Dylan Ace's Point of View ..
Samboy : Oo nga ? Para kanino yung kantang yun ?
Natameme ako ng tuluyan ng tumutok lahat sakin ang tingin ng mga ito.
Mikmik : Yeah, i was expecting na ang kakantahin mo eh yung kinanta mo sakin last time ? Yung .. Akin ka na lang.
Pinandilatan ko si Mikaila dahil parang ginatungan pa nito !
Ang usapan kantahan lang ? Eh bakit may follow up question ata kayo sakin samantalang si Mikaila ay deadma lang ?
Benj : Oo nga. Unfair naman yun !
Sam : Well, alam naman nating lahat na si---
Jj : Para kay Abby ba ang kantang yun ?
Napatiim baga ako ng marinig ang tanong na iyon ni Jj, narinig ko din ang pagsinghap ni Abby at palatak ni Paulo.
Sam : May gusto ka ba kay Abby, Bok ?
Paulo : Sinasabi mo bang wala kong kwenta na Boyfriend ? Na hindi ko siya binibigyang halaga ?
Sam : Oo nga ! Magsalita ka--hik !
Luke : Uminom ka ba, Sam ?!
Sam : Ahhhh oo ! Haha nalibang ako sa kanta ni Asyong eh .. Nakadala-hik-wang baso lang naman ako ! Kaya hooy Asyong ! Sagutin mo ko ?!
Benj : Naku po ! Lasing na si Samantha, ipasok mo na yan, Luke.
Sam : Hindi pa ko--syett ! Nasusuka ata ako hahaha !
Luke : Halika na, magpahinga ka na sa kwarto mo.
Sam : Hindi ako lasi--hik ! Sinisinok lang ako pero di ako lasing .. Promise ! At tiyaka gusto kong marinig na sabihin ni Asyong kay Abby na matagal na siyang may gusto sa kaniya.
Lasing ka na, Boy, sige na pumasok ka na---
Sam : Hindi ! Sige na ! Sabihin mo na, Bok, akong bahala kay Paulo, hindi ka niya aawayin dahil itatakwil ko siya kapag nagkagulo dito sa birthday ko ! Hahaha sabihin mo na kundi ikaw ang itatakwil ko !
Mikmik : Sige na, Asyong, sabihin mo kung anong laman ng puso--este ng isip mo. Hindi ako magagalit or kahit si Paulo.
Pero---
Paulo : Sabihin mo na, wag ka ng pabebe !
Luke : Ang mabuti pa, mag-usap kayong dalawa. Man to man, dun sa loob pero yung makikita pa din namin para kung sakaling magkasuntukan na kayo ay makakatakbo si Benj para umawat.
Benj : Ako talaga ?
Luke : Sige na.
Tumayo si Paulo pero nakita kong hinawakan ito ni Abby at may tila sinasabi na hindi umabot sa pandinig ko. Agad namang nagsikip ang dibdib ko sa eksenang iyon. Para kasing .. May sinabi din si Paulo kaya naman dahang-dahan na itong bumitaw.
Mikmik : Asyong, inumin mo to. Pampalakas ng loob.
Agad kong tinungga ang basong puno ng alak na inabot nito bago sinundan ang pumasok ng si Paulo.
BINABASA MO ANG
Love Song : Dylan ace
HumorKung mamimili ka ng Love song para sa special na tao .. Ano iyon at bakit ? This is Story One of a Series. Boys Point of View. Salamat sa pagtangkilik, Enjoy reading ! Kung mamimili ka ng love song para sa isang special na tao .. Ano yun at bakit ? ...