Chapter LVIII

1.4K 57 12
                                    

Nicks POV:

From: Nightmare

Where are you?

~End of text message~

Napasimangot na lang ako sa text nung baklang yun!

"Kuya una na ako!" Sabi ko at kinuha ang mga gamit ko at tumakbo na palabas.

"Nicks! Hindi ka pa nakain!" Sigaw naman ni manang

"Sa school na lang po!" Sigaw ko

"Hatid na kita Nicks!" Sigaw naman ni kuya Leobert

"Hindi na kuya alis na ako bye!" Sigaw ko at nauna nang umalis.

Ang aga-aga ang bossy nung baklang yun! Nakakainis! 6:00 am pa lang oh!

Nakasimangot akong nagpalinga-linga hinahanap ko kotse ni James.

"Anong tinatayo-tayo mo dyan? Sumunod ka na" biglang sabi ni James sa may likod ko at paglingon ko nauna na siyang maglakad.

"Maglalakad tayo?" Tanong ko habang sinusundan siya.

"Oo" simpleng sagot niya.

Sa dami kong dala? Paglalakadin niya ako?!

"Baka naman gusto mo akong tulungan? Baka naman may kosensiya ka pa?" Sabi ko habang inaayos ang pagbibitbit sa mga librong makakapal na pinadala niya kahapon.

"Wala eh" James said

Argghhh! Madapa ka sanang masamang damong bakla ka!

~~~

"Bilisan mo nga bagal na bagal. Tsk." James

"Pasensya na po kamahalan hindi naman po mahahaba ang binti ko, hindi katulad niyo na kabayo" sabi ko at binilisan ang paglalakad.

"Hoy! Hintayin mo ako!" Sigaw ni James ng malagpasan ko siya.

"Blah. Blah." Sabi ko at binilisan pa ang paglalakad.

Nakita ko naman sa may gate si Rickiel na tumatakbong palapit sa akin.

"Kiel!" Sigaw ko at binilisan na din ang paglalakad papunta kay Kiel, ayoko na sa baklang yun!

"Cess, bakit naman ang dami mong dala? Tapos naglakad ka ba?" Sabi ni Kiel pagkalapit sa akin.

"Kung tinutulungan mo muna kaya ako?" Sabi ko

"Hahaha. Wait lang nag-eenjoy pa akong tignan kang nahihirap-- Ahhh! Oo nga heto na nga tutulungan na nga hindi na mabiro to" natatawang sabi ni Kiel at kinuha ang mga libro na dala ko.

"Tara na alam kong gutom ka" biglang sabi ni James na nasa tabi ko na ag hinila na ako papalayo kay Rickiel.

"Hoy! James na bakla! Saan mo dadalhin si Nicks?! Woah~" sabi ni Kiel na muntik pang malaglag ang mga dalang libro.

"Kiel tu--"

"Pakidala na lang yan sa room gutom na ang baboy kaya papakainin ko muna" sabi ni James at hinila na ako papalayo.

"James ano ba bitawan mo nga ako!" Sabi ko habang tinatagtag ang hawak niya sa akin.

"James ano ba! Napapagod na ako sa kakahila mo!"

"James!"

Pinilit kong tumigil lero malakas talaga siya.

"Bakla! Ano ba! Wag mo nga akong kaladkarin!"

Pero no response pa rin.

Maaga pa naman kaya wala pang estudyante dito sa school.

"James Von Vergara! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko

MY BROTHERS VS. MY SUITORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon