Dylan Ace's Point of View ..Inilibot ko ang buong paningin sa loob ng McDonalds hanggang sa makita ko siyang nakaupo dun sa lamesang lagi naming pinagkakainan. Tsk ! This is it .. Nasasanay ka ng puntahan siya sa oras na gusto ka niyang makausap .. Anong kamartiran to, Dylan ? Naipilig ko ang ulo para mawala ang maliit na boses na gumugulo sa isip ko bago humakbang palapit dito.
Abigail ..
Abby : Ace .. Mabuti at nakarating ka.
Ngumiti ito pero yung tipong hindi man lang umabot sa magaganda niyang mata na tila galing sa pag-iyak.
Anong problema ? Umiyak ka na naman ba ? Inaway ka ba ni Paulo ?
Abby : Hindi. Hindi naman .. Nag dinner ka ba ?
Oo naman, kanina pa. Ikaw ba ?
Ngumiti ito pero umiling bago nagsalita.
Abby : Wala kong gana---
Teka ! Past nine na ah . O-Order lang ako.
Abby : Wag na, Ace.
But i insist .. Wait here.
Saglit ko itong iniwan at um-order ng light dinner para sa kaniya. Mabuti na lang din lamang at mabilis ang Service crew ng McDonalds kaya naman nakabalik agad ako sa kaniya.
Oh kaen ka na ..
Abby : Ikaw ?
McFlurry and Apple Pie ..
Abby : Hati na lang tayo dito sa Spag---
No, kainin mo yan. Ooppss ! Spag muna bago ice cream. Now, eat.
Tumitig lang ito sakin bago nakangiting kumain na. Yung totoong ngiti. Ilang minuto din bago nito maubos ang Spaghetti at nagsimula na ding kumain ng ice cream.
Abby : By the way, alam ba ni Kaila na kasama mo ko ?
Hindi ko nasagot agad iyon at tiningnan ko ang ekspresyon ng magandang mukha nito pero wala kong makita na pagseselos kaya naman ..
Oo, alam niya. Actually, nagpaalam ako sa kaniya at pumayag siya. Hindi lang siya nakasama kasi masama ang pakiramdam niya. ( Pero ang totoo, walang sakit ang Abnormal na babaeng yun. Sa katunayan, tuwang-tuwa pa siya ng malamang magkikita tayo ngayon )
Abby : Ah ganun ba .. M-Mabuti naman k-kung ganun ..
Bahagya itong yumuko kaya di ko nakita ang reaksyon nito dahil natakpan ng buhok nito ang mukha niya.
Ikaw ? Alam ba ni Paulo na magkikita tayo ngayon ?
Abby : Hindi. Hindi niya alam ..
Bakit ?
Abby : Dahil hindi ko sinabi sa kaniya.
Bakit ?
Abby : Dahil ayoko.
Bakit ayaw mo ?
Abby : Dahil ayoko !
Nagulat ako sa pagsigaw nitong iyon. Napatingin na din ang ilang customer sa kanila kaya naman napatahimik na lang ako. Ilang saglit din ang nagtagal bago ko marinig na muli itong nagsalita.
Abby : Anong nangyari satin Ace ? Anong nangyari .. ?
Daig ko pa ang nasaksak ng ilang libong beses sa tanong nito. Parang may pumipiga sa puso ko na siyang nagpapahirap saking paghinga at paninikip ng dibdib. Sa tono ng boses nito na puno ng pait at pagsisisi .. ? Tumikhim ako para tanggalin ang kung anumang bumara sa lalamunan ko ..
Abigail .. M-Meron bang tayo ?
Abby : Ace---
Don't ! I mean .. Wag mong pansinin ang tanong ko haha ! Nababaliw na ata ako ? Nahahawa na ko sa Girlfriend kong abnormal. Haaaaaaaay .. Ang gusto ko lang talagang sabihin, kung napapagod ka na mas tatagan mo pa. Darating yung panahon na matututunan ka ding mahalin ni Paulo hanggat na nanatili ka sa kaniyang tabi kaya ako na ang nakikiusap .. Wag na wag mong iiwan ang aking kaibigan, Gail ..
"Whaaaaaaat ?! Anong katangahan ang sinabi moooooo ?! Pusang gala !"
Halos mabingi ako sa sigaw na iyon ni Mikmik na nasa kwarto ko ng umagang iyon.
Mikmik : Puuuutek ! Hype na yan ! Ang tanga-tanga mo, Asyong ! Bobo ka talaga ! Busettt ! Pagkakataon mo na yun pero sinayang mo ! Tanga-tanga talagaaaaa !
Aray ! Aray ko masakit ! Bitawan mo ang buhok ko ! Isa, Mikmik ! Sasapakin talaga kita !
Mikmik : Taena ka ! San ka ba pinaglihi ng Nanay mo at ganyan ka katorpe ? Sa makahiya ba ? Nakuuuuuu ! Masasakal kita ! Pagkakataon mo na talaga yun eh pero pinakawalan mo ?!
Awwww ! Aray ! Ang sakit talaga ! Kung hindi ka lang babae nasapak na kita. Nahaplos ko ang anit dahil piling ko nabunutan ako ng maraming buhok mula sa pagsabunot ng babaeng parang baliw na nagsasalita na mag-isa habang pabalik-balik ng lakad sa harap ko.
Mikmik : Dapat talaga sumama ko kagabi eh ! Alam kong mangyayari yun kaso may tiwala ko sayo pero inatake ka na naman ng katorpehan na hype ka ! Busett ! Pusang gala talaga, Asyong ! Paano ba kita naging tropa ?
Ang sarap na almusal yang lumalabas sa bibig mo. Tsk !
Tita Rose : Anong nangyayari dito ?
Tanong nito mula sa bumukas na pinto ng aking kwarto.
Mikmik : Hehe sorry, Tita, maingay po ba ko ?
Tita Rose : Aynaku ! Kayong mga bata talaga .. Ang aga-aga. Bumaba na kayo at mag-almusal baka gutom lang yan.
Iyon lang at isinarado na ulit nito ang pinto.
Yan kasi ! Paniguradong papagalitan ako ni Tita mamaya ! Tsk ! Pahamak ka talaga kahit kailan Mikaila !
Mikmik : Tse ! Kung hindi ka gagawa ng paraan .. Pwes ! Ako ang kikilos !
Sows ! Pede ba tantanan mo na, Mikmik ? Nagugulo yung tahimik kong mundo ng dahil sayo !
Mikmik : Matagal ng magulo ang mundo mo ! Naki-Party lang ako hahahaha !
Napailing-iling na lang ako at tuluyan ng bumangon sa kama bago iligpit iyon. Nakapaghilamos at palit na din ako ng damit ng mamalayang di nagsasalita si Mikmik kaya nilingon ko ito. Nakaupo habang ngiting-ngiti na nakatitig sakin. Yung klase ng ngiti na una kong nakita nung may ginawa siyang kalokohan ng magkaklase kami nung Grade Five. Nakakatakot !
Ano na naman yang Evil plan mo ?
Mikmik : Wala ka na roon, magtiwala ka lang sakin kaibigan ! Sa pagkakataong ito ay walang masasaktan. Wahahahaha !
Pero wala kong tiwala sayo.
Mikmik : Malas lang ! Bwahahahaha !
Hoy teka ! Bumalik ka dito ! Tantanan mo yang plano mo ha ?! At wag mo kong ubusan ng almusal !
Mikmik : Whatever !
Aysus ginuo ! Ang sakit sa ulo magkaroon ng kaibigang baliw !
Mikmik : Narinig ko yun ! Torpedo !
BINABASA MO ANG
Love Song : Dylan ace
HumorKung mamimili ka ng Love song para sa special na tao .. Ano iyon at bakit ? This is Story One of a Series. Boys Point of View. Salamat sa pagtangkilik, Enjoy reading ! Kung mamimili ka ng love song para sa isang special na tao .. Ano yun at bakit ? ...