Astral body 30

1.5K 62 0
                                    

"Ma. . .marco?" Patuloy pa rin sa pag iyak si ada. "Anong nangyari sayo?" Tanong nito sa nobyo.

  Malungkot na napatingin si marco sa malayo.

"So. . .sorry ada" sabi ni marco. "Hindi na kita makakasama pa ng matagal" malungkot na sabi nito.

"Pero bakit? Sinong may kagagawan niyan sayo?" Sunod sunod na tanong nito.

"Si kuya jonas" mapait na sabi nito. "Siya ang nag utos na dukuton ako at patayin" sabi pa niya.

"Pero bakit niya gagawin yun sayo, magkapatid kayo" sabi ni ada.

"Yun din ang akala ko" sabi ni marco. "Hindi ko rin akalain na magagawa niya sa akin ito" dagdag pa niyang sabi.
At ikinuwento lahat ni marco ang mga pangyayari mula ng sukutin siya at patayin.

"Nasaan ang katawan mo?" Tanong ni ada habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Don" turo nito sa isang bakanyeng lote na katabi mismo ng kumpanya nina marco. "Diyan nilibing ang katawan ko" sabi pa nito.

"Teka nga pala" si marco. "Humiwalay ka na naman sa katawan mo?" Tanong nito.

Tanging tango lang ang isinagot ni ada sa lalaki.

"Diba't binalaan ka na ni lola milagros na magiging masama para sayo na gawin mo uli yan" nag aalalNg sabi nito.

"Wala akong pakiaalm!" Sagot niya. "Ang hangad ko ay makita ka kaagad" sabi pa niya. "Ngunit hindi ko akalain na kaluluwa mo na pala mismo ang aking makikita" sabi pa niya.

"Kailangang malaman ito ng pamilya mo" sabi ni ada sa lalaki.

"Oo" galit na sabi nito. "Hindi rin ako makakapayag na basta na lang ako ginanito, kailangan ko ng hustisya" sabi pa ni marco. " at ikaw ang tutulong sa akin ada" sabi pa nito sa kasintahan.

"Pero paano?" Tanong ng dalaga. " maniwala naman kaya sila sa akin? Sigurado tatanungin ako ng mga yon, hindi kaya pagdusuhan ako ng pamilya mo?" Mahaba nitong paliwanag.  "Oo nga at maituturo ko kung nasaan ang katawan mo" dagdag pa nito. "Ngunit maniwala naman kaya sila sa akin na si kuya jonas mo ang may pakana ng lahat ng ito?" Sabi pa ni ada.

"Oo maniniwala ang mga iyon" sabi pa nito. "Meron akong naitagong ibidensiya na makakapagturo na si kuya jonas ang may pakana ng lahat ng iyon" sabi pa nito.

Napakunot naman ang noo ni ada sa sinabi ni marco.

"Ganito ang gawin mo" sabi ni marco. " magpunta ka sa amin, umaga ka magpunta at itiempo mo na wala si kuya jonas doon" dagdag nito. "Sabihin mo lahat sa magulang ko ang mga nalalaman mo at samahan mo sila sa mga pulis at punthan nyo ang bangkay ko" sabi pa nito. "Nandon ang ibidensiya na sinasabi ko sayo." Makahulugan nitong sabi.

"Oo marco" sabi ni ada. "Bibigyan kita ng katarungan" determinado nitong sabi. "Sisiguraduhin kong mabubulok sa bilangguan ang kapatid mo!" Galit na sabi nito.

"Salamat ada" mangiyakngiyak na sabi nito. At yumakap si marco sa dalaga. Dahil aa ginawa nito ay lalo namang napaiyak si ada, paano na siya? Wala na siyang kakampi, si marco na nga lang ang nagmamahal sa kanya nawala pa.

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon