Words

136 7 1
                                    

May mga pagkakataong gusto mo ng sumuko pero hindi mo magawa dahil mahal mo ang isang tao. Pero hindi ka ba nagtataka? Kung mahal ka ng taong yun edi sana hindi ka magkakaron ng dahilan para tanungin ang sarili mo kung kaya mo pa ba? Lagi mong tandaan na magiging matibay lamang ang isang relasyon kung pareho niyong binibigyan ng pagmamahal at halaga ang bawat isa. -MoiselleFoxx
.
.
.
Zyrone's POV

Mabilis lumipas ang mga araw, malapit na ang kasal namin ni Jenny. Pero hanggang ngayon hindi pa rin kami masyadong okay. Alam ko namang mali na kinampihan ko si Diane, nabigla lang talaga ako.

"Jenny, dadating ang mga barkada ko. Medyo magkakainuman kami, okay lang ba?"

"Oo, papunta din dito sila Diane since Saturday naman bukas." Medyo naninibago ako sa pakikitungo niya sa akin. After nung hindi namin pagkakaintindihan, eh hindi na namin napagusapan yun kahit na sinusubukan ko. Sabi niya, wala na daw yun. Pero sa totoo lang nababahala pa di ako. Hindi ko kasi alam kung anong iniisip niya.

"Okay." Sana makapagusap kami ng maayos mamaya.

Unang dumating ang mga barkada ko. Napagdesisyunan na dito kami sa may garden pumwesto. Nakakahiya daw kasi kay Jenny kung magkakalat pa kami sa sala.

"Pre, kung hindi ko lang alam na magiging asawa mo yang si Jenny eh matagal ko ng pinakasalan yan." Binatukan naman agad ni Brandon si Clayton. "Aray!!!"

"Alam mo pre, kung hindi ka lang talaga mahilig sa babae, iisipin kong bakla ka." Agad namang nangunot ang nuo ng mokong. "Ang hilig mo kasing pumutak." Nagtawanan naman kami.

"Hoy, kung wala ako dito boring yang inuman niyo." Si Clayton.

"Pare, ang lakas ng hangin." Si Drei.

"Itong pinsan mo Zyrone, malapit ko ng makatusan yan." Natatawang sagot ni Clayton. Oo itong pinsan kong si Drei ang dahilan kung bakit ko naging ka close itong sila Jex.

Maya maya dumating na din si Miguel. Sa lahat talaga ng barkada ko, ito lagi ang late.

"Oh, nandiyan na pala ang babe ng barkada." Kantiyaw ni Clayton.

"Sira, traffic eh." Sagot naman ni Miguel.

"Sus, nandito na nga kami diba? Palusot mo chong." Ang bibig talaga ni Clayton walang awat.

Nagkibit balikat na lang si Miguel. Masaya kaming nagkukwentuhan ng lumabas si Jenny at binuksan ang gate.

"Uy, pare di mo naman sinabi may mga dadating pala." Si Jex.

Sila Diane pala dumating kasama yung tatlo pa nilang kaibigan. Ngumiti naman sila sa amin bago pumasok sa loob ng bahay. Napansin ko naman na grabe ang titig nila Brandon kay Jenny lalong lalo na si Clayton kaya naman binatukan ko ang mokong. Kung malapit lang dito sa akin si Brandon ay nabatukan ko na din yun.

"What???" Nag maang maangan pa ang loko.

"Anong what? Eh halos hindi maalis ang tingin mo kay Jenny." Natatawang sagot ni Alex.

"Eh kasi naman ang ganda ng magiging asawa mo dude." Paliwanag niya sa akin.

"Tumigil ka at baka magkaron ka ng ube sa mata." Birong totoo lang, haha.

"Sus, possessive!" Kaya naman nagtawanan sila.

"Pre, yayain mo naman sila mamaya para maka bonding naman natin." Si Brandon.

"Oo nga pre." Pagsangayon naman nila Miguel.

"Oo na, mamaya. Hayaan niyo muna silang mag enjoy." Napailing na lang ako sa kanila. Pumayag naman sila kaya nagsimula na ulit kaming mag inuman at magkulitan.

It's Too Late To RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon