Ikaw ba yung tipo ng taong madaling magtampo o magalit pero madali din makipagbati dahil lang sa isang ngiti ng taong mahal mo? Ayieee, oh ha, ikaw ba yan? Aminin hehe. -MoiselleFoxx
.
.
.
Alas nuwebe na ng umaga ng magising ang dalaga.Jenny's POV
Tinanghali ako ng gising, hindi pa rin ako bumabangon sa aking higaan. Gusto ko pa sanang matulog ng magreklamo ang aking tiyan. Bumangon ako at bumaba para kumain.
"Iha hindi na kita ginising ng maaga, gusto mo na bang kumain?" Bungad sa akin ni yaya Pat. Ito ang katiwala ng aming pamilya, paano ba naman ito din ang nagalaga sa aking daddy noon.
"Opo yaya Pat, sila kuya po?" - Jenny
"Maagang umalis ang mga kuya mo, may meeting si Justine at my lakad naman sila Jake at Jacob." Nakangiting sabi ni yaya Pat.
Ngumiti nalang ako at kumain. Ano pa bang ini-expect ko, kahit bakasyon ngaun may trabaho pa din si kuya Justine, siya na kasi ang nagmamanage ng isa naming company. Sila kuya Jake? Syempre may mga kanya kanya din silang lakad. At ako? Eto nandito sa bahay, bagong gising, kumakain at sinusulit ang bakasyon. "Haayyy!" Napabuntong hininga nalang ako.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na akong kumain, nagderetso ako sa sala at nanuod ng biglang mag ring ang telephone.
Pagsagot na pagsagot ko pa lang ay narinig ko agad ang boses ng aking matalik na kaibigan.
"Friend! OMG, as in OMG talaga!" Sabay malakas na irit mula sa kabilang linya. "Ohhh myyy goshhh!"
"Ay friend grabe parang mababasag ang ear drum ko sayo. Kalma lang friend, ano bang meron?"
Sabay kaming tumawa.
"Friend kanina pa ako natawag sa phone mo, kung di pa ako tumawag sa telephone eh hindi mo sasagutin." - Diane
"Friend pasensiya kana, nasa room kasi yung phone." - Jenny
"Oh siya sige na, lumabas kana diyan at malapit na ako." Sabay patay sa tawag.
"Huh? Hello! Diane???" Ay grabe, pagbabaan ba naman ako.
Habang naglalakad palabas ng bahay upang buksan ang gate. Ano kayang pumasok sa utak nun at pabigla biglang pumunta dito? Ito ang malaking tanong sa aking sarili.
Ng buksan ko ang gate...
"Frieeeennnddd!" Sabay yakap at may pagtalon pang nalalaman.
"Para ka namang nanalo sa lotto, ano ba yun?" Natatawa kong sabi kay Diane. "Pumasok na nga tayo sa loob at baka pagkamalan kang baliw."
"Ay grabe siya oh, baliw talaga? Oh siya sige na nga." - Diane
Habang naglalakad kami papasok ng bahay ay panay pa din ang ngisi nito. Dumeretso kami sa kwarto ko. Hindi na iba si Diane sa akin, anak siya ng kumadre ng mommy ko at matalik kong kaibigan. Paano ba namang hindi? Eh hindi pa kami nag aaral magkalaro na kami, malapit din lang dito ang bahay nila at mula ng mag aral kami ay magkaklase na.
Ng makarating kami sa kwarto.
"Friend my good news ako sayo at sigurado akong matutuwa ka." Wika nito sabay upo ng pabagsak sa aking kama.
"Ano ba yun?" - Jenny
"Hmm.." kunwaring nag iisip.
"Uy Diane, ano ba yun? Masyado kang pabitin eh." Inis kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
It's Too Late To Run
Lãng mạnJenny Bunso sa apat na magkakapatid at nag iisang babae. Kilala ang pamilya nila dahil hindi maikakaila na mayroon silang malalaking negosyo, kabilang ang mga magulang niya sa pinakamayayamang tao sa bansa. Zyrus Anak mayaman, gwapo at may pagkasupl...