CHAPTER 28 [Super Cress]
(CRESS' POV)
=___= Nakangiting pumasok sa loob ng room si Andrey. Habang si Apple naman na nauna sa pagpasok na kasalukuyang nakayuko katabi ng desk ko.
"Hoy!?" tawag ko kay Andrey. Nanlaki naman ang mata nya ng makita ako kasama si Apple.
"H-hey!"
"Anong hey sa umaga ngayon? Anong nangyare?" tanong ko. Hindi ito makakibo sa akin. "Tigilan nyo ko sa ganyang mga ugali nyo ngayon ah!? Be natural... mukha kayong timang eh"
"Ahhh Cress ano kasi eh..." pagsisimula ni Andrey. "Nagkakamali ka kung iniisip mo na kami na ah"
"Wala pa akong iniisip sa inyo... Tingin ko lang mukha kayong sira sa inaasal nyo" sagot ko sa kanila.
"Okay na... =_= gagawin ko na po. Tinanggihan ni Apple yung alok ko sa kanya na ligawan ko sya. Sabi nya kasi magagalit ka raw kaya ayun... ganun pero MU kami" nakangiting sabi ni Andrey at tinapik yung likod ni Apple. "Huy tara na? bumalik na tayo sa upuan natin"
Kung ganon hanggang sa pagkakataon na yun. Ako pa rin yung iniisip ng dalawang to. Minsan ko na nahahalata si Andrey tungkol sa pakikitungo nya kay Apple pero hindi ko akalain na magpapaalam pa talaga si Andrey sa bagay na to. Tumayo si Apple sa desk ng katabi ko at sumunod kay Andrey.
"MU? Malabong Ugnayan?" tanong ni Apple kay Andrey.
"MU! Mukhang Unggoy!!" sagot ni Andrey.
"MU! Isang Manhid at yung Isa Umaasa" sabi ni Apple sabay lingon sa akin nito.
"Opps! May natamaan!" sabi ni Andrey na nakatingin sa akin. Halata naman na ako ang pinariringgan.
"Opps! Mukhang may tatamaan!" sagot ko at naka kamao. Tumawa lang sila Apple at Andrey. "Nasan na nga pala si Trinity?"
"BINGO!!!!" sigaw ni Apple. Napatingin naman ako sa mga to. Tapos nagbigay ng pera si Andrey sa kanya. Ano yun? Pustahan? "Sabi ko sa'yo eh!? Sasabihin nya yun!? Yung eksakto pa!!"
"=____= OO nga! Akala ko hindi nya tatanungin... nakaltasan agad ako ng isang daan. Ano ba yan?" reklamo ni Andrey.
"Ano ba yan ah? Natuluyan na ba yung bait nyo?" tanong ko sa mga to.
"HahahaXD kasi nagpustahan kami sa text. Ang sabi ko sa kanya pupusta ako na magtatanong ka sa amin kung nasan si Trinity. Ang pusta naman ni Andrey hindi mo kami tatanungin hihintayin mo lang sya na dumating" paliwanag ni Apple.
"Edi napasaya ko pa kayo?" asar kong sabi. "Hindi ko sya ma-contact eh. Alam nyo ba kung nasaan yung address nya?"
Nakangitin bigla si Apple sa akin na natatawa habang si Andrey naman nagbigay na naman ng pera. Buong gagawin ko ata pinagpupustahan nila.
"wala na akong pera!!" sigaw ni Andrey at lumapit sa akin may inabot syang papel na nakatiklop. "Si Apple may kakayahang magpredict ng future"
"Ginagawa nyo ba akong sira? Ano na naman to?"
"Address nya! Alis na Cress baka maubos mo yung pera ko!"
"O sige =___= kapag hindi ako nakabalik at nagtanong si Ma'am sabihin nyo may sakit ako" bilin ko sa kanila.
"YES!!!!" sigaw ni Apple at nagbigay na naman si Andrey ng pera. Oo tama nga ako. Lahat ng ginagawa ko pinagpupustahan nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/70660177-288-k334824.jpg)
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Chasing Ms. Snob
RomanceA life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nila ang mga pagsubok sa relasyon nila?