Chapter 3.

11.3K 263 10
                                    

Date Published: August 24, 2016
Date Re-Published:
June 21, 2020

CHAPTER 3.

CHASE'S POV

"May nakalap na kong mga impormasyon, Rozen." Napatingin naman ako sa bagong dating na lalaki at agad ko siyang nakilala.

"Nandito na 'yung pinaka gwapo sa lahat." Nananaginip na saad ng gagong 'to. Sinamaan naman siya ng tingin ni boss dahil do'n.

"May plano sila laban sa'yo Rozen." Sabi niya pa. Sa lahat ng mga pinagkakatiwalaan ni boss ay siya 'yung may pinakamalakas na loob na tawagin si boss sa unang pangalan nito.

"And what is it?" Seryosong tanong ni boss sa kaniya.

"Alam na nilang may anak ka at inaalam na nila kung sino ang anak mong 'yun." Sabi niya kay boss. Napatingin naman ako sa kanya. Walang emosyon 'yung pinapakita niya sa'min pero alam ko at ramdam kong natatakot na rin siya para kay Ms. Kyra.

"Ano na po 'yung plano niyo boss?" Tanong ni Salix.

"Tutulong na ko sa pagbantay kay Ms. Kyra." Sabi naman ni Flinn.

"Mas madali kung si Flinn ang magbabantay sa loob ng eskwelahan." Sabi ko naman.

"Mas madali rin kung ang anak ng mga Cox ay babantayan rin si Kyra." Sabi naman ni Kurt. Oo tama. Mas maganda nga kung babantayan din ng anak ng mga Cox si Ms. Kyra.

"Pagkaka alam ko matagal nang kilala ng mga Cox kung sino ang anak ni boss." Sabi ko naman.

"Oo. Matagal na niyang kilala kung sino ang anak ni Rozen. At matagal na ring alam ni Rozen na may interest ito sa kanya." Sagot naman ni Kurt.

"Maganda naman kasi si Ms. Kyra kaya hindi na ko magugulat kung magkagusto 'yun sa kanya." Sabi naman ni Felix.

"Pero ang alam ko tutol dun si boss." Sabi ko naman.

"Tutol si Rozen kasi alam niyang mas mapapalapit si Kyra sa kapahamakan." Sabi naman ni Kurt. Napatingin naman ako kay boss na tahimik lang nakaupo sa pwesto niya.

"I know that he's already here in the Philippines." Sabi naman ni boss. Nakita ko naman napangisi si Kurt dahil do'n.

"Well, kasabay ko siyang pumunta sa bansang 'to." Sabi naman ni Kurt.

That means...

"Tito, let me. Let me help you to protect her." Tulad ng inaasahan ko. Nandito nga siya.

KYRA'S POV

Nagising ako ng medyo masakit 'yung katawan. Malabo pa 'yung paningin ko kaya naman pinikit ko ulit iyon. Nang medyo um-okay na 'yung paningin ko ay agad akong napaupo sa hinihigaan ko ngayon.

Hindi ko kwarto 'to ah. Nasaan ako? Napatingin naman ako sa suot kong damit at napansin kong nabago na ito. Tumayo na ko saka lumabas ako mula sa kwartong iyon at may narinig akong naguusap sa kabilang kwarto.

Lalapitan ko na sana 'yun nang biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si sir Charles. Nasa bahay ako ni sir Charles?

"Gising ka na pala Ms. Ventura." Sabi niya sa'kin at nilagay niya 'yung likod ng palad niya sa noo ko.

"Ano ba nangyari sa'yo at ang dami mong dalawang gamit?" Tanong niya sa'kin at do'n ko lang naalala na pinalayas nga pala ako ni mama sa bahay.

I'm The Lost Daughter of the Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon