Astral body 2

3.3K 107 3
                                    

Pagkatapos ng ilang subject ni ada ay sa library na siya nagdaretso. Dito siya namamalagi sa buong maghapon kung wala din lang siyang klase, samantalang si krislene naman ay may mga susunod pang subject, mag kaiba kasi sila ng course, magkaklase lang sila sa unang subject kaya naman nagkakasabay sila sa umaga. Sa hapon na uli sila magkikita pagkatapos noon ay may kanya kanya na uli silang gaawin, kinabukasan na uli sila magkikita.

"Good morning ada" bati sa kanya ng librarian nilang si aya.

"Good morning po" ganting bati nito sa kausap.

"Kamusta ang klase mo?" tanong nito.

"Okay naman po ate aya" magalang na tugon nito. Matanda lang si aya sa kanya ng dalawang taon kaya naman ate na kung ituring niya ito, isa pa sila ang laging magkasama sa library buong maghapon kapag wala siyang klase.

"Kumain ka na ba?" tanong pa nito. "may dala ako dyan na sandwich at juice" alok nito sa dalaga.

"Naku wag na po" tanggi sa alok sa kanya.

"Ano bang wag na?" sabi nito. "alam kong hindi ka na naman nakapag almusal dahil sa pagmamadali mo" sabi nito kay ada. Hindi kasi lingid sa kaalaman nito ang buhay ni ada, isa kasi ito sa malapit niyang kaibigan bukod kay krislene.

Maghapong naging abala si ada sa lanyang pag aaral kasabay na rin ang pagbabantay niya sa library. Sanay na siya sa mga ganong gawain, papasok ng alas siyete ng umaga at uuwi naman ng alas singko ng hapon, pag dating naman sa bahay ay magluluto na siya ng hapunan nila ng kanyang madrasta, kung tutuusin naman ay hidi niya yon dapat ginagawa dahil kaya namang kumuha ng katulong ang kanyang stepmother, yun nga lang sasya atang ipinanganak ito para pahirapan siya kasama pa ang anak nitong maldita at maarte, kaya naman mas guguatuhin pa niyang maghapon na lang siya sa eskwelahan.

"Best" tawag ni krislene na nag aabang na pala sa may pinto ng library.

"Kanina ka pa diyan?" tanong nito.

"Hindi karating ko lang" sagot nito. " pauwi ka na ba?" tanong ni krislene.

"Hindi pa maaga pa naman e" sabi nito. "bakit?" tanong pa ni ada.

"Magpapasama sana ko sayo" nag aatubili pa nitong sabi. "pede ka na bang umuwi?"tanong uli.

"Oo, andiyan na naman si ate aya e" paliwanag nito. "sab ka ba magpapasama?" tanong ni ada.

"Sa gym sana, nood tayo ng practice game nina nathaniel" sabi pa nito na may halong kilig. Si nathaniel kasi ay ultimate crush ni krislene.

"Yung ultimate crush mo?" nakangiting tanong nito.

Tango lang ang tanging sagot ni krislene sa dalaga.

"O sige, tutal naman e maaga pa, quarter to five ako uuwi, mag fofour pa lang naman" sabi nito.

"Yes!" masayang wika ni krislene. " da best ka talaga" bolang sabi nito sa matalik na kaibigan.

"Sus! nambola pa" kunwa'y nakairap na sabi ni ada.

Pagdating nila sa gym ay nagsisimula ng magpractice sina nathaniel. Nang makaupo sila sa bandang taas ay siniko siya ni krislene at itinuro nito kung sino ang bagong padating.

"Bakit?" si ada. "may problema?" tanong pa nito.

"Yung greatest love mo oh" nguso nito sa lalaking papadating.

Nang tingnan ni ada ang inginunguso ni krislene ay bigla siyang pinamulhan ng pisngi.

"Uyyy. . " Tukso nito. "nagbublush" sabi pa.

"Wag ka ngang maingay" saway nito sa kaibigan. "baka may makarinig sayo" dagdag pa nito.

"E ano naman" walang pakiaalam na sabi nito kay ada. "ayaw pa kasing magtapat kay marco e" natatawang sabi nito.

"Ano ka bali?" sagot ni ada. "dalagang pilipina ata to" sabi pa sabay tawa.

Si marco ay matagal ng crush ni ada, since highschool sila ay crush na niya ito, kalaunan ay napagtanto niya na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya dito kung hindi pagmamahal na, ngunit ang damdamin niyang iyon ay lihim na lihim lang, tanging si krislene lang ang nakakaalam na may pagtingin siya dito, bukod kasi sa gwapo na, matalino pa ito, at varsity pa ng basketball ng school nila, at higit sa lahat ay mayaman. Nang makagraduate siy ng highschool ay hindi niya akalaing dito rin papasok si marco sa pinapasukan niya, kaya naman ganon na lang ang saya niya.

"Go marco!" biglang sigaw ng grupo ng mga babaeng nasa unahang upuan.
"I love you marco!!!" Sigaw naman nung isa.

Biglang napakunot ang noo niya ng marinig niya ang boses nito, parang pamilyar sa kanya, nang titigan niya ito ay hindi siya nagkamali ng hinala si tanya ang kanyang stepsister. Dito rin kasi ito napasok ngunit hindi gaya niya, bulakbol ito, ilan na nga ba ng pinasukan nitong school? hindi na niya ata mabilang sa dami.

"Yung evil stepsister mo oh" turo naman ni krislene. "lumalandi don sa love mo" sabi pa.

"Pabayaan mo siya" sabi nito. "isa pa hindi ko naman boyfriend si marco" may konting selos sa boses nito. Alam kasi niya na may gusto rin si tanya sa lalaking minamahal niya.

"Baka maunahan ka pa ng kapatid mong hilaw dyan kay marco" sabi pa nito.

"Okay lang" kubit balikat nito. "kung hindi kami para sa isa't isa e hindi talaga" dagdag pa ni ada.

"Hay naku bahala ka na nga" si krislene.

Nang mapatingin siya sa gawi ni marco ay bigla na lang siyang pinamulhan ng muka, kung bakit? kasi saktong tingin niya ay nakatingin pala ito sa kanya at bigla siya nitong kinawayan. Bigla niyang iniiwas ang tingin niya dito at sa grupo nina tanya siya napatingin, ng makita ang kapatid ay masama ang tingin sa kanya.

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon