Unexpected

174 12 2
                                    

May mga taong pag nagmahal wagas, meron namang taong kahit nasa isang relasyon na eh wala pa rin pakialam. Ikaw alin kaba diyan? Yung karelasyon mo, alin ba diyan? Kung pareho kayong wagas magmahal, aba eh maswerte kayo. Pero kung kayo o kahit isa sa inyo eh walang pakialam, mag isip ka. Dalawa lang yan eh, masasaktan ka o makakasakit ka. Ang bad mo naman kung makakasakit ka, at ang manhid mo kung hinahayaan mo na masaktan ka. - MoiselleFoxx
.
.
.
Jenny's POV

Mabuti na lamang at pumayag sila kuya na pumunta kami dito sa resort kahit hindi sila kasama, si Dee dapat ang mag da-drive, kaso hindi kami makakapunta dito kung hindi yung driver namin ang magmamaneho.

"Ay grabe, ang ganda ng resort niyo. May resort din kami pero hindi ganito kalaki." Si Mitch, may pagtakbo pang nalalaman, parang bata hehe.

"Kahit kailan para ka talagang ewan Mitch." Si Kyle.

"Hahaha." Nagtawanan na lang kami.

Sila Dee ang namili ng snacks, yung ulam naman hindi na problema yun kasi tumawag na ako sa katiwala namin kagabi na dadating kami.

Masaya kaming kumain at nagkwentuhan. Napagdesisyunan namin na sa hapon na kami maliligo para hindi na mainit. Si Kyle kasi masyado concern sa skin niya, haha.

Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno, nagpapahinga sa isang malaking duyan, yes sobrang laki talaga dahil kasya kaming anim at malaki pa ang space. Pinasadya ito ni Dad. Siguro 2:00 PM na mahigit, hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako kagaya nila Diane.

Pag gising ko, wala ako sa duyan.

"What the?" Napatayo ako.

Nasa isang yate ako. Tumingin ako sa paligid, puro dagat ang nakikita ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Paanong napunta ako dito?

"Gising kana pala." Pamilyar sa akin ang boses ng nagdalita. Si Zy? Paano? Bakit?

"Bakit ako nandito? Paano ako napunta dito?"

"Binuhat kita." Siraulo ba siya?

"Pwede ba, gusto ko ng umuwi!" Sigaw ko.

"Not yet, kailangan nating magusap."

"Ano!? Wala tayong dapat pagusapa." Pagmamatigas ko.

Sila Diane, paano nila nagawang hayaan na isama ako ng walang hiyang lalaking ito?

"Ang himbing mong matulog."

"Wala kang pakialam, iuwi mo na ako!" Anong magagawa ko eh napuyat ako, halos di nga ata ako nakatulog kagabi.

"Hindi tayo aalis dito hanggang hindi ka nakikipagusap sa akin ng maayos."

"Wala tayong dapat pagusapan."

Nakakainis, umalis ako sa bahay para magsaya at hindi maisip ang kumag na ito. Naguguluhan na din ako sa sarili ko, saglit ko lang siyang nakilala tapos naapektuhan ako sa kanya. Nagawa pa niyang alamin kung nasaan ako. In the first place, bakit ba siya nandito? My God!

"Sige, magmatigas ka. Hindi tayo aalis dito ng hindi ka nakikipagusap sa akin ng ayos."

Wala na akong magagawa. Nasa gitna kami ng dagat.

"Fine! Bakit ka ba nandito?" Sabay irap ko sa kanya.

"Simple lang, sinundan kita."

"Bakit nga?"

"Dahil alam kong galit ka."

"Bakit naman ako magagalit? Sino ka ba sa akala mo ha?"

It's Too Late To RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon