Chapter 11

4.2K 105 0
                                    

Chapter 11

Kinabukasan ay mga alas syete ay nagising na ulit ako, binilhan ko na rin ng makakain si Angela, at pinakain ko na rin siya noong nagising siya.

Sabi ng doctor bumubuti na raw ang kalagayan ni Angela, 'pag nagpatuloy pa raw 'yon ay baka makauwi na rin daw si Angela, sana nga ay maging maayos na si Angela.

Bandang alas otso ng umaga ay dumating na si Aling Nina.

"Angela, aalis muna si Ate, ha? May PTA meeting sa school niyo kailangan ko umattend iiwan muna ulit kita kay Aling Nina ha, mamaya babalik ako rito pagkatapos ng PTA meeting sasama ko rito si Angel, okay lang ba?" Pagkausap ko kay Angela. Nakangiting tumango naman siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya nagpaalam na rin ako kay Aling Nina bago ako umalis.

Paglabas ko ay sumakay na ako sa jeep papunta sa bahay, nang nakarating na ako sa bahay ay dumeretso ako sa bahay nila Aling Nina at nakita ko roon si Angel na malungkot na naglalaro ng manika niya, kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Hi Angel," sabi ko habang pinaliit ang boses ko at ginagalaw-galaw ang manika niya.

Napatingin naman sa akin si Angel at ngumiti bago dali-dali akong niyakap.

"Namiss mo si Ate?" Tanong ko, tumango naman siya habang yakap-yakap ako.

"Teka, may ibibigay ako sa'yo," sabi ko habang binubuksan ang bag ko na may ilang piraso na prutas at mga chips, iniwan ko kasi sa hospital 'yong iba para may makain naman sila kapag nagutom sila, nang makuha ko na 'yong prutas at ilang chips ay binigay ko kay Angel masayang kinuha naman 'yon ni Angel at umupo sa kahoy na sofa nila Aling Nina habang kinakagatan na ang apple.

"Angel, aalis din muna si Ate ha, 'di ba sabi mo may PTA meeting sa school ninyo? Pupunta roon si ate, okay lang ba?" Tanong ko kay Angel.

Tumango lang naman at nagpatuloy sa pagkain ng apple.

"Dito ka lang muna ha, pupunta pa ako ng school mo. 'Di ba mamayang alas diyes simula noon? Kaya aalis na muna si ate, pagbalik ko sama kita papunta kay Angela, okay ba sa'yo 'yon?" Tanong ko kay Angel, ngumiti naman siya sa akin at sunod-sunod na tumango.

"Sige maliligo muna ang ate sa bahay natin, ha?" sabi ko.

"Opo ate," sabi niya.

Pagkatapos ko magpaalam ay pumunta agad ako sa bahay namin at naligo, matapos maligo ay nagbihis na ako ng t-shirt ko at pantalon.

Nang makabihis na ako ay dumaan muna ako kay Angel bago pumunta school nila.

Pagdating ko sa school nila ay halos kakasimula na pala ng PTA meeting kaya nakisingit na lang ako.

Sa kalagitnan ng meeting ay biglang nag-ring ang cellphone ko, kaya naman dali-dali kong kinuha 'yon sa shoulder bag na gamit ko, nang makuha ko na ang cellphone ko ay nakita ko na si Boss Sungit 'yong tumatawag, naramdaman ko naman na halos lahat ng tao ay nakatingin sa akin kaya naman nagpeace sign ako, pinatay ko 'yong tawag ni Boss Sungit at nagsilent mode ako para 'di maingay.

Nang matapos na ang meeting ay halos sumakit na ang p'wet ko kakaupo sa upuan dahil sa sobrang tagal ng meeting, tapos tungkol sa darating na foundation day lang pala ang pag-uusapan ang dami pa nilang pinagsasabi, halos inabot ng dalawang oras ang meeting dahil sa ka-ek-ekan na 'yon,

Jusme, may trabaho pa ako.

Pagkatapos ng meeting ay sumakay na ko sa jeep pauwi sa bahay.

Habang naglalakad na lang ako papunta sa bahay nila Aling Nina ay nakikita ko 'yong mga kakilala ko at nakikikaway sa akin.

Ang P.A Kong RaketeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon