Chapter 8 : Lakakeng naka Headphone

9 3 2
                                    

Yehet. dalawa update, naks naman good mood si author.

May nakain kase kaya sabog onti. Hakhak

Tapos pala, nagpalit ako ng book cover na pansamantala lang muna. Ang panget noh >_<

Eto na, di na ako magdadrama pa.


<Seo Ji Soo POV>

Ilang araw na lang at malapit na ang pagalis ko.

Nakokonsensya ako dahil hindi ko pa nasasabi hanggang ngayon kay Nam Joon ang tungkol doon.

Ano na ang iisipin nya saken?

Anong klaseng kaibigan ako sa kanya?

" Ma, ayoko pong umalis " pagmamakaawa ko kay mama

" Anak, wala akong magawa. Naiintidihan ko kung ayaw mo pumayag sa gusto ng Papa mo. Pero para rin naman yan sa kabutihan mo "  mahinahong paliwanag ni Mama

" Ayoko pong umalis dahil may tao akong maiiwan "

" Napapansin ko ngang iba ang kinikilos mo nitong nagdaang mga araw. Pwede mo namang sabihin saken anak "

" Po? " nagtataka kong tanong dahil biglang naiba ang usapan

" Matlino ba? Gwapo? Mayaman? "  panguusisa ni mama

" Ma, wag nga po kayong magbiro " gusto ko rin ibahin ang usapan

" Ano ba sya? Drug pusher? Tambay? Panget?! "

" Ma. Ano ba!? " natatawa kong pag iwas sa mga tanong nya

" Gusto ko lang naman malaman kung sino ang napupusuan mo ah. Gusto ko syang makilala "

" Hindi nya po alam na gusto ko sya "

" Masungit ba sya? "

" Matalik na kaibigan ko po sya. At mukhang hanggang doon na lang talaga yun "

" Anak, malaki ka na. Alam kong alam mo na ang tama at mali. Kaya mo na na ngang magdesisyon para sa sarili mo. Tingnan mo nga, umiibig ka na....

Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil nahihiya ako kay Mama

Gusto ko syang makilala. Pasasalamatan ko sya dahil binago ka nya "

Lumipas ang isang buwan

Isang buwan na lang at wala pa rin akong lakas ng loob para sabihin ang lahat lahat kay Nam Joon

Hindi ako ang problema

Masyado lang naman kase syang busy

Ang dami nya laging dalang papel dahil malapit na rin kase matapos ang semester

" Nam Joon gusto mo bang tulungan kita? " nakakaawa na kase ang itsura nya ngayon

" Naku Ji Soo, hindi na kailangan. Kaya ko na ito "  ngumiti sya na halata namang pilit lang iyon

" Mukhang kulang ka sa tulog oh. Nag almusal ka na ba? "

" Tss. Aksaya lang yan sa oras "

" Ano? Ibig sabihin hindi ka pa- "

" Oh? Ji Soo kasama mo pala ang boyfriend ko, na bestfriend... mo " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa sumabat

" Ah. Oo nga eh. Ikaw, saan ka nanggaling? "  plastic kong tanong

" Hindi mo ba nakikita ang hawak ko? Almusal para sa amin ng boyfriend ko. Sorry para sa amin lang ang nabili ko ah, hindi ko naman kase alam na pupunta ka dito "  may pagka sarcastic nyang sabi

Like A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon