Astral body 9

2K 83 2
                                    

Kinabukasan pagkatapos niyang gawin ang mga gawaing bahay niya ay agad siyang nagpaalam sa kanyang madrasta, agad naman siya nitong pinayagan dahil kapag araw ng linggo ay sadyang umaalis ito para magsimba, at isa pa umaalis din naman ang mag ina, si tanya ay kasama ng barkada niya o kaya ay nasa mall, samantalang ang kanyang madrasta naman ay nasa mga kaibigan nito at nagsusugal. Nang lumabas siya ng simbahan ay may ngiti siya sa kanyang mga labi, sigurado masaya na si aileen ngayon, nagpamisa na siya para sa babae.

"Mamayang gabi ay susubukan ko uli" nakangiting sabi nito. Balak kasi niyang lumabas naman ng bahay nila, gusto niyang magpunta sa pinapasukan niyang eskwelahan, sasaglit lang siya don hindi naman niya kailangan magtagal, at isa pa sasanayin lang niya lang ang paghihiwalay ng kanyang kaluluwa sa kanyang katawan.

Hindi agad umuwi si ada sa bahay nila, namasyal pa siya sa isang sikat na mall, tutal naman ay maaga pa at naisipan rin niyang maglakadlakad sa parke, naalala pa niya nung nabubuhay pa ang papa niya at hindi pa ito nag aasawa, madalas silang magsimba at pumasyal sa mall at parke.

"Sana kasama ko kayo ngayon papa, mama" sambit nito sa sarili. Biglang naglandas ang kanyang mga luha, sa tuwing maaalala kasi niya ang kanyang mga magulang ay hindi niya maiwasang hindi maiyak, lalo na sa sitwasyon niya ngayon, naisip nga niya siguro ay hindi matahimik ang mga ito gawa ng kanyang kalagayan.

Ipinagpatuloy ni ada ang kanyang paglalakad, ng may nakita siyang isang matanda na naglilimos ay agad niya itong binigyan ng barya.

"Salamat ineng" nakangiting sabi sa kanya ng matanda. Nginitian lang niya ito sabay lakad papalayo, hindi pa man siya nakakalayo ng paglalakad ay bigla itong nagsalita.

"Mag iingat ka ineng" babala ng matanda.

Napakunot ang noo ni ada sa sinabi ng matanda, bigla tuloy siyang napatigil at muling lumingon sa matandang babae.

"Ano po yon lola?" tanong ni ada, baka kasi nagkakamali lang siya ng dinig.

"Ang sabi ko mag iingat ka" ulit nito. Nakatitig ito sa mata ni ada habang nagsasalita. "nasasalin ko da iyong mga mata na may espesyal kang kakayahan" sabi pa nito.

"Hi. .hindi ko po kayo maintindihan" takang tanong ni ada.

"Nakikita ko sa iyong mga mata" sabi nito kay ada. "sa una'y matutuwa ka" patlang na sabi nito. "ngunit yang kakayahang mong yan ang maglalagay sayo sa panganib" sabi pa nito.

Biglang napaisip si ada, at bigla niyang naalala na baka ang tinutukoy nito ay ang kakayahan niyang maihiwalay ang kanyang kaluluwa kapag siya ay natutulog.

"Baka po ang sinasabi nyo ay. ." hindi pa tapos na sabi ni ada ng biglang nagsalita ang matanda.

"Oo" sabi nito. "yon ang tinutukoy kong kakayahan mo, ang karunungan kong naihiwalay ang kaluluwa mo sa katawang lupa mo" sabi nito.

"Natutununan ko lang po yon sa isang aklat na napulot ko" paliwanag ng dalaga. "iisang beses ko pa nga lang pkng nasubukan" dagdag nito.

"Natural na sayo ang ganong kakayahan" paliwanag ng matanda. "Naging daan lang ang aklat na sinasabi mo para mabuksan lalo at matutunan mo ng husto ang kakayahan mo" sabi pa.

Lalong napakunot ang kanyang noo. Hindi niya talaga maintindihan.

"Kung kailangan mo ng tulong kung sakaling magkaproblema ka" sabi nito habang naglalakad palayo. "doon lang ang bahay ko" turo ng matanda sa isang barong barong nasa tabing kalye. "hanapin mo lang ako, lola milagros" pakilala nito. Nakatingin lNg si ada sa matanda habang papalayo ito.
Napailing na lang siya, "bakit kaya kailangan kong mag ingat?" Tanong nito sa sarili. "kung may pag iingatan man ako wala iba yon kung di sina tanya at tsang martha" buling nito sa sarili. Pagtingin niya sa kanyang relo ay bigla siyang nagulat, alas sais na, "ganon ba ko nalibang at hindi ko namalayang papagabi na pala" takang taka nito sa sarili. Dali dali siyang umuwi "patay na naman ako nito" nag aalalang sabi nito sa sarili.

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon