Chapter Nineteen

10 3 2
                                    


Abby's Point of View ..

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, pinaghalo-halong kaba, pag-aaalala, takot, inis .. At pagsisisi.

Oo, pagsisisi kapag may nangyaring masama kay Ace tanging sarili ko lamang ang sisisihin ko dahil hindi ko siya agad pinuntahan. Tinawagan na ko ni Samantha kahapon, nakiusap na kausapin ko na si Ace dahil tatlong araw na siyang naglalasing ..

Sam ..

Please, Abby. Pakinggan mo na muna ang paliwanag niya, di ko man gustuhin pero na aawa na ko sa kaniya, sa pagiging miserable niya. Mahal na mahal ka ng kaibigan ko kaya naman ako na ang nakikiusap sayo .. Alam mo naman yun si Asyong, hindi kikilos yun. Masyadong mahina ang loob na makipagsapalaran sa larangan ng pag-ibig. Korni mang pakinggan pero iyon ang totoo ..

Hindi lang si Sam ang tumawag, pati sina Luke, Paulo at Benj ay nangungulit na hindi ko sinagot. Ngayon lang at mukhang mahuhuli pa ata ako. Wag naman po niyong ipahintulot ..

Manong sa tabi lang !

Pagpara ko sa tricycle driver at saktong huminto naman sa tapat ng gate kung saan nakita kong pabalik-balik ng lakad si Paulo na hindi maipinta ang mukha at halatang balisa. Matapos magbayad ay agad kong nilapitan ito.


Paulo ! Si Ace ? Anong nangyari ?

Paulo : Finally, your here !

Pinagbuksan ako nito ng gate at inalalayang makapasok.

Na saan si Ace ? Si Tita Rose ?

Paulo : Umalis si Tita Rose, naburyo na ata kay DA kaya ako ang naiwan sa kaniya .. Lasing na lasing na naman eh tapos biglang nag collapse ! Natatakot na nga ko---watch your step. Yun na nga biglang nawalan ng malay at natumba ! Di ko alam ang gagawin kaya tumawag na ko ng makakatulong sa pagdala sa kaniya kaso ikaw ang nauna .. Kaya ba natin siyang buhatin ?

Inaalalayan pa din ako nito paakyat ng hagdan patungo sa kwarto ni Ace.

Oh my--Ace !

Sigaw ko ng makitang nakabulagta ito sa sahig ng magulong kwarto niya, agad akong lumuhod at inalalayan ang ulo nito pero wala pa ding malay ng ..

Paulo : Sorry, Abby ! I lied ! Hahaha !

What the--? Paulo, saan ka pupunta ?! Tulungan mo ko.

Sinarado nito ang pinto at narinig ko pa ang pagtawa nito sa likod.

Paulo : Tsk ! Don't panic, By. Nakatulog lang yan sa kalasingan at pag-ngawa si DA, hehe sorry nagsinungaling ako .. Ayaw mo kasing sagutin mga tawag namin soooo .. Yan !

Loko-loko ka talaga Paulo !

Sigaw ko pero nakahinga ako ng maluwag at napapailing na tinitigan ang haggard ng mukha ni Ace. Nangingitim ang paligid ng mga mata nito, magulong buhok at umaalingasaw ang amoy ng alak sa buong katawan. Nailibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto nito, makalat ! Puro papel, cd's, bote ng alak at .. Picture ? Marahan kong ibinaba ang ulo ni Ace at pagapang na lumapit sa mga tumpok ng picture's na kumalat na din.

Napasinghap ako sa nakita ! Parang may pumiga sa puso kasabay ng malayang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko ng makita ang iba pa .. Tsk ! Dylan Ace talaga ! Lagi mo na lang akong sinosopresa ..

Paulo : By, alam ko hindi ko dapat sabihin to pero torpe talaga yan si Dylan Ace. Kanina ko lang din nakita yang mga picture na yan .. Haha mahal na mahal ka talaga niya mula pa nung una .. Haaaay !

Napakagat ako ng labi upang pigilin ang paghikbi ..

Paulo : May sikreto akong sasabihin .. Errr ginamit lang kita. Sorry ! Sorry ! Kasalanan ko talaga kung bakit kayo nagkagulo ni DA, nag take advantage ako sa sitwasyon .. Mali talaga ako tapos nandamay pa. Nung pinakilala ka ni DA sakin, sabihin na nating mayabang ako pero alam kong may gusto ka sakin hehe kaya niligawan kita kahit alam kong may pagtingin sayo si DA ng higit pa sa pagkakaibigan .. At ganun ka din di ba ? Ramdam kong nagdalawang isip ka ng sagutin mo ko pero wala kang magagawa dahil kaibigan ako ni DA at hindi ka din sigurado sa nararamdaman mo para sa kaniya .. Akala ko pipigilan ako ni DA nun pero hindi kaya mas naging magulo ..

Tama .. Ang gulo. Napangiti ako ng damputin ang unang picture namin ni Ace nung Third year high school pa lang kami. Yung unang araw na alam ko sa sarili ko na magiging komplikado kung magkakagusto ako sa Best Friend ko. Pareho lang pala kami.

Paulo : Sa dalawang buwan na meron tayo, alam kong sinubukan natin di ba ? Pero hindi talaga umubra .. May mahal kang iba at ganun din ako. Hanggang nagkalakas loob si DA pero bitin naman ! Haha engot talaga ! Tsk ! Sorry talaga Abigail .. Sa lahat ! Pero pede humingi ng pabor ? Pagtiyagaan mo ang pagiging torpe ng kaibigan kong yan .. Mahal na mahal ka kasi niyan, alagaan mo siya, intindihin at mahalin.

Hindi mo na kailangan pang sabihin yan ,Pau, dahil mahal na mahal ko siya at handa kong gawin ang lahat para sa kaniya.

Paulo : Salamat kung ganun.

Teka, Pau ..


Narinig kong huminto ang paghakbang nito paalis.



Pinapatawad na din kita at salamat din.

Paulo : Tsk ! Maging masaya sana kayo para maging sulit yung sakit ng ulo ko sa inyo ! Haha !

Ikaw din. Oo nga pala .. Mahal ka pa din ni Sophie.

Paulo : Huweee ? Di nga ? Seryoso ? Sinabi niya sa iyo ?

Napalatak ako ng mahimigan ang pananabik at tuwa sa klase ng pagtatanong nito.

Hindi. Babae din kasi ako.

Hindi ito sumagot pero maya-maya pa ay narinig ko ang mga yabag nito paalis. Mukhang pupuntahan niya na din yung taong mahal niya .. Para suyuin at ipaglaban.


Kipkip ko ang ilang picture na lumapit sa nakahigang si Ace na mabimbing ang pagkakatulog. Napangiti ako at pinunasan ang mga pisngi bago iniangat ang ulo nito at ipinatong sa mga hita ko.


Seven long years .. At ngayon, eto na tayo. Magulo man ang mga nangyari mas pupursihihen kong intindihan ka. Akala ko kaming mga babae lang ang may insecurities sa katawan pero mas malala pa ata ang mga lalaking tulad mo. Hinaplos ko ang mukha nito, mula sa makakapal na kilay, matangos na ilong .. At makipot na labi. Di ko napigilan pa ang sarili at dinampian ito ng magaan halik. Nakaw na halik ? Isa lang naman !



Saktong naglapat ang mga labi namin ng umungol ito .. Whaaaat duh ?!


DA : Abby ?

Love Song : Dylan aceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon