Date Published: November 12, 2016
Date Re-Published: June 21, 2020CHAPTER 12.
KYRA'S POV
Maaga kaming nagising ngayon at nagja-jogging sa labas. Alas-tres pa lang ng madaling araw dahil sabi ni kuya ay may preskong hangin pa sa mga oras na 'to.
Malamig pa naman ang hangin at walang masyadong tao. Ang kasama namin ay sila Chase at papa. Pati rin sila ay nagja-jogging din.
"Nakaka-enjoy naman 'to." Komento ko. Ito ang first time na ginawa ko 'to kahit na medyo inaantok pa ko kanina ay nagising agad ang diwa ko.
"I'm happy that you're enjoying this, little sister. When father trained me before, I hated this." Komento naman ni kuya.
"Talaga? Bakit naman? Ang sarap ngang tumakbo eh." Komento ko naman. Iniikot namin ang buong kalsada para lang makapag-jogging.
"This is not your real training. Your real training will start later after class." Sabi naman ni papa at tumango ako.
Tumahimik na kami at hindi ako makapaghintay sa training mamaya. Matagal ko nang gustong matutunan kung paano lumaban para protektahan ang sarili ko.
~~~~
Nasa campus na ako at kasama si Chase. Ngayon na din ang Student's Day kaya walang masyadong klase ngayon.
Maraming stalls na puro pagkain at may mga iba't ibang booths din. May mga events at shows din dito ngayon.
Dapat ang kasama ko ay si papa kaso nagka-emergency meeting siya kaya si Chase ang nandito ngayon para maging bantay ko.
Dala-dala ko din ang camera ko dahil sa gusto kong maalala lahat ng 'to. Saka may nakita din akong mga walang laman na photo album kaya gusto kong lagyan.
"Ingat lang, Kyra. Baka masaktan o may mabangga ka." Paalala ni Chase at tumango ako. Nakasabit naman sa leeg ko 'yung camera.
Nilagyan ko kasi ng tali para hindi ko siya laging hawak saka para hindi ko siya mabitiwan kapag may nangyaring hindi dapat.
"Dito tayo." Hinila ko si Chase papunta sa isang stall na puro street foods. Kumuha ako ng wallet at kumuha ng kwek-kwek saka binayaran 'yon.
"Gusto mo?" Nilapit ko sa bunganga niya 'yong kwek-kwek, no'ng una ay nagdalawang isip siya pero kinain naman niya 'yon.
"Ang sarap diba?" Tumango siya. "Sobra. Ngayon lang ako nakakain." Sagot niya at bumili ako ng isa para sa kaniya.
"Bakit mo ko binilhan? Hindi mo naman akong kailangang ilibre." Napabuntong hininga siya at kinuha na ang kwek-kwek.
"Meron din pala kayo 'yung isang bucket." Komento ko nang nakita ko 'yung mga nakalagay sa menu nila.
"Opo, ma'am. Sa isang bucket na 'yan ay lahat ng mga pagkain ay nandiyan tig-twelve pieces silang lahat at may kasamang sauce na din." Sabi ng lalaking nagbe-benta.
"350 pesos lahat tapos 'pag may kanin ay depende sa kung ilan ito." Komento ko pa at mas lalong napangiti.
Gusto kong ipatikim kanila papa 'to para malaman nila kung gaano ito kasarap. Inubos ko na 'yung kwek-kwek na kinakain ko at tinapon sa basurahan ang plastic cup.
"Magkano po 'pag may dagdag na apat na kanin?" Tanong ko.
"390 po lahat at kasama na doon ang drinks na sago't gulaman." Kinuha ko 'yung wallet ko para bumili.
![](https://img.wattpad.com/cover/76741176-288-k723613.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm The Lost Daughter of the Mafia Lord
Teen FictionI'm Kyra Dorothy Elaine Ventura and I'm the lost daughter of the mafia lord. ~~~~ Kyra is a scholar in a well-known university. She has no idea that she was adopted by her so-called parents. Ano ang mangyayari kung malalaman niyang ampon lang siya...