Mikaila's Point of View ..
Engot-engot talaga yun si Asyong ! Biruin mo pagkakataon niya na pinalampas pa ! Kung hindi ba naman tanga ! Hahaha ! Kabusett eh !
Paulo : May sapi ka na naman ba, Boy ?
Mukha bang meron ?
Paulo : Haha medyo ? Akala ko nga inoorasyunan mo na ko eh kasi bulong ka ng bulong. Hahahaha !
Oo. Tama ka ! Pero mamaya na kasi may kailangan pa ko sayo ..
Paulo : Eto naman di na mabiro .. Haha. Ano ba yun ?
May ginagawa kasi akong story sa Wattpad pero wala pa kong maisip na plot sooooo .. Pede ba kitang ma-interview para maging Hero ko ?
Paulo : Aysowsss ! Wala ka na namang magawa no ? Bakit kaya hindi ka na lang maghanap ng trabaho---
Gusto mong paslangin kita ? Eh tamad pa ko .. Wala pa ko sa huwisyo para maghanap ng trabaho, pakielam mo ba ?
Paulo : Sabihin mo nakaasa ka sa magulang mo. Well, parehong government employee naman kaya tinatamad ka.
Buti alam mo ! May sense ka din eh no ? Haha. Ano kaya kung gawin na lang kitang kontrabida na papatayin ko in a morbid way ?
Paulo : Grabe siya oh ! Sige na payag na ko, pang Hero material naman talaga ako eh. Hahaha.
Oo, mukha ka lang talagang manyakis.
Paulo : Nagbago na ko ah !
Kailan pa ?
Paulo : Abay matagal na ! Haha
Dahil ba kay Abby ? Ano kaya kung story niyo na lang yung isulat ko ?! Tama ! Para hindi na ko nag-iisip.
Pansin kong natigilan ito ngunit umiling-iling.
Paulo : Hindi siya ang dahilan ..
Owwwwwws ? Talaga ? Eh sino ?
Paulo : Teka nga. Kung papayag ba kong gawan mo ko ng istorya, paano ko makakasiguradong safe ang profile ko ? I mean .. Privacy ? Na hindi malalaman na kwento ko yun ?
Una syempre, papalitan ko yung mga characters name niyo. Then, yung mga secondary info, papalitan ko din. Totally papalitan lahat ! Kaya parang role model ko lang kayo. Pak ! Ganern !
Paulo : Okay. Gets ko na at payag na din ako .. Pede bang sakin na din manggagaling ang happy ending ?
Wow ! Hahaha ! Ikaw ba talaga si Paulo ? Naniniwala ka sa happy ending ?
Paulo : Naman ! Tingin mo sakin taong bato tulad ni Luke at Jomar ? Haha may kilig bones din naman ako, Boy ! Pero hindi ako naniniwala sa Forever kasi walang forever ! Haha. Lifetime at infinity pede pa.
Ewww ! Ang korni mo !
Paulo : Wow ha ! Coming from you ? Hahaha
Tse ! Sige na. Tapusin na natin to at ng masimulan na .. Paano ba kayo nagkakilala ni Abi---
Paulo : Wait ! Iba ang heroine ko, hindi si Abby.
Ang arte ! Daming demand ha---wait ! What ? Hindi si Abby ang heroine mo ? Eh sino ? At bakit ? Samantalang si Abby ang girlfriend mo.
Paulo : Mahabang istorya ...
Uy ! Gusto ko yan, so, paano nga kayo nagkakilala ni Abigail ? And whose the third party ?
Paulo : Haha ang weird mo talaga. Matagal ka kasing nawala sa sirkulosyon namin at may bago kang tropa kaya wala kang alam samin---
Shut up ! Wala kang alam kung bakit ako nagpamiss sa tropa haha. So, kwento mo or kwento ko ang pag-uusapan natin ?
Paulo : Eto na nga eh. Yes, Abigail is my girlfriend pero---
Teka ! Teka ! Di pa ready ang phone ko ! Haha ayan ! Game.
Paulo : Ano yan record ? Hindi mo ita-type ?
Hindi na. Mamaya ko na ita-type pag sisimulan ko na yung story at para mas safe dun ko sa kwarto ko gagawin.
Paulo : Sure kang hindi makakalabas iyang record ?
Yeah ! Sure na sure !
Paulo : oh well .. May tiwala naman ako sayo, alam mo na ang mangyayari kapag nakalabas yan.
Oo naman. So, go ! From the top ..
Paulo : Okay. Mahabang istorya ito pero sisimulan ko kung paano kami nagkakilala ni Abigail .. At dahil iyon kay Dylan.
BINABASA MO ANG
Love Song : Dylan ace
HumorKung mamimili ka ng Love song para sa special na tao .. Ano iyon at bakit ? This is Story One of a Series. Boys Point of View. Salamat sa pagtangkilik, Enjoy reading ! Kung mamimili ka ng love song para sa isang special na tao .. Ano yun at bakit ? ...