Kung gusto mong maging masaya, makuntento ka. Lagi mong tandaan na ang pagmamahal, pagpapahalaga at tiwala ay kailangan upang magkaron ng isang matibay na relasyon. Wag kang gagawa ng bagay na pagsisihan mo sa huli. - MoiselleFoxx
.
.
.
Jenny's POVMabilis lumipas ang mga araw, ito kami ngayon nandito na sa bahay. Naibigay ko na rin ang mga pasalubong ko sa mga kaibigan ko, pati na rin kila kuya.
Sabi sa akin ni Zy, okay na sila ni Claire. Hindi na dae ito manggugulo at ng offer pa na maging friends na lang sila. Wala na daw siyang planong maghabol. Aba, dapat lang noh! Asawa ko na si Zy kaya dapat lang na alam na niya ang lugar niya.
"Hon, you done?" Tanong niya sa akin.
"Yup! Tara na." Bumaba na kami at nagtungo sa sasakyan niya.
May pasok na ngayon at kailangan naming bumawi sa klase.
Balak ko sanang makipagkwentuhan kila Diane kaya lang dumating na ang professor namin.
Pagkatapos ng klase, agad kaming dumeretso sa canteen.
"Girl kamusta naman ang buhay may asawa? Masakit ba?" Si Kyle, sarap bigwasan eh.
"Hoy Kyle wag ka ngang ganyan magtanong," Kaya naman napanguso na lang siya. "Ano girl kamusta naman ang bakasyon niyo ng husband mo?" Si Mitch.
"Masaya syempre." Nakangiting sagot ko. Sino ba namang hindi magiging masaya eh ang dami naming napuntahan tapos pinaparamdam talaga sa akin ni Zy na mahal niya ako.
Gusto ko sanang kasabay si Zy kumain, kaya lang sinabi niyang sasabay siya sa mga barkada niya dahil request nila. Syempre mabait ako kaya pinayagan ko siya.
Napalingon ako sa table nila dahil sobrang ingay, naagaw ng isa ang atensyon ko.
Si Claire, katabi ni Zy. Sobrang saya nila, naiinis ako. Napaka friendly naman pala ng babaeng yun, kung makadikit akala mo linta.
"Hey, stop staring." Si Diane.
Napatingin ako sa kanya, pati sila Dee nakatingin sa akin ng seryoso. Alam naman kasi nila kung anong nangyari.
"Jen, mag asawa na kayo. Wag kang mag alala." Nakangiting sabi sa akin ni Mitch.
"Oo nga naman girl." Si Kyle.
Tumango naman ako at ngumiti saka nagpatuloy sa pagkain.
Binalewala ko kung ano yung nararamdaman ko, tama ang mga kaibigan ko mag asawa na kami.
Hindi na ako sumabay kila Diane dahil pupunta pa akong C.R. gusto pa sana nila akong samahan, kaya lang sabi ko wag na dahil malapit lang naman.
Pagpasok ko sa cubicle, naramdaman kong may mga pumasok.
"So, how was it?" Rinig kong tanong ng isang babae.
"Everything is good, hindi pa naman huli ang lahat." Sagot nung isa.
"Mas lalo kayong nagiging malapit sa isa't isa." Yung isa pang girl. Hindi ako sigurado kung ilan sila, hindi ko rin alam kong bakit hindi ako makalagaw sa kinatatayuan ko.
"Ako pa ba? Mahuhulog din sa akin yun. Remember, we do that thing several times. He's really good, especially when he's inside me." Sabay sabay naman silang nagtawanan.
Ewan ko ba kung bakit iba ang pakiramdam ko. Gusto kong lumabas pero hindi ako makagalaw. I'm not sure kung tama ang iniisip ko, sana mali ako.
Nang makaalis na sila, lumabas na din ako.
BINABASA MO ANG
It's Too Late To Run
RomanceJenny Bunso sa apat na magkakapatid at nag iisang babae. Kilala ang pamilya nila dahil hindi maikakaila na mayroon silang malalaking negosyo, kabilang ang mga magulang niya sa pinakamayayamang tao sa bansa. Zyrus Anak mayaman, gwapo at may pagkasupl...