Chapter Seventeen

11 3 2
                                    


Dylan Ace's Point of View ..

Matapos kausapin si Dr. Fuentes ay agad kaming pumunta sa kwartong pinaglagyan kay Mikmik. Natawagan ko na din ang mga magulang niya at ilang mga kaibigan namin kaya naman kabadong kumatok sa pinto ng kwarto kasama si Abby na nanatiling tahimik lamang.

Tita .. ?

Tita Mae ( Mama ni Mikaila ) : Oh Dylan, pasok ka. Salamat nga pala sa pagtawag.

Tinanguan ko ito. May bakas ng pag aalala ang mukha nito pero na nanatiling kalmado at nakangiti.

Tita Mae : Okay na siya. Natutulog lang talaga ang isang iyan tsk ! Puyat kasi ng puyat pero sabi ng Doktor wala naman masyadong pinsala maliban sa ilang gasgas at pasa sa braso, pati na ang maliit na sugat sa noo.

Hayyy ! Kinabahan talaga ko kanina sa tawag na iyon ng Doktor, Tita ! Si Abby nga po pala, girlfriend ko po.

Abby : Good evening po.

Tita Mae : Good evening din, nice meeting you .. Pasensya ka na kung medyo awkward yung lugar haha tsk .

Abby : Okay lang po, kaibigan ko na din po kasi si Kaila ..

Ngumiti lang si Tita Mae dito.

Nag panic po talaga ako kanina---Sino po yan ?


Tanong kong makita ang isang bulto na nakaupo sa tabi ng Hospital bed ni Mikmik at nakatalungko habang hawak ang kamay ng babae. Mukhang nakatulog din ang isang ito. Pansin ko ang ilang gasgas sa braso at benda sa ulo nito.

Tita Mae : Ahh si----

Samboy : Booooooyyy ! Wag mo kong iwan ! Biiiiwaaaaan !

Dire-diretsong sigaw ni Sam, kasunod ang mga kaibigan namin na napahinto ng makita kami at parang robot na sabay-sabay napatingin sa magkahawak naming kamay ni Abby.

Benj : Marr, suntukin mo nga ko. Totoo ba tong nakikita ko ?

Marr : San mo gusto kitang suntukin ? Sa mukha o sa sikmura ? Malakas o mahina ?

Luke : Congrats, Bok.

Pero matalim na tingin naman ang nakuha ko kay Jj at iling ang kay Paulo.

Sam : Biiii---Sino ka ?


Napabaling ang tingin naming lahat kay Sam na nakalapit na sa higaan ni Mikmik at nakatitig sa lalaking nagising na. Napa-ismid lang ang lalaki at tiningnan kami isa-isa.



King : Hindi ako sinuka at ang ingay mo. Im King Monteverde, Boyfriend ako ni Mikaila.

Tall, Dark, and Handsome. Hindi ako bakla ha ? Pero nakaramdam ako ng insecurities ng tumayo ito. Halos kasingtangkaran namin ito, may magandang pangangatawan na may morenong kulay. Sa aming anim ang masasabi kong pinakalamang sa kagwapohan ay si Paulo pero sa isang ito .. Tsk ! Hindi man lang nakabawas ang benda sa ulo nito at gasgas sa kanang pisngi. Napahawak tuloy ako ng mahigpit sa kamay ni Abby na may pagtataka sa mukha pero nandun ang kislap sa mga mata na parang alam niya kung anong iniisip ko.

Sam : Whaaaaat ?!

Sigaw ni Sam at singhapan naman ang tanging maririnig mula samin hanggang sa putulin ng tawa ni Tita Mae ang mahabang katahimikan na bumalot.



Tita Mae : King, tsk ! Naughty Boy .. Anyway, this is Mikay's Squad.



Mikay .. Yeah ! Si Tita Mae lang ang natawag ng ganun kay Mikaila.


Tita Mae : Si Samantha, best friend niya. Si Luke, Paulo, Jomar, Benjamin, Jessie James, Abby at Dylan Ace.

King : Dylan Ace ..

May animosity sa pag-ulit nito sa pangalan ko kasabay ng pag-angat ng gilid ng labi nito.


King : The pretend boyfriend.


Tita Mae : What ?

Sam at Paulo : Syett ! Pusang gala !


Abby : Anong pretend boyfriend ?


Napalunok ako ng masalubong ang pagdududang tingin nito at ilang pagtataka mula sa mga kaibigan. Shit ! Di ko pa nga pala naipaliwanag sa kaniya ang tungkol samin ni Mikmik ! Baka---



King : Pretend Boyfriend siya ni Mikay, hiningi ni Mikay ang tulong niya para maitaboy ako kapalit niyon ay makuha ang babaeng gusto niya.



No ! Ano bang pinagsasabi mo ?


Di ko napigilang sigaw kasabay ng dahang-dahang pagbitaw ng kamay ni Abby sakin. Nanunumbat, pagkalito at galit ang nakita kong nakalarawan sa mga mata nito kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata nito na tumarak sa dibdib ko.


Shhh ! Abby, hindi---


Jj : Totoo ba ? Totoo bang sinabi niya na pretend boyfriend ka ni Mikmik ?



Luke : Bok, wag muna ngayon--



Abby please .. Let me explain.



Abby : Totoo bang nagpapanggap kang Boyfriend ni K-Kaila ?



Marahas akong napahinga at naihilamos ang kamay sa mukha ! Damn ! Eto na naman ..


Y-Yes but---



Abby : Ang sama mo !



Abby ! Teka---



Paulo : Stay here. Ako na munang bahala sa kaniya.



Napatigil ako sa paghabol ng humarang ito.



Paulo : Explain mo sa kanila, tatawagan na lang kita.



Iyon lang at wala na kong nagawa kundi sundan ito ng tingin habang hinahabol si Abby sa Hallway ng Hospital.



Tita Mae : Ano bang nangyayari mga bata ?



Napabaling ako dito at sa mga kaibigan na naiwan. Kay King na may nakakainis na ngisi sa mukha at kay Mikaila na walang kamuwang-muwang sa nangyayaring gulo ..



Love Song : Dylan aceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon