Date Published: August 6, 2016
Date Re-Published: June 21, 2020PROLOGUE.
Isang gabi, habang umuulan ng malakas ay may isang lalaki na naglalakad sa labas at nagha-hanap ng isang bahay kung saan niya pwedeng i-abandona ang sanggol na hawak niya.
Napatingin siya sa karga niyang sanggol nang umiyak 'yon. Pinatahan niya na muna 'yong bata hinalikan sa noo nito.
Tumawa naman 'yong bata at napangiti ng malungkot ang lalaki. Nang may nakita siyang isang bahay na nakita niyang pag-iwanan ng bata ay lumapit siya doon.
"I'm so sorry pero kailangan, anak. I love you and I'll be meeting you when you grow up. Kung kailan okay na ang lahat at ligtas ka na mula sa kanila." Bulong ng lalaki.
Inihiga niya sa harap ng bahay 'yong sanggol kung saan hindi pa nababasa ng ulan. Iniwan niya na rin ang dala niyang payong para hindi maulanan ang sanggol.
"Let's meet soon, my princess." Sabi niya pa at hinalikan ulit sa noo. Pinindot niya ang door bell at agad tumakbo paalis para hindi siya makita ng mga taong nakatira sa bahay na 'yon.
Nagtago siya sa isang pader at sumilip. May lumabas na isang babae mula sa bahay at napatingin ito sa sahig. Kinarga niya ang sanggol at pumasok na sa loob ng bahay.
Napabuntong hininga naman 'yong ama ng sanggol at napangiti ng onti. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili niya na para sa ikinabubuti ito ng anak niya kaya naglakad na siya paalis.
•••• END OF PROLOGUE. ••••
![](https://img.wattpad.com/cover/76741176-288-k723613.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm The Lost Daughter of the Mafia Lord
Fiksi RemajaI'm Kyra Dorothy Elaine Ventura and I'm the lost daughter of the mafia lord. ~~~~ Kyra is a scholar in a well-known university. She has no idea that she was adopted by her so-called parents. Ano ang mangyayari kung malalaman niyang ampon lang siya...