Astral body 25

1.5K 67 7
                                    

"Marco!" Gulat na sabi ni ada ng paglabas niya ng gate ng bahay nila ay nag aantay ito sa kanya. "Anong ginagaw mo dito?" Tanong ng dalaga sa nobyo.

"Sinusundo kita" nakangiting sagot sa dalaga.

"Diba may pasok ka sa opisina nyo ngayon?" Sabi ng dalaga.

"Meron nga" si marco. "Baka kasi hindi ko na magawa to sayo kaya sasamtalahin ko na" sabi pa sabay abot ng bulaklak sa dalaga.

"Salamat" kinikilig na sabi ni ada.

"Tara hatid na kita" aya nito kay ada. " baka kasi mamay maging abala na ko" sabi pa nito habang lulan sila ng kotse nito.

Bago bumaba ng kotse si ada ay humalik muna ito sa labi ni ada at pagkatapos ay yumapos ng pagkahigpit higpit.

"Ano ka ba" si ada. "Kung makayapos naman e parang hindi na tayo magkikita" nito nito sa nobyo.

   Ngumiti lang ng matamlay si marco sa dalaga. "Pasok ka na" sabi pa nito.

"Bye" si ada. "Ingat ka sa pagdadrive ha" sabinpa niya.

   Bago pumasok si ada sa campus ay tiningnan muna niya ang papalayong sasakyan ni marco. Nang hindi na niya ito matanaw ay pumasok na siya sa loob ng school.

Samantala. . .

"Yes boss" sabi ng lalaki habang may kausap sa cellphone. "Sisiguraduhin kong hindi siya makakatakas sa pagkakataong ito" sabi pa niya.

"Tawag na lang ako pag hawak ko na siya" dagdag pa nito.

   Nang maibaba ang cellphone ay matiyagang nag abang ang lalaking may kausap sa cellphone, bawat dumadaan ay tinitingnan niyang maigi.

"Maghanda na kayo, paalis na siya" sabi nito sa dalawang kasama. Kumuha pa kasi siya ng dalawang tao na pede niyang makatulong. Nang makita niyang umalis na sa school ang minamanmanan nila ay agad nila itong sinundan. Tumawag kasi ang bossing niya at sinabing maaga nga daw itong umalis ng bahay, kaya naman agad agad nila itong sinundan. Sabagay nasa malapit lang naman lagi ang sasakyan nila sa bahay nito para bantayan ang target na binata.

Pasipol sipol pa si marco sa pagdadrive niya, masayang masaya kasi siya ngayong araw na ito dahil nakita at naihatid niya ang kanyang mahal.

"Mamaya sosopresahin ko siya" sabi nito sa sarili.
     Habang kampante sa pagmamaneho ay may biglang nagcut sa kanya. Bigla tuloy siyang napasubsob sa may manibela sa pagkabigla. Bigla kasi ang kanyang pagpreno.

"Anong?" Sabi niya. Bigla siyang napahawak sa may noo niya ng maramdaman niyang parang may tumutulo, paghawak niya ay may umaagos ng dugo. Maya maya pa ay may dalawang armandong lalaki ang bumaba sa sasakyang humarang sa kanya. Nakabonet ito at may dalang baril. Ganon na lang ang takot niya ng bigla siyang tinutukan ng mga ito.

"Baba!" Sigaw ng lalaki habang nakatutok ang baril nito kay marco.

"Teka" si marco. "Sino kayo? Anong kailangan nyo sa kin?" Sunod aunod na tanong nito. Pumapalag pa siya sa dalawa habang pulit siyang kinakaladkad papunta sa isa pang sasakyan.

""Sakay!" Sabi ng isang lalaki. "Nilisan mo!" Sabi pa,

"Teka!" Palag ni marco. Pagtingin niya sa paligid ay walang tao para mahingan niya ng tulong, ng maalala niya ay sa may short cut pala siya dumaan at madalang ang sasakyang sa lugar na iyon at hindi talaga daanan ng tao.

"Makulit ka ha" sabi nung isang lalaki sabay pukpok ng baril sa batok nito dahilan para mawalan ito ng malay.

"Isakay nyo na yan bilis!" Sigaw ng driver. "May padating ng sasakyan" sabi pa nito.

Dali dali ang kilos ng dalawang taugan nito at agad na isinakay sa sasakyan nila. Pagkasakay na pagkasakay nila sa lalaki ay agad na pinaharurot ng mga ito ng sasakyan nila. 

  Habang naandar ang sasakyan ay unti unting nagkakamalay si marco kaya naman dinig na dinig niya ang mga ito sa pag uusap nila.

"Boss" sabi ng lalaki habang may kausap sa cellphone. "Hawak na namin siya"sabi pa nito. "Sige boss don na lang tayo magkita sa hide out natin" pagtatapos ng usap nila.

"Sino kaya ang boss n tinutukoy ng mga ito" sabi ni marco sa sarili. Dahil sa pagkahilo at madaming dugong umagos sa noo niya ay unti unti na naman siyang napapikit at nawalan ng malay.

==========================

Hello po, comment naman po kayo, at vote na rin po kayo.  Salamat po ^_~v

Devo0720

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon