Looking from a far

179 6 0
                                    

Hindi sa lahat ng panahon matatakbuhan mo ang taong nakasakit sayo. May pagkakataon pa nga na makikita mo siyang masaya habang kasama ang iba, minsan naman makikita mo siya dahil gusto niyang ayusin kung anong nasira sa inyo. Ano nga ba ang dapat mong gawin sa ganitong sitwasyon? Kung nakapag move on na siya, dapat simulan mo na rin magkaroon ng sarili mong buhay ng wala siya. Kung nagpakita siya para balikan ka, tanungin mo ang sarili mo kung kaya mo pa siyang tanggapin sa buhay mo. - MoiselleFoxx

Jenny's POV

It's been a week mula noong magkausap kami, mula noong payagan ko siyang mahalikan ako. Ang sabi ng utak ko ay kalimutan ko na siya, ito namang puso ko ay pilit siyang inaalala. Dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi niya? Dapat ba akong magpadala sa mga gusto niyang mangyari?

Masyadong naging busy ang buong linggo para sa akin kasama ang mga kapwa ko modelo, halos nawalan na ako ng oras sa aking munting prinsesa. Mabuti na lamang at pahinga ko ngayon kaya naman ito kami sa mall, makabawi man lang ako kay Yen-yen kahit papaano.

"Friend can we eat first? Gutom na kami ni baby eh." Si Diane.

"Oo na sige na kakain muna tayo." Namiss ko din lumabas kasama si Diane. "Yen-yen kain muna tayo ha, gutom na kasi si tita Diane at ang baby niya."

"No, problem mom."

Pumasok kami sa isang restaurant. Makalipas ang ilang minuto mula ng ibigay sa amin ang menu ay tinawag ko na ang waiter.

"May I take your order ma'am?"

"Spicy chicken, java rice, creamy soup, vegetable salad and red ice tea. How about you friend?"

"Chicken Inasal, grilled pork, two java rice, creamy soup, vegetable salad and manggo shake." Nauunawaan ko naman kung bakit madami ang order ni Diane. Ganun talaga kapag buntis.

"I want fried chicken, java rice just like my mom, red ice tea and strawberry Ice cream. Thank you." Si Yen-yen.

"Wow friend, halatang sanay na sanay itong si Yen-yen kumain sa restaurant ah, madalas ba kayong lumabas?"

"Yup, pero mas madalas silang lumabas ni Red."

"Ohhh.. I smell something fishy.."

"Sira, he's a good friend of mine. Halos siya na nga ang tumayong daddy kay Yen-yen mula noong doon na siya nag stay sa New York." Sagot ko.

"Basta ramdam ko girl may gusto sayo si Red. Ang dami niyang ginawa for you." Seryosong sabi nito.

"Ano kaba, sadyang mabait yung tao. Kaya nga malaki ang utang na loob ko sa kanya. He's a great guy, you know. Teka nga, bakit ba ito ang pinaguusapan natin masyadong seryoso? We are here to have fun."

"Yeah, right." Si Diane.

Katatapos lang namin kumain ni Diane at hinihintay naming matapos si Yen-yen. She's enjoying her meal.

"Look who's here???" Sarkastik na sabi ng babae na nagpalingon sa amin. "It's been a while, what's your name again? Juna? Jeka? Jena? Ah, never mind, how was your life?" Ang arte, hindi pa rin siya nagbabago.

"Oh, Hi Claire." Bati ko, pinagtaasan naman siya ng kilay ni Diane.

"I would like you to meet my daughter, Trish. Baby say Hi to them." Alam kong nananadya ang babaeng ito.

"Hi." Bati nito sa amin.

"OMG, ang taba mo na Diane." Si Claire.

"I'm pregnant! Hanggang ngayon mababa pa rin ang IQ mo? Hindi mo ba alam ang difference ng mataba sa buntis??" Alam kong naiinis na si Diane.

It's Too Late To RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon