(Miss LA: Xandricx and Nicks atthe multimedia)
Nicks POV:
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay James habang kinakaladkad ako dito sa hospital.
"Hoy!" Sabi ko pero di pa rin ako pinapakinggan nitong baklang to!
"Hoy Bakla! Saan mo ba ak--" naputol ang sasabihin ko ng bigla akong itulak ni James papasok ng isang room dito.
"Hoy! James!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pinto sinaraduhan ba naman daw ako dito?!
"James! Bakla! Ano ba?!" Sigaw ko habang pilit binubuksan ang ang pinto
"Ahh neng" tawag sa akin nung babae na nakahiga sa hospital bed.
"Ahh sorry po lola" paghinging paumanhin ko dito.
Naistorbo ko yata si lola sa pagtulog niya. Si James kasi eh!
Ano bang trip ni James at ikinulong ako kasama ni lola dito?!
"Shit" rinig kong sabi ni James sabay bukas ng pinto "Sorry" sabi niya kay lola sabay hila ulit sa akin
Paking tape! Ano bang problema ng lala-- este ng bakla na to?!
"Hoy! Ano ba?! Kanina ka pang hila ng hila! Pupunta pa ako kay Dwight eh!" Sigaw ko dito
Nakakayamot na ah! Mamaya sisipain ko na to!
"Tss" sabi niya at tinulak ulit ako sa isang room at biglang isinarado ang pinto.
"Hoy! James! Buksan mo to wala--" Sigaw ko
"Princess"
Napalingon ako, isa lang ang tumatawag na Princess sa akin.
"Dwight" agad ko naman siyang nilapitan "Anong nangyari sayo?" Tanong ko habang tinitignan ang nakabenda niyang paa at ulo.
"Ahh" sabi ni Dwight habang nagkakamot ng ulo "Wala. Naaksidente lang" sabi niya
"Kailan?"
"Kagabi" sabi niya.
Kagabi? Bakit? Kaya ba hindi niya ako nasundo kanina?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya
"Ahh. Ehh"
Ano bang sasabihin ko? Aayain ko siyang makipagdate?!
Leobert's POV:
"Hoy! Leobert akala ko ba ikaw ang sumundo kay Nicks ha?!" Sigaw sa akin ni Johnlex habang may hawak na sandok at naka apron.
Pft. Mukha siyang nanay. Hahaha.
Nasa condo kami ni Johnlex ngayon, makikitambay lang.
"Ako ba? Akala ko si Mark yun eh!" Sagot ko habang nakain.
"Me?" Sabi ni Mark habang umiiling "Lanze" sabi niya sabay turo kay Lanze.
"Anong ako?! Hindi ako! Si Johnlex ang sinabihan ko eh" sabi naman ni Lanze
Napatingin naman kaming lahat kay Johnlex
"Pinasa niyo lang inutos ko eh!" Sabi ni Johnlex at nag alis na ng apron. "Sige sunduin ko na si Nicks. Tss. Di talaga kayo maasahan" sabi niya at nagsuot ng coat.
"Maasahan ako ah!" Sagot ko naman
"Sa pagkain" sabi naman ni Johnlex at umalis na.
"Inggit talaga si Johnlex sa akin" sabi ko sabay iling iling.
"Ano bang sabi ni Johnlex kanina? Nakalimutan ko eh. Ano ngang gagawin ko?" Sabi ni Lanze
"Ikaw daw yung ipapain sa aso ni tanda bukas tapos kami ang makikipag usap sa kanya"
BINABASA MO ANG
MY BROTHERS VS. MY SUITORS
Novela JuvenilOnce upon a time, there was a girl named Princess who had four over protective brothers. She had a simple life with them, but one day, four boys came into her life and made it an extraordinary one.These four boys become her suitors, and the four bro...