Astral body 23

1.7K 65 7
                                    

"Kamusta ada" bati ni marco isang umaga ng makita niya ito sa loob ng campus. " anong balita?" Tanong pa nito.

"Okay naman" nakangiti nitong sabi. " mahimbing na ang tulog ko, hindi na naglalakbay ang kaluluwa ko" dagdag pa nito.

"Talaga?" Sabi nito. " buti naman" sabi pa. " ngayon ay mapapanatag na ako kahit mapalayo pala ko" malungkot nitong sabi.

Biglang napakunot ang noo ni ada sa sinabi ng lalaki.

"Anong mapalayo?" Takang  tanong nito. "Bakit san ka pupunta?" Biglang parang nalungkot ang dalaga.

"Don tayo sa may ilalim ng puno, don sa may bench" aya ni marco.

" ngayon kasing araw na to ang start ng ojt ko" paliwanag nito. "Don sa company nina daddy" dagdag na sabi nito.

"Oh" si ada. "Mag oojt ka lang pala e, saka diba malapit lang dito ang company ng daddy mo?" Sabi pa ni ada. Tumango naman si marco bilang tigon.  "E di hindi ka mapapalayo" nakangiti pa nitong sabi.

"Hahaha" biglang tawa nito, ngunit parang kulang sa sigla. "Ang ibig kong sabihin ay hindi na tayo lagi magkikita kasi magiging busy na ko" matamlay nitong sabi.

"Okay lang yun" si ada. " pwede naman tayong magtawagan" sabi nito. " o kaya magtext diba?" Nakangiti pa niyang sabi sa binata.

"Siyempre iba pa rin yung magkasama tayo" Si marco. "Mamimis mo ba ko?" Biglang tanong ng binata sa dalaga.

"Ha?" Gulat na sagot ni ada. "Ba. . Bakit mo naman naitanong yan?" Nauutal na sabi ni ada.

"Basta sagutin mo yung tanong ko" pangungulit ni marco sa dalaga. "Mamimis mo ba ko?" Ulit nito, sa pagkakataong ito ay gagap na ni marco ang kamay ni ada. 

Hindi maintindihan ni ada ang kinikilos ni marco, oo nga at kinikilig siya sa mga sinasabi ni marco, pero bakit ganon, parang may kakaiba dito, parang napakalamlam ng mata nito at malungkot.

"Mamimis mo ba ko ada?" Ulit ni marco.

"Oo" sagot ni ada habang nakangiti sa binata.

"Mahal mo ba ko?" Biglang tanong nito.

Lalong ikinagulat ni ada ang sinabi ng lalaki hindi tuloy niya alam kung sasagot ba siya sa tanong nito o hindi.

"Mahala na mahal kita ada" madamdaming sabi ng lalaki. "Gusto ko bago ako umalis ay malaman mo ang nilalaman ng puso ko" sabi pa nito.  "Mahal mo ba ko?"ulit na tanong sa kanya ni marco.

Bigla tuloy siyang napaluha sa tinuran ni marco. Magal din siya ng lalaki. Dahil sa bugso ng damdamin ay bigla niya itong nayakap.

"Ibig bang sabihin niyan ay magal mo rin ako?" Nakangiting tanong ni marco sa dalaga habang gumanti ito ng yakap.

"Oo matagal n rin kitang mahal marco" pag amin sin niya sa binata. 

"Talaga!?" Masayang masaya nitong sabi. "Ibig sabihin niyan ay tayo na?" Masiglang tanong nito kay ada.

  Tumango naman ang dalaga bilang tugon.

"Yesss!" Sigaw nito.

"Sshhhh" saway ni ada sa binata. "Wag ka ngang maingay at baka masita tayo dito" natatawang sabi nito.

"Bakit ba" sabi nito. "Sa masaya ang tao e"sabi pa nito. "Mahal na mahal kita ada" biglang seryosong sabi nito.

"Ako din" sagot ni ada. At niyakap siya ni marco.

"Lagi kitang tatawagan at itetext" sabi ni marco. "Sayang magiging abala ko ngayon" panghihinayang pang sabi nito.

"Okay lang yun" sabi ni ada. "Pwede ka namang bumawi" nakangiting sabi nito.

"Sabagay nga" sang ayon ng binata. "Basta tandaan mo, kahit anong mangyari, mahal na mahal kita" seryosong sabi nito. "Kahit hanggang kabilang buhay" biglang nasabi nito.

"Ano ka ba!" Saway ni ada. "Anong kabilang buhay? Para kang sira" sabi pa nito. "Hindi nakakatawa yang biro mo" dagdag nito.

"Basta" sabi ni marco.

   Hindi na lang pinansin ni ada ang sinabi ni marco, humilig  na lang siya sa balikat nito, naramdaman pa ni ada na hinalikan siya ni marco sa may buhok, kaya naman napangiti siya at pumikit.

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon