Kung makikipagrelasyon ka, doon sa alam mong sasaya ka at doon sa taong alam mong sasaya sayo. Paano titibay ang relasyon niyo kung wala sa kanya ang kasiyahan mo at wala naman sayo ang kasiyahan niya? - MoiselleFoxx
WARNING: MAYPAGKA SPG, PERO WAG KAYO MASYADONG MAG EXPECT DAHIL ITO ANG FIRST STORY KO KAYA PAGPASENSIYAHAN NIYO NA SI AUTHOR. Hehe. :-)
.
.
.
Zyrone's POVIto na ang araw na pinakahihintay ko, I mean I'm marrying the right woman for me. She's my other half.
"Bro, wag kang kabahan."
Si kuya."Tss.." Panira itong si kuya eh, lalo tuloy akong kinabahan. 5 minutes na siyang late, kung ano ano na ang napasok sa isip ko. Baka tumakas yun ah? Hindi naman siguro. Dadating yun, dadating siya.
Ayan na, nagsimula ng maglakad ang mga ninong at ninang, syempre mga bigatin ang mga yan. Puro kilalang personalidad. Sumunod yung mga bata, abay at ang pinakamagandang babae sa buong mundo kasama ang kanyang mga magulang.
Napapalunok na lang ako, takti, mas kinabahan pa ako ngayon. Nandito naman na siya, bakit ba ako kinakabahan?
Kalma Zy, Kalma. Bulong ko sa sarili ko.
Masyadong mahaba ang nilalakaran, naiinip na ako. Gusto ko ngang takbuhin na at salubingin siya. Tsk! Ayokong gumawa ng eksena. Kaunting pasensiya Zy, iyon na lamang ang naiutos ko sa sarili ko.
Ng makalapit na sila, iniabot sa akin ni Mr. Tan ang mga kamay ni Jenny.
"Take good care of my daughter." Si Mr. Tan.
"I will, sir."
Nakangiting sagot ko."Iho, wag ka ng masyadong formal. You can call me dad." Nakangiting wika nito.
"Yes, dad."
"Iha, be a good wife ha." Si Mrs. Tan.
"Mom I will, wag ka ng umiyak okay? Sige ka masisira yang makeup mo." Sus, siya naman ang halos maluha na.
"Oo na, sige na." Natatawang sagot nito. "Iho, don't forget ha, mom na din ang itatawag mo sa akin, kundi magtatampo ako sayo."
"Yes, mom. Thank you po." Ang sarap sa pakiramdam.
After ng ilang minutong paguusap naglakad na kami palapit sa unahan ng simabahan.
"You are so beautiful." Bulong ko dito, agad naman siyang napangiti.
This is it.
Sa sobrang excited ko halos lumilipad na ang utak ko at hindi ko na nasundan ang mga sinasabi ng pari.
Pagkatapos ng "I Do" alam niyo na ang kasunod.
Hinalikan ko siya, kitang kita ko ang pamumula niya. Sa reception naman ay napakadaming bisita, halos gusto ko na ngang itakas si Jenny.
"I love you Mrs. Chen." Bulong ko dito.
"I love you too hon." Nakangiting tugon nito sa akin.
"Ang tagal naman umalis ng mga bisita, gusto na kitang masolo." Biro ko dito.
"Sira!" Sabay hampas nito sa akin.
"Ouch! Bago pa lang tayong magasawa nananakit kana." Umakto pa akong nasasaktan.
"Tumigil ka nga Zy." Natatawa nitong saway sa akin.
Ilang oras din ang itinagal ng reception, busy sila dad sa pagaasikaso sa mga bisita.
Pagkatapos ay dumeretso kami sa bahay, nagbihis at magpahinga ng kaunting oras bago kami nagpahatid sa driver ni dad papuntang airport.
BINABASA MO ANG
It's Too Late To Run
RomanceJenny Bunso sa apat na magkakapatid at nag iisang babae. Kilala ang pamilya nila dahil hindi maikakaila na mayroon silang malalaking negosyo, kabilang ang mga magulang niya sa pinakamayayamang tao sa bansa. Zyrus Anak mayaman, gwapo at may pagkasupl...