Date Published: October 8, 2016
Date Re-Published: June 21, 2020For more information, please join the group. Nasa external link po ang link ng group. :)
CHAPTER 5.
KYRA'S POV
Kinain ko 'yung mga binigay na pagkain sa'kin ni papa at nasarapan naman ako. Maraming mushrooms ito at ito ang unang beses na nakakain ako ng ganito.
"Ano po 'to papa?" Tanong ko at pinakita sa kaniya ang kinakain ko. Natawa siya ng mahina at kumuha ng napkin.
Pinunasan niya ang gilid ng labi ko ng dahan-dahan. Namula ako dahil sa hindi ko alam na ang dungis na pala ng labi ko.
"I'm happy to see your innocence, my princess. I love to see your sweet smile everyday. I'll protect that smile of yours." Mahinahong saad niya.
"Ngingiti po ako lagi para sa'yo, papa." Nakangiting saad ko naman at hinalikan niya ko sa noo. Binitiwan na niya 'yung napkin na hawak niya.
"That is called Mushroom Risotto. I ordered that a while ago for you."
"Thank you po, papa." Sabi ko at tumingin pa sa ibang mga pagkain na nakahain sa lamesa. May pizza at kumuha ako no'n.
"Ano pong pizza 'to?"
"That's the Margherita Pizza. One of the most loved pizza." Kinagatan ko 'yon at napangiti. Masyado siyang cheesy.
"Ang sarap po ng pizza." Komento ko at tumawa siya. Sinubuan ko siya at kinagatan naman niya 'yon. Bigla akong tumigil nang may naalala ako.
"Pa? Nasaan po si mama? Bakit hindi mo siya kasama at hindi ko pa po siya nakikita?" Tanong ko at nawala ang ngiti niya.
"Your mom was killed by someone that I still didn't know." Sagot niya. Napayuko naman ako dahil sa narinig ko.
"Don't worry, I'm looking for that someone who killed her." Binitiwan ko 'yung hawak kong pizza at hinawakan ang kamay niya.
"Pa, 'wag ka pong magalit." Mahinang saad ko dahil sa nakakatakot siya. Agad naman siyang ngumiti.
"I'm sorry for scaring you, my princess. I was just too frustrated because of your mother's death."
"Naiintindihan ko po 'yon, pa. Ako din naman po ay nalulungkot dahil sa hindi ko na po talaga siya makikilala pa." Niyakap niya ko.
"This coming Saturday, we'll go to the cemetery to visit your mom."
"Talaga po? Sige po, pa." Sagot ko at kumain na ulit ako. Kinuha ko 'yong plato na may carbonara at may tinapay din itong kasama.
"The bread is called Focaccia Bread. That's also delicious." Kinain ko 'yong tinapat at napangiti. Lasang pizza siya pero gawa sa tinapay.
"Ang sarap nga po." Sagot ko at kiain na din 'yung carbonara. Napatingin kami sa pintuan nang may kumatok doon.
"Boss." Nakita ko 'yung isang lalaki na nakita ko kagabi. May hawak itong folder at makapal ito.
"Please leave that to my table, Salvador." Ginawa naman ni Salvador 'yon at yumuko ng onti. Naglakad na siya palabas.
BINABASA MO ANG
I'm The Lost Daughter of the Mafia Lord
Novela JuvenilI'm Kyra Dorothy Elaine Ventura and I'm the lost daughter of the mafia lord. ~~~~ Kyra is a scholar in a well-known university. She has no idea that she was adopted by her so-called parents. Ano ang mangyayari kung malalaman niyang ampon lang siya...