Ang relasyon binubuo ng dalawang tao, hindi ito titibay at lalong hindi tatagal kung isa lang ang nagpapahalaga. Kaya ikaw, wag ka ng lumingon, sino paba? Ikaw nga. Matuto kang mag effort para wala kang pagsisihan sa huli. - MoiselleFoxx
.
.
.
Jenny's POVGabi na kami nakauwi kagabi, kaya naman pagdating na pagdating pa lang namin dito sa bahay eh kanya kanyang tulog agad. Maaga din kasi kaming gigising para ihatid sa NAIA si tita Debbie. Kung alam ko lang hindi ko na hinayaan n matulog dito si Diane nung nakaraan. Masaya pa naman ako dahil pinayagan siya mag college dito, tapos ang kapalit nun? My God, nakakalungkot.
6:00 AM ng magising ako buti nalang at effective ang alarm clock ko. Maliligo na sana ako ng mapansin ko yung rose na natanggap ko. "Kung sino ka man, thank you sa effort." Pagkatapos kong magmunimuni eh naligo na ako at nagbihis. Binilisan ko talaga ang kilos ko.
Pagbaba ko, hinihintay na ako nila kuya. Kumain kami ng walang kwentuhan, nalulungkot kami para kay Diane. Mahirap ang mag isa at malayo sa family.
Yung Montero ang dinala ni kuya Justine, sumakay na kami para sunduin sila tita Debbie.
Tahimik kami sa sasakyan hanggang makarating kami sa airport.
.
.
.Sa airport.
Nagpaalam si tita Debbie, at dito na bumigay si Diane.
"Mom, mom. I'm sorry for being selfish." Sob*. "Mom, please call me from time to time." Sob* Sob*.
Awang awa ako kay Diane, nalulungkot ako para sa kanya.
"No, baby. Please don't cry. Mom will always understand you. I love you baby, of course, I will always give you a call. Be a good girl ha, make us proud okay? Take good care of yourself, makikinig ka sa kuya Justine ha?"
"Yes, mom." Sob* sob*. Tuloy pa din sa paghikbi si Diane habang nakayakap sa ina. Panay naman ang haplos sa buhok nito, alam kong malungkot si tita Debbie pero hindi niya talaga pinapakita. Gusto niyang pagkatiwalaan si Diane sa desisyon niya.
"Bro, thanks. Ikaw na ang bahala sa bunso namin, alam kong maasahan kita." - Denis
"Wag kang mag alala, hindi namin pababayaan ang kapatid mo." Nagyakap sila sandali ni kuya Justine. "Mag iingat kayo don ha."
"Oo naman, kayo din."
"Jenny, iha. Alagaan niyo ang isa't isa ni Diane ha?" - Tita Debbie
"Yes, tita. Mag iingat po kayo. Lagi po kayong tatawag sa amin. Mamimiss ko ang mga luto niyo tita." Malapit lapit na akong maiyak.
"Yes, iha." Sabay yakap sa akin nito.
Maya maya pa ay pumasok na sila, nagsimula na kaming lumabas ng NAIA at bumyahe pauwi.
Hindi ko na muna tinanong si Diane kung bakit hindi niya sinabi sa akin, alam ko na din naman ang isasagot niya. Ayoko din na madagdagan pa yung nararamdaman niya ngayon.
.
.
.
Sa bahay.Justine's POV
"Maaga akong uuwi mamaya para matulungan natin si Diane na dalhin ang gamit niya dito." Gusto kong maging maayos ang paglipat niya dito sa bahay.
"Kami din bro, pipilitin naming makauwi ng maaga para makatulong kami sa paghakot ng mga gamit." - Jake
"Okay, sige. Diane doon kana sa room na malapit kay Jenny."
"Sige Justine. Friend I can sleep to your room anytime, right?"
"Oo naman siyempre. Ikaw pa, eh ang lakas mo sa akin." Alam kong pilit na pinapasaya ni Jenny si Diane.
BINABASA MO ANG
It's Too Late To Run
Storie d'amoreJenny Bunso sa apat na magkakapatid at nag iisang babae. Kilala ang pamilya nila dahil hindi maikakaila na mayroon silang malalaking negosyo, kabilang ang mga magulang niya sa pinakamayayamang tao sa bansa. Zyrus Anak mayaman, gwapo at may pagkasupl...