Astral body 24

1.5K 61 0
                                    

Masayang umuwi si ada sa kanilang bahay, kasalukuyan na siyang nakahiga noon at naghahanda na sa pagtulog. Hinatid siya ni marco sa kanila na ngayon ay boyfriend na niya, hindi siya makapaniwala na magiging boyfriend niya ai marco, ang tagal na niyang lihim na minamahal ito, tapos ngayon ay boyfriend na niya.

"Siguradong matutuwa si krislene pag nalaman niya ito" sabi niya sa sarili ng maalala ni ada ang kanyang matalik na kaibigan.

Nagulat si ada ng biglang nagting ang kanyang cellphone. Napakunot tuloy ang kanyang noo, sino kaya ang natawag, katatapos lang niyang makausap si marco. Pagtingin niya sa cellphone niya ay laking gulat niya ng makita kung sino ang natawag.

"Tsang martha" gulat na gulat na sabi ni ada. Hindi kasi nito ugali ang tumawag sa kanya, kaya naman nagtataka siya kung bakit bigla itong napatawag.

"Hello grace" sagot sa kabilang linya. "Kamusta ang bahay, baka panay ang lakwatsa mo at may mawala diyan ha" mataray na tanong nito.

Napailing naman si ada sa tinuran ng madrasta niya. Imbes na siya ang kamustahin ay yung bahay at mga gamit talaga ang kinakamusta kesa sa kanya.

"Hindi po tsang" sagot niya.

"Mabuti" sabi pa nito. "Sa friday ay pauwi na kami ni tanya" sabi pa nito. "Magsasabay na kami pauwi" pagbibigay alam sa dalaga.

"Opo tsang" tanging sagot niya.

"O sige na, maglinis ka diyan at ayoko ng madumi pag uwi namin diyan" dagdag pa nito bago nito pinatay ang cellphone.

Napabuntong hininga na lang si ada, isang linggo na lang pala at babalik na naman siya sa buhay impierno. Minabuti na lang ni ada na matulog na at maaga pa siyang papasok bukas.

Kinabukasan. . . .

"Good morning dad" bati ni marco sa ama bago humalik sa pisngi.

"Morning iho, magbreakfast ka na" alok nito sa binata.

"Wag na dad" tanggi nito. "Sa office na lang po, ayokong mahuli sa unang araw ng ojt ko" nakangiting sabi nito.

"Maaga pa naman ah" sabi pa ng ama nito.

"E dad" kakamot kamot sa ulo. "May dadaanan lang po sana ko muna bago magdaretso sa office" nahihiyang sabi nito.

"Ayun naman pala e" nakangiting sabi ng ama. "Kunwari pa excited sa ojt" sabi pa. "Girlfriend mo?" Tanong nito sa ama.

"Opo" nakangiting sagot sa ama.

" o siya umalis ka na at baka mainip ang nobya mo" taboy nito sa anak.

Sa tuwa ni marco ay bigla itong yumapos sa likod ng ama.

"Salamat dad ha" sabi ni marco.

Napakunot tuloy ang noo ng matanda sa inasal ni marco. Hindi niya ito madalas gawin.

"Saan?" Tanong ng ama ni marco.

"Sa lahat lahat" sabi ni marco. " saka dad kaw na bahala kay clarisse at mommy ha, wag mo silang pababayaan" biglang sabi ni marco sa ama, sabay halik sa pisngi niya.

"Alis na ko" paalam nito sabay nagmamadaling umalis.

"Teka marco" awat ng ama. Ngunit hindi siya nito narinig dahil sa nakalabas na ito ng pinto. Ganon na lang ang pagtataka ng matanda sa inasal ni marco. Bakit ganon ang anak niya, parang nag papaalam.

"Wag naman sana" bulong ng matanda sa sarili. "Patnubayan nyo po sana ang anak ko" biiglang napadasala ang ama ni marco.

"Ano yun dad?" Biglang may nagsalita sa liod ng matanda.

"Jonas ikaw pala" gulat na sabi nito.

"May sinasabi ka dad?" Tanong nito.

"Ah wala" ang sabi nito sabay tayo para umakyat sa kwarto nila. "Sisilipin ko lang ang mama mo" paalam nito sa binata.

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon