Chapter Five

13 3 2
                                    


Dylan Ace's Point of View ..

Jj : Walangya naman ! Kung magtira kayo ng kalaban, lima eh no !

Marr : Haha tanga kasi to si DA, pahamak bumato ng flash bomb sa harap namin ayun kami ang nabulag

Luke : Bobo eh ! Patay din tuloy ako

Sorry naman ! Bumanda kasi.

Jj : Pusang gala ! Walang dulot ! Ano bitbit ko kayong lahat ?

Benj : Kumusta naman yung nasa dulo ? Walang score haha

Luke : Nakapagtanim na sa B site, Bok.

Ayan na !

Marr : Headshot ! Nice one ! Tatlo pa, Bok !

Paulo : Re-rape in ka nila, Bok ! Ayan na !

Benj : Saksak hahahaha !

Napuno ng sigawan at tawanan ang Computer Shop ni Tita Rose ng mapatay ng kalaban si Jj sa nilalaro naming Crossfire.

Benj : Hanap pa tayo haha tabla lang eh tsk !

Luke : Isa pa ba ?

Marr : Taena, Jj ! Wag ka na mag facebook mala-lag pa tayo eh !

Jj : Ayoko na.

Nasundan ko ito ng tingin ng bigla na lamang tumayo matapos patayin ang PC at tuloy-tuloy na lumabas.

Paulo : Oh anyare dun ?

Marr : Tingnan mo nga Faceebook mo.

Luke : Pusang gala ! Kaya naman pala eh.

Agad akong nag Alt tab para makita ang ang ikinamura ni Luke.

Benj : Pusang gala nga ! Kailan to, DA ?

Shit ! Napamura ako ng makita ang FB status ni Mikmik, picture naming dalawa yun kanina ng magpasama siyang mamalengke at mag-aya ng selfie ! Ang pangit kanina ng picture na iyon eh pero mukhang mahusay ang babae sa pag-edit kaya ngayon ay na enhance ang picture at mukha talaga kaming .. Pusang gala !

Benj : Ang caption. Heart. Heart. Heart. Parang totoo ah ! Haha.

Tumayo ako at akmang susundan si Jj ng pigilan ako ni Luke.

Luke : Wag ngayon, Bok, baka magpang-abot lang kayong dalawa.

Marr : Oo nga ! Baka masuntok ka na nun.

Tsk ! Hindi, magpapaliwanag lang ako.

Luke : Hoyyyyy !

Marr : Ang tigas ng ulo ! Tara !

Benj : Teka ! May 15mins pa ko.

Paulo : Mas mahalaga ba yan kesa sa tropa ?

Benj : Sabi ko nga tatayo na eh.

Boooook ! Hintayin mo ko ! Jessie James ! Pre !

Jj : Wag mo kong tawaging 'Pre' dahil hindi tayo magkum-pare.

Bok naman !

Jj : Wag mo din akong tawaging Bok !

Benj : Syett ! Feeling ko nasa isa tayong teleserye na pang gabi. Haha ang drama nila.

Luke : Tumahimik ka diyan. Sisikuhin kita.

Benj : Haha easy ! Masyado kasi kayong seryoso.

Magpapaliwanag ako.

Jj : Anong dapat ipaliwanag ha, Dylan ?

Yun na nga eh. Wala kong dapat ipaliwanag sayo pero umaarte ka ng ganiyan.

Jj : Ako pa ngayon ang umaarte ha ?!

Marr : Easy lang .. Masyado kang mainit, Jessie.

Jj : Wala kang pakialam !

Marr : Aba't---

Paulo : Sshh, Bok. Hayaan mo na.

Wag mo silang idamay. Sakin ka galit di ba ? Bok, may .. Argh ! Hindi mo kasi maintindihan---

Jj : Pwes ! Ipaintindi mo sakin !

Luke : Ang mabuti pa, magpalamig na muna kayo baka sumabog na kayong pareho diyan.

Jj : Pusang gala !

Napabuntong-hininga na lamang ako habang sinusundan ng tingin ang tinotopak na kaibigan.

Samboy : Oh anyare sa isang yun ? Tapos na ba ang Clan War ?

Marr : Ang galing mo talagang t-um-iming.

Sam : Bakit ? Anong meron ?

Luke : Okay ka lang, Bok ? Hayaan mo na muna si Jj, makakapag-isip din yun.

Ano pa nga ba ? Na iintindihan ko naman siya pero hindi ako pedeng magsalita.

Sam : Heller ?! Pansinin niyo naman ako ! Nagtatanong ako kung anong nangyari ?!

Benj : Tara na nga ! Laro na lang ulit tayo.

Paulo : Tara ! Sa Crossfire natin ibuhos lahat !

Sam : Mga busett kayo ! Anong nangyayari ?!

Sabay-sabay kaming napalingon kay Samantha na bigla na lamang sumigaw.

Marr : Ang ingay grabe ! Ipapahuli kita sa Curfew !

Luke : Maglalaro kami, gusto mong sumama, Boy ?

Sam : Hindi niyo talaga sasabihin sakin kung anong nangyari ?

Hindi !!
Sabay-sabay na sagot ng mga kaibigan ko.

Sam : K, fine ! Maglalaro din ako. Libre mo ko Lukas.

Luke : What the ?!

Sam : May reklamo ?

Luke : Wala, sabi ko nga libre kita.

Napailing na lang ako habang sinusundan ng tanaw ang mga kaibigan na pabalik na sa Computer Shop ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Hello ?

"Ace ..".

Shit ! Napapikit ako ng mariin ng makilala ang boses nito at napatitig sa likod ni Paulo na ka-akbay si Benjamin.

"Pede ba tayong magusap ?".

Sige ..

Pinatay ko na ang linya matapos nitong sabihin kung na saan siya at naihilamos ko ang kamay sa mukha !

Kasalanan lahat ito ni Mikailllaaaaaa ! Buset !

Love Song : Dylan aceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon