"E 'di ikaw na."

"Salamat," sabi ko.

"Pero ang galing mo sumayaw, ha? Marunong ka pala." Natutuwang sabi ni Manager Love.

"Naman, kaya nga kapag may dance kid na ulit na pa-audition, sasali ako," sabi ko.

"Dance kid? 'Di ba pangbata 'yon?" Tanong ni Manager Love.

"Ay pangbata ba? Akala ko p'wede ako roon, 'di kasi ako nakapanood noon na rinig ko lang sa kapatid ko, 'di bali sa dance adult sasali ako." Nakangiti kong sabi bigla naman nangunot ang noo ni Manager Love.

Ang P.A Kong RaketeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon