Chapter Three

11 3 0
                                    

Jj's Point of View ..

"Sabi ko naman sayo, Bok. Bumili ka na din ng motor para naman maging gwapo ka sa paningin niya".

Napailing na lamang ako sa sinabi ni Dylan Ace habang sinusundan ng tingin ang papalayong dalaga na umangkas sa motor na sumundo dito.

Tsk ! Hindi na kailangan, Bok, masyado na kong gwapo baka masapawan kita kawawa ka naman. Haha ! Gusto ko pantay lang tayo.

DA : Hanep ! Bilib talaga ko sayo. Tropa talaga tayo !

Walang iwanan ! Hahaha

DA : Oo, walang iwanan pero magseryoso tayo, Bok. May gusto ka ba sa kaniya ?

Wala ah ! Tsk ! Hindi kami talo kasi magto-tropa tayo.

DA : Huweeee ? Di nga, Bok ? Wala kang gusto sa kaniya ?

Wala nga ! Bakit ba ang kulit mo ?

DA : Eh bakit defensive ka ?

Kasi ang kulit mo. Paulit-ulit ? Paulit-ulit ? Ikaw kaya ang tatanungin ko. May gusto ka ba sa kaniya ?

Matagal itong natahimik kaya bahagya kong siniko ang balikat nito.

Hoy ! Dylan Ace ?! Sumagot ka.

DA : Bakit galit ka ? Na nanakit ka pa tsk !

Hindi ako galit. Nagtatanong lang at ang tagal mo kasing sumagot akala ko naging bato ka na. So, ano ? May gusto ka sa kaniya ?

Tila nag-isip pa ito at parang nakikipagtalo pa sa sarili bago tumikhim at sumagot.

DA : Wala ah. Weird masyado yun at abnormal. Di ko ma-reach ang takbo ng utak niya kaya di mo kailangang magselos sakin, Bok.

Gago !

DA : Haha denial !

Ewan ko sayo, abnoy ! Makapunta na nga lang sa court baka may kalaban dun, wala pa naman akong pang piso net.

DA : Great escape, Bok ! Wag kang mag-alala ! Iba ang type ko ! Hahaha

Hulol ! Diyan ka na !

Napalatak na lang ako at iiling-iling na naglakad papuntang basketball court.

Ako may gusto dun sa babaeng iyon ? Malabo .. Bukod sa madaldal, topakin at makulit ay ayaw ko ng pakialamera. Lahat na lang gustong pakialaman nun. Exact opposite ko siya kaya malamang na lagi kaming mag-aaway or gulo lang kung sakaling magiging kami. Mas mabuti na yung tropa lang para hindi kami humantong sa tagpong mag-iiwasan kami sa bandang huli.

"Anong binubulong-bulong mo ?"

Pusang gala ! Bakit ka ba nanggugulat ?!

Samboy : Heller ?! Kanina pa kaya ko sa tabi mo ! Teka .. Nakita mo ba si Asyong ?

Sinong Asyong ?

Sam : Si Ace ! Si Dylan Ace. Nakita mo ?

Nasa computer shop. Nakatambay.

Sam : Okay, salamat. Ge, ituloy mo na yang pagbulong-bulong mo para isipin ng tropa na may saltik ka na.

Haha Lol ! Ge, magsama-sama kayong mga abnoy.

Sam : Nagsalita ang hindi abnormal !

Love Song : Dylan aceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon