Dylan Ace's Point of View ..
Kung panaginip lang ito, parang-awa niyo na ! Wag niyo kong gisingin !
Ramdam ko ang pagkirot ng ulo ko sa hang-over, nanunuyo din ang lalamunan ko at .. Ang paglapat ng malambot na bagay sa labi ko ? Kaya naman napamulat ako at makita ang nakayukong si Abigail na hinahalikan ako ? Whaaaat the---
Abby ?
Nanlaki ang mga mata nito at agad napatayo palayo sakin---
Awwww !
Abby : Oooops ! Sorry ..
Nasapo ko ang ulong bumagsak mula sa kandungan nito at umikot para makabangon ng ..
Abby : Aww shit !
Aray ! Naku--Sorry ! Sorry !
Na out balance ito at napaupo sa harap ko ng magkabungguan kami ng akma itong lalapit sakin.
Sorry ! Hindi ko sinasadya .. Okay ka lang ba ?
Abby : O-okay lang .. Aww ..
Damn ! Wait here kukuha lang ako ng ice sa baba--
Abby : No need .. I'm fine, really. Lasing ka pa ata eh ?
Pinigilan ako nito sa pagtayo kaya naman magla-level na ang mga mukha namin.
Hindi---
Pusang gala ! Natakpan ko ang bibig at napalayo dito.
Abby : Bakit ? Nasusuka ka ?
Umiling ako at alanganing napangiti. Ang ganda pa din niya kahit namumula ang nakakunot nitong noo.
Abby : Eh ano ? Okay ka lang ba talaga ?
O-Oo.
Abby : Bakit ka nakatakip ng bibig ?
B-Bad breath ako eh.
Bigla naman itong tumawa at ang mas ikinagulat ko pa ay ng lumapit ito upang yumakap sakin.
Abby : Wala akong pakielam .. Mahal kita kahit bad breath at mabaho ka pa.
Wait---What ? Pakiulit yung sinabi mo ?
Abby : Na mabaho ka ?
No. Hindi, yung---
Abby : Na mahal kita ?
Di ko alam kung anong mararamdaman habang nakatitig sa maganda nitong mukha kaya naman bahagya na lamang akong napatango.
Abby : Let settle this .. You and me. Nung sa Hospital, sa totoo lang nasaktan ako ng malaman ko iyon. Nakipagsabwatan ka---
Si Mik---
Abby : Ssshh ! Patapusin mo muna ko.
Nagkibit-balikat ako bilang sagot dito.
Abby : Nasaktan ako. Naguguluhan. Yung gabing iyon parang roller coaster .. Sobrang saya at sobrang sakit. Masaya kasi umamin kang mahal mo ako, masakit dahil di ko alam kung totoo ba yun or na challenge ka lang or na aawa sa sitwasyong meron ako dahil ginawa akong panakip-butas ni Paulo--
Kasi--
Abby : Isa.
Okay-okay. Sorry ..
Abby : Yun na nga .. Akala ko pagkaawa lang sakin yung pagmamahal na meron ka. Na sasaktan ako hindi dahil kay Pau, actually, ginawa ko lang excuse yun para makasama ka .. Tulad ng dati. Nung naging kami kasi feeling ko iniiwasan mo na ko, kaya naman gumagawa ako ng paraan para mag away kami. Tsk ! Nung maka-graduate tayo ng High School may iba na kong nararamdaman nun para sayo .. Katulad mo ay takot din akong mawalan ng kaibigan na tulad mo kaya hindi ko p-in-ursue ang nararamdaman ko. Takot akong mawala ka sakin .. Isang linggo akong nag-isip, gusto kong makasiguro na tama ang gagawin kong hakbang. Isang linggo din akong naghintay sayo pero ..
Mas pinili kong magmukmok. I'm sorry ..
Dugtong ko sa sinasabi nito.
Abby : Alam mo, swerte ka.
Paano mo nasabi ?
Abby : Kasi may mga kaibigan kang tunay .. Handa silang tumulong para maging masaya ka---.
Akala mo lang yun. Mga pahamak sila ! Lalo na sina Mikmik at Sam---
Abby : Haha ! Gusto nilang maging masaya tayo.
Natahimik ako at pinagmasdan siya. Ang kislap ng mga mata nito at ang ngiti sa labi ..
Pasensya ka na kung torpe ako. Wala eh. Nung nagsabog ata ng lakas ng loob, nakatulog ako.
Tumawa lamang ito. Tawang naghahatid ng kapanatagan at kiliti sa dibdib ko.
Mahal na mahal kita, Abby. Uulitin ko, hindi bilang kaibigan. Handa akong labanan ang pagiging torpedo ko mapatunayan lamang iyon. Yung tungkol kay Mikaila, totoo yun pero hindi katulad ng iniisip mo .. Hindi ko ginustong agawin ka kay Paulo at lalong HINDI awa yung nararamdaman ko para sayo. Mahal kita sa totoong kahulugan niyon. Patawarin mo ko kung nasasaktan man kita ng hindi ko sinasadya .. Sa paghihintay mo .. Babawi ako sayo pangako.
Abby : Talaga ?
Imbis na sumagot ay hinapit ko ito at mariing hinalikan sa labi, binitawan ko siya ng halos pareho na kaming kapusin ng hangin bago pinagdikit ang mga noo namin habang sapo ko ang mukha nito.
Talagang-talaga.
Abby : i love you
I love you more, Sweety.
Ngumiti ito tanda ng pagtitiwala sa mga sinabi niya at sa tingin ko ? Sa pagkakataong ito mas magiging matatag na ang pagmamahalan na meron kami. Teka .. Anong-- ??
Bakit nasa labas to ? What theee--si Paulo talaga !
Mabilis kong dinampot ang mga picture na pinakatago-tago ko !
Abby : Hahaha ! Nakita ko na lahat yan .. May pagka-stalker ka pala no ? Puro snap shot lahat yan ..
Tsk ! Na saan na yung pesteng yun ?! Pakielamero talaga !
Abby : Umalis na .. Paniniguradong pinuntahan niya yung babaeng mahal niya.
Natigilan ako sa pag-iimis at napasulyap dito.
Mahal na mahal kita.
Abby : Alam ko. Haha sinabi mo na yan kanina eh.
At di ako magsasawang sabihin iyon sayo.
Abby : Awww sweet ! Halika dito, yakapin mo ko. Haha.
Mabilis akong lumapit dito at yumakap.
Abby : Uhmmmm ! Ang korni mo mahal ko.
Haha tsk ! Korni pala ha ?
Abby : Aaaaay ! Isa Ace ! Tigilan--ano ba ?! Sasakalin kita haha.
Tumigil ako sa pagkiliti dito at buong pagmamahal itong tinitigan.
Eto na siguro ang Happy Ending ko.
Abby : Happy lang, walang ending.
Awwww ! Ang korni ! Duhhh !
Abby : So gay ! Haha ! Korni pala ha ?
Isa--Abby !
**The End
🎶🎵🎤🎶🎵🎤🎶🎵🎤🎶🎵🎤🎶🎵
HALAGA by Parokya Ni Edgar
Original Pinoy Music 😘😍😄😊
BINABASA MO ANG
Love Song : Dylan ace
HumorKung mamimili ka ng Love song para sa special na tao .. Ano iyon at bakit ? This is Story One of a Series. Boys Point of View. Salamat sa pagtangkilik, Enjoy reading ! Kung mamimili ka ng love song para sa isang special na tao .. Ano yun at bakit ? ...