Chapter 16.

7K 150 2
                                    

Date Published: November 12, 2016
Date Re-Published: June 21, 2020

CHAPTER 16.

THIRD PERSON'S POV

Napabuntong hininga ang mga taga Bucket dahil sa nangyari. Napatingin ang lola nila Denny sa puntod at naglapag ng bulaklak doon.

"Sana ay mapatawad mo kami sa ginawa namin sa asawa mo, anak. Nagkamali kami ng kinampihan noon no'ng namatay ka." Sabi nito.

"'Wag kang mag-alala, babawi kami sa kaniya kaya bantayan mo na lang kami." Dugtong pa nito at umalis na mula sa puntod.

~~~~

KYRA'S POV

Kanina pa ko nakatingin kay papa dahil sa nangyari kanina. Gusto kong magtanong kaso hindi ako sigurado kung paano ko tatanungin 'yon.

"I know what you're thinking, my princess. I have a conflict with your mom's family after her death. They accused me of killing her to get what they have." Paliwanag niya.

"Bakit po ikaw?"

"Carsons. Those assholes." Komento ni kuya at napayukom ako ng kamao. Pagbabayaran talaga nila ang tungkol sa ginawa nila.

Hindi lang nila pinatay si mama, siniraan din nila si papa kanila lola. Hindi ako makakapayag na magpatuloy 'to.

Nawala ang iniisip ko nang hinawakan ni papa ang kamay ko kaya napatingin ako sa direksyon niya.

"Don't think about that. Don't let your emotions control you, my princess. Baka mapahamak ka." Mahinahong saad niya.

"Naiintindihan ko po, pa. Sorry." Niyakap niya ko pati si kuya. "Don't think about revenge because of your emotions." Komento niya.

"Ayokong mapahamak o masaktan kayo kaya 'wag kayong kikilos nang walang magandang plano." Tumango kami ni kuya.

"I understand that, father." Sagot ni kuya at tumahimik na kaming tatlo habang baybae pauwi.

~~~~

Nandito ako sa training room at nasa harap si Chase. Pagkauwi ay agad ko siyang hinila papunta dito nang pinatawag ni papa lahat papunta sa meeting room.

"Using a knife in a fight... Turuan kita dahil 'yan ang gusto mong matutunan." Kinuha niya 'yung kamay ko at naglagay ng kutsilyo doon.

"Higpitan mo." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kutsilyo at dinala niya ko sa isang mannequin.

"Ituturo ko muna sa'yo ang tamang pagsaksak. Panoorin mo ko at dapat mong matutunan 'to ng tama para hindi ka mapahamak o masaktan." Tumango ako.

Pinanood ko ang ginawa niya at ginaya ang way ng pagkakahawak niya sa kutsilyo. Maya-maya lang ay tumigil na siya.

"Ikaw naman. Gawin mo 'yung ginawa ko." Pinagsasaksak ko din 'yung mannequin ng paulit-ulit. Inisip ko 'yung mga taong pumatay kay mama.

"Pagbabayaran nila ang ginawa nila kay mama!" Sigaw ko at hindi ko tinigilan 'yung mannequin. Bumintong hininga si Chase.

I'm The Lost Daughter of the Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon