Chapter Sixteen

10 3 0
                                    

Dylan Ace's Point of View ..

Mabilis akong bumaba ng motor dahil nakita ko na agad si Abby na nakaupo sa paboritong lamesa namin. Yeah .. This is it .. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Nanlalamig din ang palad ko. Syett ! Feeling ko lalabas na yung puso ko sa dibdib ko. Ngumiti ito ng bahagya ng makapasok ako sa McDo.

At parang na nanadya pa dahil ang tugtog sa loob ay OPM na hindi ko maisip kung sino ang kumanta. Nagrarambol na ang laman ng utak ko dahil sa sobrang kaba ! Oo ! Nakakabakla man pero kinakabahan ako .. Lalo na ngayong nakatitig siya sa akin para bang hinihigop niya yung buong pagkatao ko. Na para bang binabasa niya yung iniisip at laman ng puso ko ..

🎶🎶🎶🎶

Bakit ba ganyan
Kung minsan ay nauutal sa kaba pag ika'y nakausap na
Ngunit lumalakas ang loob kung ikaw ay nakatawa

Ewan ko kung bakit ba ganyan
Damdam ay di maintindihan ..

Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa iyo
Magmula ng kita'y makilala ..

🎶🎶🎶

Ay pusang gala ! Arayyyy ! Syett !

Abby : Ace ! Okay ka lang ba ?

O-Oo. Okay lang ako.

Syett ! Ang sakiit ! Deym ! Tumayo ako ng tuwid at napangiwi ng kumirot ang daliri ko sa paa na tumama naman sa paa ng lamesa ng palapit na ko. Kaya naman eto ako ngayon inaalalayang makalakad ng maayos ni Abby papunta sa upuan ko. Dyahe boy ! Panira ng moment ! Tungunu !

Abby : Okay ka lang ba talaga ? Masakit pa ba ?

Ang magandang mukha ni Abby na may bahid ng pag-aalala ang nakita ko kaya naman parang bula na naglaho ang sakit sa na dulot ng katangahan ko.

Ah yeah ! Okay na haha. Sorry, nagiging lampa yata ako this past few days .. Uhmm. Gusto mo bang kumain ?

Abby : Hindi na. Busog pa---

Ice cream ? Or fries ?

Abby : Hindi na, Ace, gusto kong mag-usap tayo.

Eto na yun eh. Bumuntong hininga ako. 'Let your heart speak' ..Parang echo na umulit sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Mikmik.

Abby : Gusto kong malaman ang lahat, Ace.

Well .. Una, hindi ako nagso-sorry sa nangyari nung birthday ni Samantha. Sinabi ko yun kasi iyon ang totoo, siguro kasalanan ko kung bakit naging magulo at naghiwalay kayo ni Paulo. Impokrito ako kung sasabihin kong hindi ako natuwa nung malaman yun, I'm sorry but that's what i feel.

Abby : Pero bakit ? Bakit nung time na akala ko ay okay tayo .. Itinaboy mo ko sa kaniya ? Naging tulay ka pa niya bilang----

Isa iyan sa pinagsisisihan ko. Ang tanga-tanga ko nung ginawa ko iyon. Natakot kasi ako--

Abby : Saan ?

Natakot akong mahalin ka ..

Abby : B-Bakit ?

Love Song : Dylan aceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon