Date Published: November 12, 2016
Date Published: June 21, 2020CHAPTER 15.
KYRA'S POV
Nang nakita kong tulog na si papa ay napangiti ako at hinalikan siya sa noo. Tumayo na ako at naglakad na palabas ng kwarto.
Napahinga ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad pababa ng hagdan. Naabutan ko pa 'yung iba na pilit pinapakalma sila Chase at kuya Denny.
Una kong nilapitan si kuya at pumwesto sa harap niya. Tumingin ako kanila Andrew at agad silang naglakad paalis para iwan kaming dalawa.
"Ano bang meron sa inyo ni Chase, kuya?" Tanong ko. Napabuntong hininga naman siya at napansin ko 'yung sugat sa gilid ng labi niya.
"Masakit ba?" Tanong ko pa at hahawakan ko na sana nang agad niya kong pinigilan.
"I'm fine. I'm fine. Don't worry about me." Iwas tingin niyang saad sa'kin. Binitiwan na niya ang kamay ko kaya naman napa cross arms ako.
"I already have a fucking conflict with that fucking shit since we we're kids." Mariing sagot niya habang nakatingin ng masama kay Chase.
"What did you just said?!" Agad na pinigilan ng lahat si Chase nang handa na naman siyang makipag-away.
"Ano ba?! Ang dami nang problema ni papa tapos dadagdagan niyo pa?! Bakit hindi niyo na lang pag-usapan ang problema niyong dalawa?!" Sigaw ko.
Medyo natigilan naman 'yung dalawa at napa-iwas ulit ng tingin. Tinanggal ni Chase ang mga kamay na nakahawak sa kaniya at tumayo. Naglakad na siya paalis papunta sa kung saan.
"I need some air. See you later, lil sis." Paalam naman ni kuya at hinalikan ako sa buhok. Naglakad na siya papunta sa garden na parte ng bahay.
"Bakit po ba nag-aaway ang dalawang 'yun?" Tanong ko naman sa mga natirang tao dito sa sala.
"Hindi rin namin alam. Basta pagkakilala nilang dalawa sa isa't isa ay magka-away na agad sila eh." Sagot ni Chance.
Napabuntong hininga ako at napakamot ng buhok. Hindi ko alam na ang dahilan ng away nila pero hayaan ko na sila.
Alam kong magkakabati din naman sila sa susunod na araw at hihintayin ko na lang 'yon, sa ngayon.
"Meron po ba ditong kwarto kung saan pwedeng mag-practice?" Tanong ko at tumango silang lahat. Sumunod ako sa kanila nang naglakad na sila paalis.
~~~~
Nandito na kami sa isang training room at tumaktakbo ako paikot para mag-warm up. Kailangan ko din namang gawin 'to.
"5 laps." Sabi ni Andrei at lima na lang ang tatakbuhin ko. Maliit lang naman ang kwartong 'to kaya hindi masyadong nakakapagod.
~~~~
Nasa gitna na kami ng ring at nasa harap ko si Chance. Tuturuan niya daw ako kung paano lumaban kaya handa na ako doon.
"'Wag pong masyadong hardcore. Ayoko pong mawalan ng buto." Komento ko at natawa silang lahat.
"'Wag ka pong mag-alala. Hindi ka mawawalan ng buto dito, mababalian lang."
BINABASA MO ANG
I'm The Lost Daughter of the Mafia Lord
Novela JuvenilI'm Kyra Dorothy Elaine Ventura and I'm the lost daughter of the mafia lord. ~~~~ Kyra is a scholar in a well-known university. She has no idea that she was adopted by her so-called parents. Ano ang mangyayari kung malalaman niyang ampon lang siya...