Sa isang relasyon, may mga problemang kayang ayusin at mayroon ding hindi na kahit gawan pa ng paraan. Kung gusto mo ng matibay na pundasyon, kailangan mong gawin ang lahat ng iyong makakaya. Bakit mo ba hahayaang magkaroon ng problema na pwedeng makasira sa inyo kung pwede namang iwasan diba? - MoiselleFoxx
Parang ang bagal ng oras ngayong araw. Hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang photoshoot namin.
"Girls, nandiyan si Sir." Sigaw nung isang empleyado na bagong pasok dito sa loob ng studio. Katatapos lang ng breaktime namin at magsisimula na ulit kami.
Bigla namang nataranta ang mga ito. Sino bang sir yun at talagang hindi magkaintindihan ang mga babaeng ito samantalang yung mga lalaki relax lang? Boss ba nila?
Biglang bumukas ang pinto at halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang ngiti ng taong gusto kong iwasan.
Anak ng tinapa, sabi ko iiwas ako eh. Kasasabi ko pa lang eh.
Bakit nga ba siya nandito? Ay oo nga pala siya nga pala ang reason kung bakit ako nandito sa studio na ito.
"Good morning Mr. Chen."
"Good morning." Bati nito. Hindi naman halatang kilig na kilig ang mga babaeng ito, kulang na lang magtitili sila at tumalon talon.
Naglakad ito palapit sa dereksyon ko at kung makangiti wagas kaya naman napairap ako. Naramdaman ko ang pagupo niya sa tabi ko.
"What are you doing???" Inis kong tanong sa kanya.
Hindi naman sa nagiinarte ako, may iba namang sofa.
"Nakaupo." Aba at talagang pilosopo ang mokong.
"Alam kong nakaupo ka pero bakit dito pa? Ang daming bakante oh." Pakiramdam ko lahat ng atensyon ng mga tao dito sa studio ay nasa amin. Ang iba ay parang mga bubuyog kung magbulungan.
"Dito ko gusto." Lakas mangasar.
"Great! Just great!!!" Mabuti na lang at tinawag na ako para makapagpalit.
Hindi ko na tinangkang lumingon pa dahil alam kong napakalawak ng ngiti ng lalaking yun.
Tinanggal ko na ang suot ko at nagbihis ng isang red bikini at short, of course hindi nakabuton ang botones.
Nakakailang hakbang pa lang ako mula sa pinagbihisan ko ng sumipol ang kalalakihan sa studio.
I know right!!! Hindi halatang mommy na ako. Bulong ko sa isip ko.
During pictorial, I don't see any reaction from him. Hindi ko rin mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya. Nakatitig lang siya sa akin.
Iniiwas ko ang tingin ko.
Nagbibihis na ako ng may magsalita.
"Hi Miss Jenny, I'm Paw."
"Hi Paw." Tinanggap ko ang kamay niya.
"Idol na idol kita eh, sana maging sikat na model din ako gaya mo." Nakangiti nitong sabi habang inaayos ang mga gamit niya.
"Thank you, wala namang imposible. Pag gusto mo, magagawa mo." Sagot ko.
"Sabi ko na sa inyo girls mabait itong si Miss Jenny." Naglapitan naman yung ibang model at isa isang nagpakilala. Kung hindi ako nagkakamali ay sila yung mga kinuhang model na naka based dito sa Pinas.
"Ang ganda mo talaga Miss Jenny." Wika nung isa.
"Jenny na lang girls, masyadong pormal eh." Natatawa kong sabi sa kanila, hindi naman nagkakalayo ang mga edad namin tapos puro compliment pa ang mga sinasabi nila sa akin.
BINABASA MO ANG
It's Too Late To Run
RomanceJenny Bunso sa apat na magkakapatid at nag iisang babae. Kilala ang pamilya nila dahil hindi maikakaila na mayroon silang malalaking negosyo, kabilang ang mga magulang niya sa pinakamayayamang tao sa bansa. Zyrus Anak mayaman, gwapo at may pagkasupl...