Astral body 1

6.1K 177 17
                                    

"Graceeeee!" sigaw ni aling martha. "ano hindi ka pa ba babangon dyan!?" galit na sabi nito. "aba'y tanghali na ah!" sabi pa nito.

Pupungas pungas na bumangon si grace sa kanyang higaan, tiningnan niya ang relong nasa tabi ng kanyang higaan, alas kwatro y medya pa lang kung makapagbunganga ang kanyang madrasta ay akala mo wala nang natutulog na kapitbahay.

"Opo tsang, nandiyan na po" sagot nito sa kanyang madrasta.

"Bilisan mo at magluluto ka pa ng almusal namin ni tanya, may pasok pa kayo" pahabol na sabi nito na ang tinutukoy ay ang kanyang stepsister. Narinig niyang papalayong yabag ng kanyang stepmother, hudyat lang ito na umalis na sa harap ng kanyang pinto ang bruha niyang madrasta, at ibig sabihin niyan ay kailangan na niyang tumayo at magluto ng almusal, kung hindi ay malilintikan siya sa mag inang ito.

Sampung taon palang siya ng maulila siya sa ina, namatay ang kanyang nanay dahil sa atake sa puso, nagsosolo lang siyang anak ng kanyang magulang, ng tumuntong siya ng kinse anyos ay nag asawang muli ang kanyang ama, ayaw man niyang pumayag ay wala na siyang magawa, nakita niyang masaya naman ang kanyang papa, noong una ay mabait sa kanya ang kanyang stepmother, pati na rin ang anak nito sa una nitong asawa na si tanya ngunit ng kalaunan ay nag iba ito ng ugali, lumabas ang tunay na kulay nito. Mabait lang ito sa kanya kapag kaharap lang nito ang kanyang papa, pero kapag nakatalikod na at wala ang kanyang papa ay lagi siya nitong inuutusan, at kung minsan pa nga ay napagbubuhatan siya nito ng kamay, gustuhin man niyang magsumbong sa kanyang papa ay hindi niya magawa sa kadahilanang pinagbabataan siya nito.

"Grace!" sigaw uli ng mdrasta niya. "ano pang inaantay mo?" galit ng sabi nito. "hindi ka pa ba papanaog diyan? o gusto mong malintikan!" banta nito.

"Nandiyan na po" sagot nito at nagmadali ng bumaba patungong kusina.

Araw araw ay ganito na ang kanyang ginagawa, gigising ng maaga para magluto at maghanda ng pagkain ng kanyang stepmother at stepsister, pagkatapos ay magmamadali na siyang maligo at maghanda para naman sa kanyang pagpasok, iintayin na muna niyang matapos ang dalawang bruha ng buhay niya bago siya kumain at mag ayos ng sarili para sa pagpasok sa eskwelahan, yun na nga lang ang pasalamat niya, kahit inaalila siya ay hindi naman siya nito pinatigil sa pagpasok, sabagay ay wala namang gastos sa kanya ang kanyang madrasta, dahil full scholar siya ng achool niya, bukod sa dean lister siya ay SA pa siya sa library nila, kaya nga kung minsan ay nagtataka siya kung paano niya nakakayanan iyon e, halos siya ang gumagawa sa bahay nila tapos non ay mag aaral pa siya para hindi bumaba ang kanyang grado at hindi mawala sanpagka scholar mg school nila.

Pagdating niya sa kanilang eskwelahan ay agad aiyang sinalubong ng kanyang bestfriend na si krislene, mula highschool ay kaklase na niya ito at kaibigan, lalo pa silang nagkalapit ng iisang school lang ang pinasukan nila sa kolehiyo.

"Eto na pala si cinderella" nakangiting bati ni krislene sa kanya.

Napangiti na lang si grace sa tinuran ng kanyang matalik na kaibigan, cinderella kung siya ay tuksuhin nito, batid kasi nito ang kwento ng kanyang buhay, kung tutuusin nga ay para nga siyang si cinderella, may wicked stepmother at stepsister, ang kaibahan nga lang, si cinderella ay dalawa ang stepsister pero siya ay iisa lang, yun nga lang daig mo pa ang may kasamang sampung impakta sa bahay na iyon.Kung may iba nga lang siyang mapupunthan ay hindi na siya magtitiis sa mag inang iyon. Hindi naman siya pwedeng kina krislene tumira dahil maliit lang ang bahay ng mga ito, maraming magkakapatid aina krialene at halos nagsisiksikan na sila sa kanilang bahay, kaya naman ayaw na rin niyang makisiksik pa.

"Late na ba ko?" nakangiting tanong ni grace.

"Malapit na po miss grace" patuyang sabi nito sabay ngiti. "tayo na sa room at magsisimula na ang first subject natin" aya ni krislene dito. At naglakad na sila papuntang classroom nila.

"Hi ada" bati kay grace ng ilang estudyante. Mas kilala si grace sa pangalang ada, ito kasi ang apelido niya, ang biro nga ng iba ay maigi na lang na ada ang itawag dito kesa naman na marie grace na pagkahabahaba pa. At isa pa tanging ang kanyang madrasta at stepsister lang niya ang tumatawag sa kanya sa kanyang pangalan, karamihan ay ada na ang tawag sa kanya.

"Dami mong fans ah" biro ni krislene.

"Siyempre" nakangiting sabi nito. "ikaw na ang magbantay sa library araw araw pag hindi ka pa makilala ng mga yan" sabi pa nito. "maliban na lang sa mga may allergy sa libro." Dagdag na sabi nito sabay tawa.

Pagkapasok nila sa classroom nila ay siya namang dating ng kanilang prof. kaya naman kanya kanya na silang upo sa kanilang mga upuan.


=============================

Hello po, eto na po ang 2nd story ko sana po ay magustuhan ninyo. comment naman po kayo.

Salamat po sa nagbasa at sa mga magbabasa ^_~v

Devo0720

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon