Astral body 3

2.3K 93 4
                                    

Pagkauwi ni ada sa kanilang bahay ay agad siyang nagbihis at bumaba ng kwarto, dahil aasikasuhin muna niya ang pagluluto ng hapunan bago siya mag aral, pagdating kasi ni tsang martha niya ay kailangang may makakain na ito, kung maaga aga pa nga siya natatapos ay isinisingit pa niya ang paglalaba para hindi siya maipunan ng labahin kapag sabado, kasi ay may pasok pa rin siya sa araw na iyon. Dali dali siyang nagluto, pag tingin niya sa relo sa dingding ay ala sais y medya pa lang, wala pa si tsang martha niya, marahil ay nag over time ito sa trabaho, empleyado kasi ito ng isang malaking kumpanya. Si tanya naman ay paniguradong namamasyal sa mall, mahilig kasi itong magshopping kasama ang mga sosyalerang mga kaibigan nito.

"Grace!!!" sigaw ng tsang martha niya.
"Nasaan ka na bang babae ka?" galit na sabi nito.

"Po?" dalidaling labas ni grace sa may likod bahay, kasalukuyan kasi siyang naglalaba ng mga ilang damit nila.

"Ano bang ginagawa mo at ang tagal mong lumabas?" galit na tanong nito.

"Naglalaba lang po" sagot nito.

"O siya maghain ka na at gutom na ko, magbibihis lang ako" utos nito sa dalaga.

"Si tanya ba ay dumating na?" Habol na tanong nito kay ada.

"Hindi pa po" tugon nito sa madrasta.

"Saan na naman kaya nagsusuot ang babaeng yon" kausap ang sarili. "maghain ka na" utos nito.

Tapos na siyang maghain ng bumaba ang kanyang madrasta, kaya naman agad na umupo ito para kumain na.

"Tsang" nag aatubiling sabi nito.

"O? bakit?" hindi tumitingin sa kanya ng ito'y tumugon.

"Magpapaalam po sana ako sa linggo" paalam nito.

Biglang napatingin ito sa dalaga at naningkit ang mata. Bigla tuliy prang natakot si ada sa inasal ng kanyang madrasta.

"At bakit?" mataray na tanong nito. "alam mo namang marami kang gagawin sa araw na yon" galit na sabi nito.

"E kasi po" katwiran nito. "gagawa kasi kami ng group project, kailangan kasining magresearch" sabi pa nito.

"Baka naman kunwari reserch yan pero magbubulakbol ka lang ha" sagot nito.

"Hindi po tsang" tanggi nito.

"Naku mommy" biglang sabat ni tanya na nasa may pintuan na pala. "makikipagdate lang yan" sumbong nito sa ina.

"May boyfriend ka na?" mataas na tanong nito.

"Wala po" natakot na sagot nito. "Hindi po ako nagboboyfriend" sabi pa nito.

"E ano tong sinasabi ni tanta?" Tanong sa kanya.

"Hindi ko po alam" nakayukong sagot nito.

"Totoo naman diba?" inis na sabi nito. "nakita kita sa gym kanina, nakikipag flirt ka don sa star player ng school na si marco" galit na sabi nito.

"Hindi totoo yan" tanggi nito. "nagpasama lang sa akin si krislene don para manood, pero hindi ako nakikipaglandian" inis na sabi nito.

"Siguraduhin mo yan ha!" sagot nito. "dahil akin lang si marco!" galit na sabi nito.

"Oo tanya" mahinang tugon nito.

"O siya taman na yan" saway ng ina ni tanya. "magbihis ka na at kumain ka na" sabi sa anak. "at ikaw" baling nito kay ada. "gawin mo muna ang lahat ng gawain dito bago ka umalis ng bahay sa linggo" sabi nito.

"Opo tsang" sabi nito. "salamat po." sabi pa.

Pagkatapos kumain ni tsang martha niya at ni tanya ay siya naman ang kumain ng hapunan, pagkakain niya ay niligpit na niya kaagad ang mga pinggan at pagkatapos ay binalikan niya ang kanyang labahin. Alas nuebe na siya natapos sa paglalaba, pagkatapos ay umakyat na siya sa kwarto niya para naman gumawa ng kanyang mga assignments at mag aral.

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon