Ang salitang mahal kita, dapat sinasabi lang yan sa taong mahal mo. Ang paglaban, ginagawa lang yan kapag alam mong mahal ka ng taong yun. Kung mahal niyo ang isa't isa, magiging masaya kayong pareho at gagawin niyo ang lahat mapatibay lang ang kung anong meron kayo. - MoiselleFoxx
Warning: Medyo SPG, medyo lang naman hehe.
Jenny's POV
Masyadong naging mabilis ang mga araw, naging busy ako sa photoshoot at ganoon din si Zy. Mabuti na lamang at ipinahiram sa akin nila kuya ang isa sa katiwala namin sa bahay na ngayon ay yaya na ni Yen-yen.
Hindi ko alam kung paano napapayag ni Zy na matulog ito sa bago niyang room. May panahon nga lang na pupunta itong kwarto namin at doon matutulog.
Lunch time na ng dumating si Zy. Ang sabi ko nga sa kanya wag na niya akong sunduin, kaya lang ang kulit eh. Talagang mapilit.
"Napapadalas yata ang pagbisita ni sir, grabe buo na naman ang araw ko." Yung isang model.
"Yieeh, Jenny type ka talaga ni sir. Tingnan mo oh panay ang tingin sayo." Wika noong isa.
"Oo nga Jenny, ang swerte mo at ang haba ng hair. Yummy na mayaman pa." Ani noong isa pang model.
"Nakakahiya kay Jenny, tsaka mamaya marinig kayo ni sir. Sige kayo." Si Paw.
Ngumiti lang ako sa kanila. Maya maya lumapit na sa amin si Zy.
"Let's go?" Wika nito sabay kuha sa shoulder bag ko.
Kaya naman sumunod na ako sa kanya. Panay tili naman ng mga kasamahan ko ang naririnig ko.
Sino ba namang hindi kikiligin sa lalaking ito, matangkad, matangos ang ilong, maputi, mapula ang labi na akala mo ay nakalipstick pero natural, maganda ang mga mata at may abs.
Ene be nemen yeng penegeesep ke.
Aish!!
"So, where do you want to eat?"
"What if umuwi na lang tayo para makasabay natin si Yen-yen?"
"Okay, sige. Ako na ang bahalang magluto."
Palabas na kami ng biglang may lumapit sa amin at higitin ang buhok ko.
"Ouch!!! My God, let go." Sigaw ko na nakaagaw ng atensyon ng mga tao.
"Walang hiya ka! Mang aagaw!" Tuloy pa rin siya sa paghila, pilit namang inaalis ni Zy ang mga kamay nito sa buhok ko.
"Claire tumigil kana! Bitawin mo siya!" Halos maluha luha na ang mga mata ko dahil sa sobrang sakit, parang mabubunot lahat ng buhok ko. "This is your last chance, tumigil kana! Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin ko sayo."
Binitawan nito ang buhok ko sabay tulak sa akin. Muntik pa akong matumba, mabuti na lang at naalalayan ako ni Zy.
"You're crazy!" Wika ko.
Pinipilit kong ayusin ang buhok ko. Grabe nalagasan ata ako, kailangan ko pa yatang pumunta sa salon dahil sa babaenh ito.
"Mang aagaw ka! Ang kapal ng mukha mo!" Rinig na rinig ko naman ang bulungan ng mga tao dito.
"Shut up! You're making a scene!" Si Zy.
"Ano bang problema mo ha Claire?" Ako.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Ng dahil sayo nawalan na ng oras si Zyrone sa anak namin." Nahihiya na ako sa mga tao dito, panay ang bulungan nila.
BINABASA MO ANG
It's Too Late To Run
RomanceJenny Bunso sa apat na magkakapatid at nag iisang babae. Kilala ang pamilya nila dahil hindi maikakaila na mayroon silang malalaking negosyo, kabilang ang mga magulang niya sa pinakamayayamang tao sa bansa. Zyrus Anak mayaman, gwapo at may pagkasupl...