Astral body 17

1.6K 80 3
                                    

"Totoo ba yang sinabi mo?" Hindi makapaniwalang sabi ni marco.

"Oo" sagot ni ada. "Ilang gabi ng naglalakbay ang kaluluwa ko, katunayan nga niyan nakapunta na ko sa school natin nung isang gabi e" pagmamalaking sabi nito.

"Anong nakita mo?" Tanong ni marco.

"Nakakatakot" biglang kinilabutan si ada ng maalala ang mga nakita niya noong isang gabi. " ang daming ligaw na kaluluwa, lalo na sa library, may pari pang pugot ang ulo" kwento nito sa binata. " at yung matandang librarian don dati" sabi pa ni ada.

"Si mam tapia, yung masungit dati na matanda?" Sabi ni marco.

"Oo yun nga" sagot ni ada. "Nakita ko rin siya don nakaupo sa paborito niyang upuan sa library" sabi pa ni ada.

"Talaga?" Si marco. " hindi ka ba natakot?" Tanong uli.

"Nung una hindi" patuloy niya. "Kaso nung nakita ko yung paring pugot ang ulo at papalapit sa akin ay bigla akong natakot, kaya ayun bigla na lang akong bumalik sa amin" pag amin niya sa lalaki.

" e yung mga nakikita mo anong reaksiyon?" Usisa ni marco.

"Wala lang, kita nila ko, kaso parang timgin ko ang alam nila e kagaya rin nila ako" sabi pa. "Akala siguro nila ay patay na rin ako katulad nila"  dagdag pa nito. "At isa may nagsabi sa akin, wag daw akong pahalata sa kanila dahil delikado daw" sabi pa nito.

"Paanong delikado?" Interesadong tanong nito.

"Ewan" kibit balikat na sagot nito.

"Kung delikado pala bakit ginagawa mo pa?" Si marco uli.

"Ang totoo niyan ay parang kusa ng nahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko tuwing natutulog ako, kung minsan nga natatakot na rin ako kasi baka hindi na ko makabalik sa katawan ko e" pag amin nito sa sarili.

"Nasaan na ba yung librong napulot mo?" Tanong ng binata.

"Bigla ngang nawala sa kwarto ko, hindi ko alam kung sino ang kumuha" naguguluhang sabi nito.

"Siya pabayaan mo na" sabi ni marco. "Wag mo na lang sigurong isipin yon, tara papadilim na" aya nito sa dalaga. "Hatid na kita" sabi pa.

"Sige" sang ayon ni ada. "Para alam mo rin kung saan ang bahay namin" dagdag pa nito.

Samantala. . . .

"Boss sigurado ka ba sa pagagawa mo?" Tanong ng  lalaking animo'y hindi papahuli ng buhay ang itsura.

"Kelan ba ko nagpatrabaho sayo ng hindi sigurado?" Nakamatang sabi nito sa kausap.

"E boss" tila nag aalangang sabi nito. "Iba naman tong kasong ito" sabi nito. "Hindi iba sayo to" sabi pa.

"Wala akong pakialam" biglang nagalit ang tinig nito. "Bakit ba ang dami mong tanong, babayaran kita ng malaki" sabi pa nito. "Eto ang kalahati ng bayad" at inabot ang nakasobremg pera. "Kapag tapos na ang trabaho saka ko ibinigay ang kabuuan" sabi pa nito.

"Masusunod boss" nakangiting sabi nito habang binibilang ang lilibuhin sa sobre. " kelan mo gustong makita ang bangkay niya?" Tanong pa nito.

"Sa lalong madaling panahon" sagot ng kausap. " pahirapan mo muna, kapag nakuha na ninyo ay itawag nyo agad sa akin, gusto ko muna siyang makita bago nyo siya itumba" nakangising sabi pa nito.

"Areglado boss" sagot ng lalaki sabay saludo. " mauuna na ko" paalam pa nito sabay talikod sa kausap.

Habang papalayo ang lalaking kausap ay ngiting ngiti siya.

"Paalam na sayo,marco" sabi pa nito sabay layo sa lugar na iyon.

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon