Astral body 26

1.5K 60 1
                                    

   Nang makauwi si ada sa bahay nila ay agad niyang inilagay sa flower vase ang bulaklak na ibinigay ni marco sa kanya, bigla siyang napangiti ng maalala niya ito. Nang maiayos niya ito ay agad naman niyang inaayos ang kanyang hapunan, ng umalis ang kanyang stepsister at stepmother ay hindi na siya nagluluto, bumibili na lang siya ng lutong ulam o kaya naman ay nag bubukas na lang siya delata. Nang matapos siyang kumain ay agad niyang niligpit ang kanyang pinagkainan at gagawa pa siya ng project nila na kailangan ng ipasa sa isang linggo.

Habang pinupunasan niya ang pinggan na ginamit niya ay bigla na lang niya itong  nabitawan at nabasag. Bigla tuloy siyang nagulat at dahil sa pangyayaring iyon ay biglang kumabog ang kanyang dibdib. Kung ano man ang dahilan ng kabang iyon ay hindi niya alam. Dalidali niya itong inayos, nasugatan pa nga siya ng mahiwa siya dito.

Samantala. . . .

"Sir" sabi ng pulis sa tatay ni marco. "Nakita na po ang sasakyan ng anak ninyo, pero wala po si marco don" ulat ng pulis.

"Hindi!" Sigaw ng matanda.

"Sir" ang pulis uli. "Wala po ba kayong alam na kagalit ng anak ninyo? O kaya ay nakakaaway nitong mga nakaraang araw?" Pag iimbestiga ng pulis.

"Mabait na bata si marco, wala akong maisip na maring gumawa nito sa kanya" sabi pa ng tatay ni marco.

"Kung ganon po ay sa kidnapping po natin ipapasok ang kasong ito" pahayag  ng pulis. "Wala po bang tumatawag sa inyo?" Tanong uli ng pulis.

"Wala" sabi ng matanda. Alalang alala siya sa anak niya, hindi niya lubos akalain na mangyayari ito sa anak, kung tutuusin ay napakabait nito kaya naman takang taka siya kung sino ang maaring gumawa nito sa kanya.

"Bukas na bukas din po sir ay pupunta kami sa school ng anak nyo para magtanong tanong sa mga kaklase nito at sa mga nakakasalamuha nito sa school" sabi ng pulis. "Para na rin makakalap kami ng impormasyon" dagdag pa nito.

"Sige po sir, balik na lang kami bukas" paalam ng mga pulis.

Hinatid na ng ama ni marco ang mga pulis hanggang saay gate. Pagkaalis ng mga pulis ay hindi agad pumasok ang matanda sa loob ng bahay, nagbabakasali siya na baka biglang umuwi ang anak.

Halos himatayin siya ng may dumating na pulis sa kanila at sabihing natagpuan ang sasakyan ng kanyang anak, kaya naman ganon na lang ang hinagpis ng kanyang asawa, kaya naman siya na lang ang humarap sa mga pulis.

"Dad!" Biglang napalingon ang tatay ni marco sa tumawag sa kanya. "Ano yung  nabalitaan kong natagpuan daw ang sasakyan ni marco?" Tanong nito sa ama.

"May dumukot sa kapatid mo jonas" nanlulumong sabi nito sa anak.

"Ho!?" Gulat na sabi nito. "Pero sino? Paano?"takang tankng nito sa ama.

"Hindi ko alam" litong litong sagot ng ama."mabait na bata yang si marco, wala akong alam na kaaway yan" dagdag pa nito.

"Anong sabi ng mga pulis" tanong sa ama.

" hindi daw sila titigil sa pag iimbestiga" sagot ng matanda.

"Dada magpahinga na kayo" alalang sabi ni jonas sa ama. "Siguradong gumagawa na ng paraan ang mga pulis ukol sa kaso ni marco" dagdag pa nito.
"Ako naman ay tatawagan ko yung kumpadre kong opisyal ng pulis para humingi na rin ng tulong" saninpa.

Tumango lang ang ama nito sabay akyat sa kwarto nila. Pagkatalikod ng ama ni jonas ay agad itong tumawag sa kanyang tauhan.

"Sige" nakangisi nitong sabi. "Pupunta na ko jan" sabi nito sabay alis ng bahay para pumunta sa kausap niya.

Astral body (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon