Pag natuto kang magmahal, matututo ka din masaktan. Pero hindi ibig sabihin nun ay hahayaan mong yun lang matutunan mo, dapat matuto ka din magpatawad at tumigil, lalo na pag alam mong sobrang sakit na. Tandaan mo, kung talagang mahal ka niya, hindi niya hahayaang masaktan ka. - MoiselleFoxx
.
.
.Jenny's POV
Parang walang nangyari sa bakasyon ko, kasama ko si Zyrone. Torture sa akin yun, yung araw araw siyang makita. Umiiwas na ako eh, tapos ganun pa. Nasa byahe na kami ngayon nila kuya, mabuti na lang at pumayag sila na kila kuya ako sumabay at matulog pa ng isang gabi sa bahay bago lumipat sa bahay na regalo sa amin nila lolo.
Pagdating sa bahay, kinausap ko si kuya Justine.
"Kuya, please. Alam mo na wala na kami, tulungan mo naman ako." Pagmamakaawa ko dito.
"Jen, sinubukan ko. Maniwala ka, pero talagang ito ang desisyon nila lolo pati na din sila Dad."
Umiyak na ako dahil alam kong wala na akong magagawa. Niyakap naman ako ni kuya.
"I'm sorry, Princess. Kung may magagawa lang sana ako."
"I-I understand kuya." Yumakap na ako ng mahigpit kay kuya at umiyak na parang bata. Sakto namang pumasok sila kuya Jake at niyakap ako.
Magiging matatag ako, promise. Ng maging okay na ang pakiramdam ko, pumunta akong kwarto at doon ko naabutan si Diane na naghihintay sa akin.
Ito na naman, kusa na namang tumulo ang mga luha ko. Niyakap ako ni Diane at pilit na pinatatahan. Sa resort, hindi ko nagawang umiyak, pinipilit kong maging matatag kaya ngayon walang tigil ang paghagulhol ko.
Hindi ito ang pinangarap ko, magkakaron ako ng asawa sa murang edad. Ang saklap!
Ang sabi sa akin ni Diane, lagi niya akong pupuntahan, hindi naman kasi kalayuan dito, talagang gusto lang nila lolo na kaming dalawa lang sa bahay para matuto daw kami at magkaigihan. Alam kong hindi mangyayari yun, dahil may lamat na ang nasa pagitan namin. Galit ako sa kanya, niloko niya ako. Wala siyang pinagkaiba sa ibang tao.
"Friend, listen to me." Pinipilit ni Diane na makinig ako sa kanya. "Nandito lang ako, okay? Pag sinaktan ka ulit ng lalaking yun, may kalalagyan siya!!"
"Oo na." Natatawa kong sagot sa kanya, eh pano ba naman may pasuntok suntok pa sa hangin.
We sleep together, hindi ko na pala kailangan mag ayos ng gamit dahil nadala na ang mga damit ko sa bagong bahay na titirhan ko.
The next day, pagbaba ko ay muntik na akong malaglag sa huling baitang ng hagdan sa pagkagulat.
Ang damuho, prenteng nakaupo sa sofa.
"Ang aga aga, anong ginagawa mo dito ha?" Singhal ko sa kanya.
"Sinusundo ka. Ang aga aga ang init ng ulo mo, nag toothbrush kana ba?"
"Anong sinabi mo?"
"Bingi ka ba? Sigaw ka kasi ng sigaw eh. Maghanda kana at uuwi na tayo."
"Nandito ako sa bahay ko." Pagtataray ko dito.
"Uuwi na tayo sa bahay natin."
Iimik na sana ako ng biglang dumating sila lolo.
"Oh, iho. Aba, kita mo nga naman. Napaka sweet pala nitong mapapangasawa mo apo, at talagang sinusundo kana."
Ngumiti naman ng pagkatamis tamis at nagmano ang abno.
"Magandang umaga po."
"Iha, mag ayos kana."
"Opo." Bumalik naman ako sa kwarto ko, naligo at nagbihis.
BINABASA MO ANG
It's Too Late To Run
RomanceJenny Bunso sa apat na magkakapatid at nag iisang babae. Kilala ang pamilya nila dahil hindi maikakaila na mayroon silang malalaking negosyo, kabilang ang mga magulang niya sa pinakamayayamang tao sa bansa. Zyrus Anak mayaman, gwapo at may pagkasupl...