Astral body 8

1.9K 93 2
                                    

Makalipas ang ilang minuto ay biglang nagmulat ng mata si ada. "parang wala namang nangyari" sabi nito sa sarili. "hindi naman pala totoo yang librong yan" parang may panghihinayang na sabi nito. Bigla siyang tumayo para pumunta ng banyo sa may ibaba, naiihi na kasi siya, ganon na lang ang pagkagulat niya ng makita niya ang sarili sa natutulog sa kanyang kama.

"Ahhhhhh" sigaw niya. "nananaginip ba ko? tanong pa nito. "totoo nga" manghang sabi nito sa sarili. Dahil sa hindi makapaniwala ay nilapitanpa niya ang kanyang katawan. "Ganito pala king matulog" nakangiting sabi nito. Lumabas siya ng kwarto at ganon na lang lalo ang gulat nita ng siya ay tumagos sa pintuan ng kanyang kwarto, at lumulutang siya, para talaga siyang isang kaluluwang naggagala sa mundo. Dahil sa unang beses niyang lumutang ay takot pa siyang lumutang ng mataas at kalaunan ay nasanay na rin siya. Una niyang pinuntahan ay ang kusina, kasunod ang kwarto ng kanyang madrasta, sisilipin niya kung paano ba ito matulog. Pagpasok niya sa kwarto nito ay ganon na lang ang tawa niya ng makita ang itsura nito.

"Alangya" palatak nitong sabi. " nakanganga pa kung matulog e" tatawatawa niyang sabi sa sarili. Sunod naman niyang pinunthan ay si tanya, pagpasok niya ay nakabukaka itong matulog at nakapanty lamang, pagkita niya sa paligid ng kwarto nito ay parang hindi babae ang may gamit, masyadong makalat. Napailing na lang siya dahil sa nakita niya. "napakaburara talaga kahit kailan" sabi nito. Nang magsawa siya ay balak na niyang bumalik sa kanyang kwarto, naala kasi niya na delikado ang paglayo sa katawan niya dahil baka hindi na siya makabalik. Paglabas niya ng kwarto ni tanya ay ganon na lang ang hilakbot niya ng makakita siya ng babaeng nakatayo malapit sa pinto ng kanyang kwarto.

"Ahhhhhh"sigaw ng niya. Bigla siyang napatakbo sa sobrang takot, sa takot niya ay napababa siya sa may kusina, nagpunta siya don para magtago, ngunit pagpasok pa lang niya doon ay biglang nandon na ang babaeng nagpakita sa kanya. Unti unti itong lumalapit sa kanya.

"Layuan mo ko!"sigaw niya. "wag kang lalapit sa akin" sabi pa niya sa babaeng nakaputi.

"Nakikita mo ko?" manghang tanong nito kay ada.

"Oo" sabi nito. "at natatakot ako sayo, multo ka na" sabi pa ni ada habang nanginginig ang boses nito.

"Nakakausap mo rin ako" masayang sabi nito. "wag kang matakot, hindi ako masamang multo" sabi nito sa kanya.

Biglang napatingin dito si ada, kung tutuusin nga ay hindi naman nakakatakot ito kumpara sa mga multo ng napapanood niya sa sine. At isa pa muka itong mabait.

"Anong pangalan mo? at bakit ka nandito sa bahay namin?" tanong ni ada sa babae.

"Ako si aileen" pakilala ng multo. "matagal na ako dito sa bahay nyo, hindi nyo nga lang ako nakikita kasi nga ay multo na ko" paliwanag nito.

"Bakit sa bahay namin?" tanong nito.

"Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam, napadpad lang ako dito, pagalagala ang kaluluwa ko"paliwanag nito. "hindi kasi ako matahimik, gusto kong humingi ng tulong" malungkot na sabi nito.

"Anong tulong?" tanong ni ada.

"Ang mapamisahan" sagot nito.

"Anong ibig ming sabihin?" tanong nito kay aileen.

"Nagpatiwakal kasi ako dati dahil sa pagkabigo sa pag ibig" paliwanag nito. "ang taong nagpapakatay ay hindi naipapasok sa simbahan, gusto ko sanang mabindisyunan, o kahit mag alay man lang ng misa para sa kaluluwa ko" sabi pa nito. "tulungan mo ko" sabi pa nito.

"O sige, bukas na bukas din ay pupunta ko sa simbahan para magpamisa sayo" nakangiting sabi nito.

"Talaga?" tuwang sabi nito. "salamat ha, maraming maraming salamat" sabi pa.

Biglang napatigil ang kaluluwa ni aileen at tila may pinakikiramdaman.

"Bumalik ka na sa katawan mo" nag aalalang sabi nito.

Biglang napakunot ang noo niya sa tinuran nito.

"Bilisan mo, baka maunahan ka niya at hindi ka na makabalik" takot na sabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Wag ka ng magtanong, bilisan mo" malakas na sabi nito.

Dahil sa takot niya sa reaksyon ni aileen ay agad siyang lumipad patungo sa kwarto niya, hindi man niya alam ang dahilan ni aileen kung bakit siya pinababalik agad sa katawan nito ay sinunod na lang niya ito, at isa pa pakiramdam niya ay may panganib na nag aabang sa kanya.

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon