Chapter 13.

7.7K 174 0
                                    

Date Published: November 12, 2016
Date Re-Published: June 21, 2020

CHAPTER 13.

KYRA'S POV

"Nag-aalala na talaga ako dahil dito." Komento ko at uminom ng sago't gulaman. Paano kung may nangyaring malala?

"Ms. Kyra, 'wag kang mag-alala. Okay lang si boss at nasisiguro namin 'yon sa'yo." Paniniguro ko ni sir Charles at tumango ako.

Napatingin kaming lahat sa nagbukas ng pintuan at nakita namin sila papa at kuya Denny. Napangiti ako nang nakita ko sila.

"I'm sorry if we're late, my princess." Sabi ni papa at umupo sa tabi ko. "May nangyaring malala po ba?" Tanong ko.

"Nothing. Just business." Nakangiting sagot niya at tumango ako. Hinalikan ako ni kuya sa buhok ko.

"Don't worry, okay? Everything's fine, okay?"

"Okay, kuya." Sagot ko at hinain na ang binili kong pagkain kanina.

"Boss, iiwan na lang po namin dito 'yung mga papeles." Tumango si papa kay sir Charles. Iniwan na nila ang dalang mga papeles at lumabas.

"Labas na din muna ako."

"Hindi. Sakto sa'ting apat 'tong binili ko kaya kumain ka na kasama namin." Pag-aya ko at nakita kong sumimangot si kuya.

Anong meron? Hindi ba bati sila Chase at kuya? Magka-away ba silang dalawa o may tampuhan? Umupo na si Chase sa isang bakanteng sofa.

"Binili ko po 'to kanina. Alam ko po kasi na hindi niyo pa natitikman 'to." Sabi ko habang hinahain ang mga pagkain.

May mga isaw, kwek-kwek, kikiam, lumpiang toge, cheese stick, french fries, squid ball, fish ball at iba pa.

"I see. 'Yan pala ang tinutukoy na street foods ng mga estudyante." Komento ni papa at binigyan ko siya ng pagkain at gano'n din ang ginawa ko kay kuya.

"Masarap siya kaya alam kong magugustuhan niyo po 'yan." Paniniguro ko at nagsimula na kaming kumain.

"Sayang at walang paa. Masarap pa naman 'yon kahit na maraming buto." Komento ko pa at kumain ulit.

"Is this mango?" Tanong ni kuya at kinuha 'yung manga na nasa stick at may bagoong.

"Yup. Manga na may bagoong. Masarap din kuya." Sagot ko at kinagatan niya 'yun ng dahan-dahan.

Grabe talaga 'pag galing sa yaman. Dahan-dahan talagang kumain ng mga pagkain na pang mahirap. Parang naniniguro pa kung ligtas ba 'yung pagkain o hindi.

"Yeah. It's delicious." Sabi niya nang nakagatan na niya 'yung manga. Kumain na ulit kami ng tahimik.

~~~~

Nag-iikot kami ngayon sa buong campus kasama sila papa. Sa tuwing may nakikitang pagkain sila kuya ay agad silang bumibili para tumikim.

Kanina nga ay may nakita kaming mga kakanin ay bumili kami. Kakainin namin 'yan pagkauwi mamaya.

Meron din kaming binili na lechon manok, palabok at mga puto dahil sa gusto din nilang tikman ito. 'Yon na din ang kakainin namin sa diner.

Habang naglalakad din ay kumukuha ako ng litrato. Ang dami na nga naming litrato na magkakasama eh.

"Ang saya talaga." Nakangiting komento ko at natawa sila kuya. Ngayon ko lang naranasan 'to at feelling ko ay Family Day 'to kesa Student's Day.

I'm The Lost Daughter of the Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon