Astral body 18

1.6K 71 4
                                    

"Gusto mo ba munang pumasok sa loob?" Paanyaya ni ada kay marco. 

"Wag na lang" tanggi ng binata "next time na lang pag may kasama ka na diyan" sabi pa nito. "Nakakahiya kasi, nag iisa ka lang, baka kung ano pang isipin ng mg kapit bahay nyo pag nakitang may pumasok na lalaki sa inyo" sabi pa.

"Sige ikaw ang bahala" nakangiting sa bi nito. "Sige bye, thank you for the wonderful day" masaya pa nitong sabi. Kumaway pa si ada bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila. Lalo tuloy siyang humanga kay marco, napakabait at gentleman, hindi mapagsamantala tilad ng ibang lalaki. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay dumaretso na siya sa kanyang kwarto, pakiramdam kasi niya ay pagod na pagod siya sa pamamasyal nilang dalawa. Pagkalinis niya ng katawan ay naghanda na siya sa pagtulog, busog na naman siya dahil bago sila umuwi ay nag aya pang kumain si marco, para daw hindi na siya magluluto pa ng hapunan, at isa pa masarap daw kumain kapag may kasabay.

   Pagkahiga niya ay iniisip pa niya ang mga nangyari sa kanya maghapon, lalo siyang kinilig ng maalala niya na nahawakan ng binata ang kanyang kamay, bigla tuloy siyang pinamulhan ng muka.

"Hay marco" pagpapantasya niya. "Mahal na nga yata kita" sabi nito sabay ngiti ng matamis. Unti unti ng ginupo mg antok si ada hanggang sa makatulog na siya. . . .

Samantala. . .

Sakay ng kanyang kotse ai marco ng mapanain niyang may sumusunod sa kanyang kotseng itim, dahil tinted ang salamin ay hindi niya makita kung sino ang nasa loob niyon, bigla aiyang nag iba ng daan.

"Sino kaya ang aumusunod sa akin?" Nagtatakang tanong nito sa sarili.

"Hello boss" sabi ng lalaking sumusunod kay marco. "Yes boss" sabi pa nito. "Tatawag na lang ako kapag hawak ko na siya, sige boss" pagtatapos sa sabi nito. Pagtingin niya ay napakunot ang noo ng lalaki, iba ata ang tinatahak nilang daan, sa pagkakaalam niya ay hindi dito ang daan pauwi sa bahay ng mga ito, hindi rin naman papunta sa school nila. Nang mapansin kung saan huminto si marco ay biglang nag iba siya mg plano. Nagdaretso siya at kunwari ay hindi niya ito sinusundan.

"Sir may problema na?" Tanong kay marco ng isang naka unipormeng pulis ng bumaba si marco sa may police station. Biglang nagpalingalinga si marco at ng makita niyang dumaretso yung kotseng nasunod sa kanya ay agad siyang nakahinga ng maluwag.

"May problema ba sir?" Ulit ng pulis.

"Ay wala po sir" pagsisinungaling niya dito. "Pasensiya na sa istorbo" hingi niya ng paumanhin. Agad siyang sumakay ng kotse at dali daling umuwi sa kanila, natatakot kasi siya na baka bumalik yung nasunod sa kanya. Nagtataka lang siya, kung sino ba yung nasunod aa kanya, kung tutuusin ay wala naman siyang nakakaaway. Napailing na lang si marco at umuwi na lang.

Samantla. . .

"Boss" tawag ng lalaki sa kanyang amo. "Mukang nakatunog na may sumusunod sa kanya, nagdaretso sa police station" paliwanag nito sa amo.
"Pasensiya na boss, sa susunod hindi na ko papalpak" hingi nito ng paumanhin sabay baba ng cellphone.

"Sa susunod, wala ka ng takas marco" galit na sabi ng lalaki.

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon