Samantha's Point of View ..
Napaka-Jerk talaga niyang si Paulo !
Mikmik : Pero hindi na ngayon. Ganyan na ganyan din ang iniisip ko sa kaniya nung una pero ngayon ay iba na. Na misjudge natin siya, alam mo yan, pero after ko siyang ma-interview .. Aminin mo, Boy, gentleman siya di ba ? Di niya lang pinapakita satin .. At ngayon ..
Nakakaawa siya.
Mikmik : Right ! Pero di niya daw kailangan ng awa ! Ngayon lalo akong naguguluhan ! Haha nahahati ako ! Sino ang pipiliin ko ? Ikaw ba na pangarap kooooo o siya baaaa ?! 🎤🎶
Haha gaga ! Tsk ! Mahihirapan nga tayo. Hmmm pareho natin silang tropa. Sooooo ..
Mikmik : May solusyon naman eh ! Actually, mas gumaan nga sa part natin. Feeling ko lang hehe. Kaso mas naging komplikado lang.
Feeling mo lang yun, Boy ! Ang sakit sa bangs !
Mikmik : Pfft ! Wala kang bangs, assuming ! Anyway .. Mas magaan sa part natin kasi nga hindi na tayo makokonsensya if ever na mapaghiwalay natin sila ni Abigail. PERO ! Kailangan nating mahanap yung babae.
Hmmm. May point ka ! Pero saan namang lupalop natin hahanapin yung babae, aber ?! Ni hindi nga pinakilala satin yun ni Pau !
Mikmik : Sakin hindi eh sa inyo kaya ?
Kay Benj ! Oo, tama ! Kay Benjamin, yun ang madalas kasama ni Paulo baka naipakilala niya iyon kay Benj !
Mikmik : Diyan na papasok ang mga What if's ? What if hindi din alam ni Benj ? Ginamitan ko na ng taktika kanina si Pau pero wala ! Ayaw niyang sabihin kung saan ko makikita yung babae para ma-interview .. Sabi pa niya hayaan ko na daw kasi na nanahimik na daw kasi yun pero tingin ko inii-stalk niya pa din yung girl hahaha ! Kaya bantayan mo ding maigi ang isang iyon para mahanap natin agad ..
Okay. Eh what if hindi natin mahanap ?
Mikmik : Yun na nga ! May tendency na totoong ma-in love si Pau kay Abby pag nagtagal pa ! Juice colored ! Paniguradong luluha ng dugo si Asyong !
Nakuuu ! Tanga-tanga din kasi nitong si Asyong eh chance niya na yun pero---
Mikmik : Pero kaibigan niya si Paulo.
Yun lang .. Bakit naman kasi may nararamdaman na itinaboy niya pa sa iba tapos ngayon tunganga at hanggang tingin na lang siya.
Mikmik : Baka takot ma-friendzone ?
Bigla kong napangisi at napasimangot ito ng mapagtanto ang sinabi
Ayiiie ! May na alala ka no ?
Mikmik : Shut up ! Just a slip of a tongue.
Aysowwwwws ! Alam mo---
Mikmik : Tumahimik ka na diyan kung ayaw mong sipain kita.Sabi ko nga eh. Anong plano ?
Mikmik : Hayyysst ! Tumatak kasi yung sinabi ni Pau, 'Lalaki lang ako at nagbago na. Humihina ang puso ko sa mga babaeng umiiyak'.
Hindi ko narinig yan ? Naku ! Delikado nga si Asyong !
Mikmik : Nakadikit na nga yung cellphone ko sa tainga mo eh tsk !
Hindi pedeng babagal-bagal. Ano nang plano ?
Mikmik : Libangin mo yang apat. Ako ng maghahanap dun sa babae.
Teka ! Dumadami ata ang gawain ko ?
Mikmik : Oh sige ako ang maglilibang dun sa apat. Ikaw ang maghanap dun sa babae.
Hindi na oy ! Ako ng bahala sa apat kesa hanapin yung di alam kung sino ang hahanapin or worst, yung ayaw magpahanap.
Mikmik : Kitams ! Naisip mo din yun.
Syempre ! Magaling ako eh haha. So, ano daw pangalan nung babae ?
Mikmik : Sophia daw eh ?
BINABASA MO ANG
Love Song : Dylan ace
HumorKung mamimili ka ng Love song para sa special na tao .. Ano iyon at bakit ? This is Story One of a Series. Boys Point of View. Salamat sa pagtangkilik, Enjoy reading ! Kung mamimili ka ng love song para sa isang special na tao .. Ano yun at bakit ? ...