Ending

366 7 3
                                    

Ang bawat isa ay may karapatang maging masaya sa piling ng taong mahal nila. Makaranas ka man ng napakaraming pagsubok sa buhay, lagi mong tatandaan na may taong magmamahal, susuporta at magpapahalaga sayo. Kung wala pa siya, wag kang magalala. Dadating siya sa tamang panahon. - MoiselleFoxx

12 years later...

"Mom!!! Si Zevilin at Zeon pinakialaman na naman ang gamit ko. Mom!!!"

"Ate you need to remove these things in your room, so ugly. Kaya ka laging kinukulit eh, diba guys?" Baling nito sa mga nakababatang kapatid na kambal.

"What??? Kakampihan mo pa ang dalawang makukulit na yan? Unbelievable!" Nagmartiya ito palabas at nagtawanan naman ang tatlo. "Mom!!!" Sigaw nito.

"Ate calm down, wag kang sumigaw okay?" Si Zeana.

"The three of you are so mean, especially you. Dapat ako ang kinakampihan mo dahil pareho tayong babae."

"Ate ikaw ang panganay, you need to act like one." Pinandilatan naman ito ni Zyenne at halatang inis na inis na. "Okay, I'm sorry. I didn't mean to say na ugly ang mga nandoon sa room mo, I'm just telling the truth-."

"Seriously???"

"Ate ano ba, patapusin mo kasi muna ako. We just want to spend time with you, lagi kana lang naka online sa skype, talking to ate Trish. You even forget na wala sila mom and dad, mamaya pa ang dating nila from Davao." Bigla naman nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zyenne.

"I'm sorry kung madalas walang time si ate sa inyo, gusto niyo bang kumain ng ice cream?" Tumango naman ang mga ito.

"Cookies and cream!" Sabay na sabi ng kambal.

"How about you Zeana?" Alam niyang nagtatampo talaga ito sa kanya. Dahil bakasyon, madalas siyang nasa room at kausap ang matalik na kaibigan na naninirahan sa New York.

"I'm suppose to be your-" Hindi na nito hinayaang makatapos ang kapatid.

"Zeana, you and Trish are important to me. You are not just one of my bestfriends, you're my sister. My one and only sister." Niyakap niya ito at hinalikan sa ulo.

Alam niyang selosa itong si Zeana at ang dalawa namang lalaki ay sadyang makukulit. Hindi naman niya pwedeng i-share sa kapatid na may crush si Trish at yun ang pinaguusapan nila, masyado pang bata ang kapatid niya para sa ganoong bagay.

Bakit nga ba hindi niya agad narealize na nagpapapansin lang ang mga ito sa kanya kaya nangungulit?

Kahapon umalis ang mommy at daddy nila dahil sa business meeting at mamayang gabi pa ang balik ng mga ito.

Nagpadala siya sa katiwala nila ng ice cream, bread at kung ano ano pa sa may swimming pool.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkukulitan ng muling bumalik ang katiwala nila.

"Yen-yen iha, may bisita ka."

"Sino daw po?" Pagkalingon niya ay gulat na gulat siya sa lalaking nakatayo sa gilid ng katiwala.

"You!!! What are you doing here???"

"Where's tito Zy?"

"They are not here, kung may sasabihin ka sa kanila ay ako na ang magsasabi dahil mamaya pang gabi ang dating nila.

"Hihintayin ko na lang."

"Urg!!!" Inis na inis siya kay David, anak ito ng kaibigan at business partner ng daddy niya.

It's Too Late To RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon