Dylan Ace's Point of View ..Boy, sa isang araw na birthday mo ah.
Samboy : Oo nga eh. Tatanda na naman ako.
Ilang taon ka na ba ?
Sam : Seventeen.
Lol ! Seventeen mo mukha mo ! Nag debut ka na last year di ba ? Eh di nineteen ka na !
Sam : Engot mo talaga no ? Alam mo naman pala nagtanong ka pa.
Naninigurado lang. Haha so, anong balak ?
Sam : Sa bahay pa din at tayo-tayo pa din. Dalhin mo gitara mo ha ? Para naman makapag-jamming tayo, miss ko na yung mga kantahan natin nung high school.
Yeah ! Ako din haha. Tsk ! Parang ang tagal na nating di nagawa yun simula nung magwala yung kambal mong si Mikmik. Haha di ko makalimutan yun ! Winasak niya yung gitara ni Jj. Bakit nga pala tinopak yun dati ?
Sam : Aba malay ko ?
Asus ! Ayaw pang sabihin. After nun, bigla na lang nawala si Mikaila pero kalaunan nagbalik loob din tapos nanggugulo na naman. Haaaaynaku !
Sam : Haha lalim nun ah ? May problema ba ?
Iniisip ko kung kailan kami magbe-break ni Mikmik para naman maging okay na kami ni Jj.
Sam : Bakit, magkaaway ba kayo ?
Hindi naman pero alam nating lahat na may gusto siya kay Mikmik di ba ? In denial lang siya tapos ngayon ay di ako kinikibo kasi nagseselos. Cold war kami ngayon.
Sam : Ahhhh haha oo nga. Yun pala yun.
Oo, yun na.
Sam : Affected ka ?
Oo naman ! Kaibigan ko yun eh tsk !
Sam : Ang ibig kong sabihin kung affected ka pa din ba kina Paulo at Abigail ?
At paano sila nasingit sa usapan ?
Sam : Tinatanong kita kaya sagutin mo.
I don't know .. Two months and six days na silang mag-on at mukhang okay na sila. Masaya naman ako para sa kanila.
Sam : Ang plastik mo ! Pero in fairness ah ! Bilang na bilang mo haha ! Engot ka kasi eh. Sayo na pinamigay mo pa.
Hayaan mo na nga ! Isa ka pang makulit eh ! Okay sila ! Tapos ! Wag na nating guluhin ang kung anumang meron sila ..
Sam : Hindi ko alam kung torpe ka or sadyang Tanga lang ? Pero thumbs up ako for sacrificing your feeling to obtain the friendship you have for them.
Naks ! English ! Bakit di ka mag-call center ?
Sam : Gago ! Seryoso ko at tiyaka masyadong maganda ang mga mata ko para matakpan lang ng eye bag !
Haha grabe ! Bigla atang lumakas ang hangin ?
Sam : Wag ka ng kumontra.
Hahaha sabi ko nga eh.
Sam : Anyway .. May kilala ka bang Sophia ?
Hmm wala eh.
Sam : Sure ka ? Wala kang matandaan na pinakilalang babae ni Paulo na Sophia ?
Oh ano namang meron dun ?
Sam : Tanong ko, tanong mo din eh no ? Hindi ba pedeng tanong ko, sagot mo ?
Haha sorry .. Malay ko ba ?
Sam : Oh ano meron ba ?
Wala ! Pero Sophie meron.
Sam : Sino naman yun ?
Bakit mo ba tinatanong ha ?
Sam : Basta ! Sagot ?!
Siguro may pinaplano na naman kayo ni Mik---aray ! Bakit mo ko binatukan ?
Sam : Ang dami mo kasing satsat ! Sino yung Sophie at saan ko siya makikita ?
Kunot-noo ko itong pinagmasdan. Nandidilat ang mga nagbabantang mga mata nito kaya napabuntong-hininga na lamang ako.
Sam : Ano na ?
Si Sophie, ex ni Paulo .. At pinsan siya ni Abby.
Sam : Whaaaaaaat the Fudge ? Di nga ?!
BINABASA MO ANG
Love Song : Dylan ace
HumorKung mamimili ka ng Love song para sa special na tao .. Ano iyon at bakit ? This is Story One of a Series. Boys Point of View. Salamat sa pagtangkilik, Enjoy reading ! Kung mamimili ka ng love song para sa isang special na tao .. Ano yun at bakit ? ...