Decision

160 8 1
                                    

Hindi lahat ng bagay makukuha mo, ganun din sa pagmamahal. Hindi lang dahil sa gusto mo ang isang tao eh pwede na. - MoiselleFoxx
.
.
.
Zyrone's POV

"Tagal nating hindi nagkita ah
Dalagang dalaga kana kisses. Medyo naging busy ako sa work eh."

"Ikaw din, mas gwapo kana ngayon."

"Ehemm." May tao dito, nandito yung boyfriend, hello???

Hinigit ko si Jenny at inakbayan. "Bro, close pala kayo ng girlfriend ko."

Nag smirk naman si kuya Zack.

"Yeah, so let's go?" Naglakad na kami palabas. Nilagay namin yung mga bagahe ni kuya sa likod ng sasakyan."Bro deretso tayong Tagaytay, may meeting ako pero saglit lang yun. Kaya mo bang mag drive papunta dun o ako na?"

"Kaya ko, pagod ka kaya wag ka ng magpaka-cool diyan."

"Haha. I hope okay lang sayo kisses.?"

"Yup." Sobrang close ba talaga sila? Kainis ha, wala naman naikukwento sa akin si kuya Zack nung nasa U.S. pa ako.

Agad namang umupo si Jenny sa backseat kaya si kuya Zack ang katabi ko ngayon.

Pinaandar ko na ang sasakyan at saka umalis.

"So, kisses kamusta ang buhay college, masaya ba?

"Hindi ko pa masabi eh, bago pa lang kasi."

"I'm sure hindi ka mahihirapan."

"I hope so."

Madami pa silang pinagkwentuhan. Nakakainis, iba yung mga ngiti nila.

Pagkadating namin, dumiretso kami sa isang restaurant. Nauna kaming maglakad ni kuya.

"So, nagkita na pala kayo?"

"Oo, girlfriend ko na nga diba?" Nag smirk na naman siya, lakas talaga mang asar. Sarap sipain eh.

"Cool ka lang, okay? Kumain na muna kayo dito, dun lang ako sa kabilang table nandun na ang mga ka-meeting ko."

"Oo na." Kung hindi ko lang ito kuya, kanina ko pa nasapak. Napailing nalang ako, mabuti na lang at kilalang kilala ko si kuya Zack, kahit na medyo naiinis ako.

Umorder na kami ni Jenny at kumain. Nagsimula na din kaming mag usap, gusto kong malaman kung gaano sila ka close ni kuya.

"So, matagal na ba kayong magkaibigan ni kuya?" Sa pagkakaalala ko hindi sila magkaibigan, siguro dahil sobrang layo ng agwat ng edad?

"9 years I think, your brother is a nice guy."

"That long?" Ibig sabihin simula nung umalis ako, they became friends.

"Yup, lagi kasi siya sa bahay eh."

"That's great." Ewan ko lang kung nahalata niyang pilit ang ngiti ko. Alam ko magkakilala sila pero hindi ko iniexpect na close sila at may patawag-tawag pang kisses.

"May problema ba?" Kitang kita ko ang pagaalala sa mukha niya.

"Wala naman."

"Ah, okay. Akala ko meron eh, baka kasi..."

"Baka ano?"

"Nagseselos ka." Tapos ngumiti siya, alam niyo yung ngiting nahihiya? Ganung ganon ang hitsura niya. Nawala yung inis na nararamdaman ko, iba talaga ang epekto sa akin ni Jenny. Pero teka, anong sabi niya? Ako nagseselos?

It's Too Late To RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon