Samantha's Point of View ..
Mahirap talagang magmahal ng syota ng iba
Hindi mo mabisita kahit okay sa kanya
Mahirap ! Oh mahirap talaga
Maghanap ka na lang kaya ng iba .. 🎤🎶"Kailan ka pa nagbalik loob sa Apo Hiking Society ?".
Napalingon ako nagsalitang iyon na pumutol sa pagsabay ko sa kanta ng paboritong banda ni Papa. Si Miki ! Ang Best friend kong tunay !
Mikmik : Ngiting tagumpay ka, sino namang kawawang nilalang ang nabiktima mo ?
Boy ! Haha buti nandito ka na .. May ise-share akong secret sayo.
Mikmik : Napaka-tsismosa mo talaga. Hinaan mo nga iyang Sounds mo, daig mo pa ang bingi sa lakas. Wala ba sina Tito ?
Wala ! Guess what ?! Alam mo bang in love si DA sa girlfriend ni Ano ?! Muahahaha !
Mikmik : Ano ? Ayusin mo nga kwento mo at hindi kita maintindihan.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya matapos hinaan ang radyo bago pabulong na inulit ang mga nalalaman ko.
Mikmik : Asowsss ! Walang bago ?
Alam mo ? Sinabi niya din sayo ? Akala ko sakin niya palang sinasabi iyon kasi nga sikreto lang yun ?
Mikmik : Wala siyang sinabi pero matagal ko ng alam yun.
Paano ?
Mikmik : Dahil magaling ako ! Haha !
Gaga ! Pano nga ?
Mikmik : Remember nung isang Linggo, after ng clan war natin ? Dumating si P---
Wag ! Wag mong sabihin baka may makarinig !
Mikmik : Pwe ! Ang ang alat ng kamay mo ! Ang dami mong alam ! Tsk ! Kailangan talagang takpan mo pa bibig ko ? San mo hinawak yan ?! Yakkkk !
Nagkamot ako ng pwet eh ! Hahahaha
Mikmik : Pusang gala ! Kadiri putek ! Yun na nga, dumating si--Boy kasama yung Girl ! Tapos si Girl kumapit sa braso ni DA .. Ewan ko lang ha ? Pero napansin ko kasing napapitlag si Dylan tapos parang pinigil yung hininga niya. Parang may spark ! Yung ganong eksena ay hindi makakaligtas sa Radar ko ! Haha Anyway .. Bakit nga pala mukhang interesado ka sa Love life ni DA ?
Isusulat ko kasi ang Love story niya sa Wattpad, nakakaboring kasi maging tambay. In-interview ko siya for my hero kaso siya na mismo ang hero ko haha nagkaroon na ko ng instant story dahil sa kaniya.
Mikmik : Oh talaga ? Nung ako ang nag interview sa kaniya para maging hero ko sinabihan ako ng, 'wag mo kong idamay sa ka-wirdohan mo'. Paksyet na yun ! Tapos sayo .. Hype na yan ! Ang daya !
Haha baka wrong timing ka lang, Boy ! Kita mo naman pati sikreto niya na i-share niya sakin.
Mikmik : Good luck kung ganun ..
Oh parang nang-aasar ka ata ? Dine-discourage mo ko ?
Mikmik : Hindi sa ganun, B2, pero kung aantabayanan mo ang buhay pag-ibig ng isang iyon paniguradong puti na ang uwak, wala paring happy ending iyang istorya mo.
At bakit aber ?
Mikmik : Una, magce-celebrate ng second monthsarry sina P--este yung Boy at Girl baka maging matatag pa ang relasyon ng mga iyon. Pangalawa, alam naman nating lahat na Fuckboy si P--Boy !
Bunganga mo naman ! Tsk ! Napaka-brutal.
Mikmik : Oh bakit totoo naman ah ? Pangatlo, malaking TORPE iyang si Ace ! Sayang ang kagwapuhan, Boy, pero di atapang atao. Bading na nga ata iyan eh. And Last but not the least, wala siyang ginagawa. Tunganga lang ! Haru Juice colored ! Tatandang binata ang tropa ko !
Hmmm you mean ?
Mikmik : Tumpak ! Na iisip mo ba ang naiisip ko, B2 ?
Sapalagay ko nga, B1 ! Haha operation tulay para sa buhay pag-ibig ni Dylan Ace !
Mikmik : Mali tanga .. Mas gusto ko maging kontrabida buwahahaha !
Ha ?
Mikmik : Ikaw ang anghel nila at ako ang demonyita ! Good side versus Bad side.
Ano ? Hindi ko gets, Boy.
Mikmik : Basta !
Tumayo ito at inakbayan ako habang ikinukumpas ang kanang kamay.
Mikmik : Just go with the flow .. Then, magkakaroon ng happy ending si DA.
Pfft ! Ang weird mo nga ..
Mikmik : Bwahaahahahahahaha !
BINABASA MO ANG
Love Song : Dylan ace
HumorKung mamimili ka ng Love song para sa special na tao .. Ano iyon at bakit ? This is Story One of a Series. Boys Point of View. Salamat sa pagtangkilik, Enjoy reading ! Kung mamimili ka ng love song para sa isang special na tao .. Ano yun at bakit ? ...