44~#Slumber With No Malice Part 1~

331 7 2
                                    

#Author

Naranasan ninyo na bang may makikitulog or better yet, may pinapatulog kang lalaki sa bahay mo? Yung kaklase mo?

"Okay, so, see you guys later. I'll probably take a bath first"

Nauna ng umakyat si Monique sa kwarto niya para makapaglinis na siya ng katawan. Siya na lang kasi ang hindi pa nakakapaglinis ng katawan dahil sa kalokohan nilang ginawa. 

Ano kaya iyon?

.

.

.

.

.

~Flashback

Tapos na silang mag-bake at nasa ref na ang ginawa nilang dessert. Inililipigpit na lamang nila ang kalat na dulot nila ng biglang nakaisip ng kalokohan si Chris.

Busy ngayon si Monique sa pagliligpit ng mga kinalat nila ng makaramdam siya ng biglaang may nagpahid sa kanya ng kung ano.

Hinawakan niya at malagkit. At doon lang niya na-realize na pinahidan siya ni Chris ng chocolate icing na ginawa nila!

Biglaang tumalikod si Monique at nakonsensya naman si Chris. Akala niya kasi makikipagbiruan lang din sa kanya ang 'asawa' niya. Ganun naman talaga sila eh. Pero iba ngayon si Monique.

'PMS lang siguro'

Ayan na lang ang nasa isip niya ngayon.

Susuyuin na lang muna niya ang asawa niya at nilapitan niya ito. Pilit niyang hinaharap sa kanya si Monique pero nagpupumiglas ang dalaga. Nang maiharap na ni Chris si Monique

"I'm really sorry, wifey. Sorry---"

Natigilan siya dahil biglaan siyang pinahidan ni Monique ng whipping cream. Kaya gumanti na rin siya. Naggantihan na lang silang dalawa.

Teka, asaan ba ang iba?

Nasa sala lang naman. Nanonood sila ng movie

#Assumera

Teka, ang tagal yata ng dalawa sa kitchen

"Guys, bakit ang tagal naman ata ng dalawa sa kusina?"

Napansin rin pala ni Ace iyon

"Oo nga. Siguro..."

Dagdag ni Roxanne. Nagkatinginan kami at nanlaki ang mga mata namin

"Are you girls thinking what I'm thinking?"

Nanlalaki pa rin ang mga mata namin na parang may na-reveal na secret

"I think"

Sagot ni Ace

"Me too"

Sagot din ni Roxanne. 

Dali dali kaming tumayo at sorry kung mawalan kami ng poise pero, tumakbo na lang kami sa kusina at 

OvO

Naglalandian lang pala ang dalawa? 

Napatingin sila sa amin at napatigil.

"Yo, guys. What's taking you all so....... long"

Sumunod pala sa amin sila Dovey. Biglaan akong inakbayan ni Dovey

>/////<

Bakit ba ang lakas ng apekto niya sa akin?

"Umm, sali kayo?"

Nahihiyang aya ni Monique. Hindi ako sumagot, imbes, lumapit ako sa may counter tapos kinuha ang wiping cream at nag-scoop gamit ang kamay ko at binato sa mukha si Dovey. Natawa naman si Hans at si Dovey, inagaw sa akin ang wiping cream at nag-scoop at binato sa mukha si Hans. Sapul na sapul nga eh. Tumilamsik pa nga yung ibang cream eh. 

Then, nakisali na rin kaming lahat. Even Kent na kahit kailan ay hindi ko naisip na may ganito pala siyang side. Ang kulos lang ng lahi nila!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Minutes had passed and pagod na kami. Ikaw ba naman ang magkaroon ng World War sa loob ng kitchen. Puro talsik na wiping cream at chocolate icing ang nasa iba't ibang lugar. Mayroon sa ceiling, sa lapag, sa cabinets, at kahit saan pa.

"Hahahahaha, guys ligo muna kayo. May extrang mga damit doon si Chris for you boys, Don't worry, bago lang iyon. Kakashopping lang namin yesterday. And as for you girls, just open the door with the color brown doon sa room ko. Full of pajamas iyon. Those are all brand new naman kaya, okay lang. Kaya, shuu! May mga shower room naman mini gym dito sa bahay. Dun na lang kayo. Hindi naman kasi kayo kakasya sa banyo sa mga kwarto eh kaya sa mini gym na lang kayo. Chris will lead the way"

Okay, pwede ng speech iyon. Tama ba?

.

.

.

.

.

Nandito na kami sa may hagdan.

"Guys, yung mini gym nasa 3rd floor iyon. Pero, don't tell Monique na hindi dun tayo maliligo"

Napatingin naman kami kay Chris

"Hey mister! Are you nuts? Saan kami maliligo?"

Tanong ni Ace

"Sa mga kwarto. Bale, may 5 CR dito. Isa sa labas ng kwarto ni Monique, isa sa kwarto niya, isa sa kwarto ko, isa sa labas ng kwarto ko, tig-isa sa dalawang guest room, may isang pinaka main na CR which is kasya naman ang 4 na tao. Don't worry, may door per stall"

Nag-usap usap na kami at ang mga na-assign sa bawat banyo

CR sa labas ng kwarto ni Monique: Ako

CR sa loob ng kwarto ni Chris: Chris

CR sa labas ng kwarto ni Chris: Brent

CR sa loob ng isang guest room: Ace

CR sa loob ng isang guest room: Roxanne

CR na main: Kent, Luke and Hans

Malapit lang ang guest room sa kwarto ni Ace kaya walang problema kung mag-robe na lang kami papasok sa kwarto niya.

.

.

.

Tapos na rin naman kami, it only took us 20 minutes which we found weird kasi it takes regularly 30 minutes kapag naliligo kami. Tumuloy na kami sa kwarto ni Monique and hindi naman mahirap mahanap ang room na brown ang door eh. Light brown lang ang kulay at pagbukas namin....

*o* 

Heaven!

A/N:

Bitin? Vote and comment for the next chapter. Hindi ko po muna binigyan ng isang unfinished ending ang Diary ni Assumera. 2nd attempt ko ng i-end ang story ng maaga and now, binabawi ko na. Kasi nga, feeling ko, feeling lang ha? Magkakaroon ng mas maraming twist ang story ko na ito. Again,

VOTE 

and 

COMMENT 

for the next chapter! 

Diary ni Assumera (HIATUS~)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon